"Sabi ko naman sayo Sarah,kayang kaya kong mapaniwala si Headmaster at si Axcel.Wala ka naman kasing tiwala sakin."
"Pero Samantha paano yan kapag lumabas ang katotohanang hindi talaga ikaw ang itinakdang tagapagmana?"
Yan ang pag-uusap na narinig ko sa hallway habang naglalakad ako.Narinig kong nag-uusap si Samantha at ang kanyang mga kaibigan.
Mga walanghiya sila!Anong ibig sabihin nito!?Totoo ba ang narinig kong hindi talaga si Samantha ang Heir ng Water Charm!?
"Itikom mo 'yang bibig mo Sarah!Baka may makarinig sa atin!Malilintikan ka talaga sakin!"panenermon ni Samantha dito.Napatago ako sa isang malaking sculpture nang maramdaman ng presensya kong papalapit na sila sa kinatatayuan ko.Agad akong sumiksik sa sculpture na yon at nagtago upang hindi nila ako makita hanggang sa makalayo na sila.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang mga iyon.Agad agad akong naglakad pabalik ng Houseroom nang makasalubong ko si Yuan at Cheska.
"Oh anong nangyari sayo?bakit parang may humahabol na kung ano sayo?hingal na hingal ka."kunot noong tanong ni Cheska.Agad ko namang hinablot ang kanyang kamay.
"Bumalik tayo sa loob ng Houseroom.May natuklasan akong ikagugulat niyo.
"Ha?per-"
"Mamaya na yang pero mo!Mahalaga 'tong sasabihin ko sayo."mabilis kong sabi at paghila ng kanyang kamay patungong Houseroom.Walang kaalam alam na sumunod si Yuan sa amin dahil sa pagmamadali ko.
"Teka Rowena,ikalma mo nga muna 'yang sarili mo?Ano bang sasabihin mo sa amin?at bakit parang tarantang taranta ka?"pagbungad na tanong ni Cheska nang makarating na kami sa loob ng aming Houseroom.
"Makinig kayong dalawa nang mabuti sa akin.Narinig ko kanina si Samantha at ang kanyang mga kaibigan na nag-uusap.Binanggit ng kaibigan niya na si Sarah na hindi daw si Samantha ang tunay na tagapagmana."
"A-ano!?"pagkagulat nilang dalawa ni Yuan.
"Inaasahan ko nang ganyan ang magiging reaksyon niyo,kasi kahit ako ay nagulat nang marinig ko silang nag-uusap tungkol diyan."ani ko.
"Pero paano nangyari 'yon?Si Headmaster William at si Axcel na ang nagsabi na si Samantha ang Heir hindi ba?"nag-aalalang tanong naman ni Yuan.
"Narinig ko rin na napaniwala lang ni Samantha silang dalawa kaya na ganoon.Pero hindi ko alam kung sa anong paraan."tugon ko na siyang mas lalong ikinagulat nila.
"Pero paanong?paanong napaniwala ni Samantha sina Headmaster?"hindi maipintang mukha na saad ni Yuan.
"Yun din ang hindi ko alam."tugon ko.
"Kung ganon,kailangan nating alamin at ibulgar ang mabaho niyang balak."saad ni Cheska na may nakatatakot na ngiti.
"Pero teka,kung hindi si Samantha ang tunay na tagapagmana.S-sino kaya?"tanong pa ni Yuan.
"Malalaman rin natin 'yan Yuan sa darating na Tournament."
"P-paano?"
"Akong bahala."tugon niya sabay titig sa akin na may nakatatakot na ngiti."Samahan niyo ko mamaya pagkatapos ng huling klase."pagpapatuloy niya na siyang ikinagulat ni Yuan.
"Male-late na tayooooooooooooooo!!"natatarantang sigaw ni Yuan.
Agad kaming lumabas ng Houseroom at mabilis na nanakbo patungo sa aming klase.Wala na kami halos madaanang estudyante sa hallway dahil na rin anong oras na.
YOU ARE READING
Hogsmeade Academy: School of Magic
FanfictionSiya si Rowena Salazar, isang babae na may extra-ordinaryong kakayahan. Kaya niyang magpagalaw ng mga bagay bagay nang hindi niya nahahawakan. Ngunit nang dahil sa kanyang kakayahan ay hindi siya natanggap ng lipunan. Kinutya siya ng maraming tao at...