Katatapos lang ngayon lahat ng aming klase at heto ako ngayon naglalakad mag-isa sa madilim na pasilyo.Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon,hindi pa rin kasi maalis sa aking isipan ang mga nangyari kanina.
Dapat ba akong magalit kay Yuan dahil sa ginawa niya kaninang pagsiisnungaling at pagharas sa akin?Oh dapat akong maawa sa kanya dahil hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya marahil ay alam kong hindi ako ang nararapat na babae para sa kanya.
Ayoko pa bumalik sa loob ng Houseroom dahil ayoko munang makita si Yuan.Hindi ko pa sya kayang makita ngayon.
Sa aking paglalakad ay dinala ako ng aking mga paa sa lugar kung saan ay bihira lang pumunta ang mga estudyante.Oo,ang tore.Nagtungo ako doon upang mapag-isa at mag-isip isip muna habang wala pa ang oras ng hapunan.
Bago pa man ako makapunta sa pinakataas ng tore ay may narinig ako ng dalawang lalaking estudyante na nag-uusap.Hindi ko sinasadyang marinig ang kanilang pinag-uusapan.
"Sigurado ka bang gagawin mo talaga 'yan Vector?"tanong ng isang estudyante.Si Vector?si vector ang kausap ng estudyante?pero bakit,bakit anong ginagawa niya dito?
"Hindi na ako magdadalawang isip Leo,pag pinainom ko sa kanya itong potion na ginawa natin ay paniguradong matatalo sila kapag napa-ibig ko siya."natutuwang saad ni Vector na siyang ikinagulat ko.A-anong potion?matatalo?ano at saan matatalo?
"Ngunit alalahanin mo Vector,wala tayo sa paaralan natin kaya bakit mo gagawin 'yan?At isa pa,hindi pandaraya ang sagot sa pagtatagumpay."
Napabalikwas ako nang marinig ko ang huling sinabi ng kausap ni Vector at nagtago sa sulok ng isang sculpture upang hindi nila ako mahalata.
"Sino 'yan!?may tao ba dyan?"saad ni Vector nang marinig niya ang isang kaluskos sa hindi kalayuan.Agad naman akong napatakbo paalis sa lugar na iyon nang mapagtanto ko ang kanilang mga sinabi. Dali-dali akong nagtungo sa Houseroom upang ipaalam kay Cheska ang aking mga narinig.
Nang makarating na ako sa harap ng aming houseroom ay kitang-kita sa aking mukha ang pagkahingal dahil sa aking pagtakbong ginawa.Pipihitin ko na sana ang Doorknob ngunit bigla akong natigilan.Marahil ay baka nasa salas si Yuan,ayoko pa munang makita siya.
Marahan kong binuksan ang pintuan at tiningnan sa maliit na awang ng pintuan kung may tao ba o nandoon si Yuan sa sala ngunit wala akong nakitang Yuan doon kaya naman kumaripas agad ako ng takbo at pumasok sa loob ng aming kwarto ni Cheska.
"Oh Rowena anong nangyari sa'yo?bakit parang hinahabol ka ng kung anong halimaw sa labas?"
"Teka?saan ka nga pala galing?bakit ngayon ka lang umuwi ng houseroom?"nag-aalala at kunot-noong tanong ni Cheska.
"Hindi na iyon mahalaga Cheska,nagmamadali ako dahil meron akong narinig kanina."ani ko at bumukas sa mukha ni Cheska ang pagtataka.
"Si Vector,narinig kong may kausap siya kanina sa tore at sinabing gumawa siya ng potion para makapandaya.Sa tingin ko ay ang Tournament bukas ang tinutukoy nila."saad ko na siyang ikinagulat niya.
"A-ano!?"gulat na reaksyon ni Cheska
"Oo cheska,at narinig ko rin na ipaiinom niya 'yung potion na 'yon para matalo tayong mga kalaban nila." dugtong ko pa.
"Kung ganon,kailangan rin nating alamin ang tungkol dyan nang sa gayon ay hindi nila tayo matalo sa gaganaping tournament bukas."saad ni Cheska na may nakakalokong mga ngiti.Napa-freeze nalang ako sa kanyang sinabi.Ano na naman kayang plano ang gagawin nito?
"Isinuot niya sa aming dalawa ang kwintas na suot suot niya at pinaikot ang buton doon.Kulay ginto at hugis bilog ang kwintas nito.Nang pihitin niya iyon ay bigla itong umikot nang napakabilis.Lingid pa rin sa aking kaalaman ang ginagawa ni Cheska.
"Cheska para saan 'yan?"seryoso kong tanong sa bagay na 'yon.
"Saka ko na ipapaliwanag,basta sumunod ka na sa akin."Saad niya habang tinatanggal ang kwintas sa aming leeg at nagtungo na sa pinto ng aming kwarto.Bahagya siyang sumilip doon at nang makita niyang walang tao ay dali-dali niyang hinigit ang aking kamay at hinila palabas ng houseroom.
Nang makalabas kami ng Houseroom ay nagulat ako nang makita kong maliwanag pa sa labas.Naaalala ko ay madilim na nang bago ako pumasok sa loob ng Houseroom,bakit ganun?
Dali daling naglakad nang mabilis si Cheska habang hila hila pa rin ang aking kamay.Ngunit heto pa rin ako na nagtataka at hindi maintindihan ang nangyayari.Alas-syete na ng gabi ngunit bakit parang bumalik ang araw at ang liwanag ng paligid.Hindi naman sa talagang maliwanag,parang mag-gagabi na makalipas man ang ilang sandali
"Teka Cheska saan ba tayo pupunta?"kunot noo kong tanong habang hila hila pa rin niya ako.
"Mamaya ka na magtanong Rowena pwede?kailangan muna nating magmadali at baka may makakita sa atin!"pagsusungit ni Cheska kaya naman hindi na ako nagsalita pa at sumunod na lamang sa kanya.
Napagtanto ko na patungo pala kami sa tore na siyang pinuntahan ko kanina.Umakyat kami doon at nang makarating kami sa tuktok ay nakita namin na parang gumagawa ng potion si Vector at ang lalaking estudyante na kasama niya.Hindi niya kami nakita bagkus ay nakatago kami ni Cheska.
"Konting panahon na lang at matatapos na!Humanda ka Rowena sa inyong pagkatalo!siaiguraduhin kong ang paaralan namin ang magwawagi!"nakalolokong saad ni Vector na siyang ikinagulat naming dalawa ni Cheska.
Napatago kaming dalawa ni Cheska nang makita namin ang sarili ko na paakyat ng hagdan.
"Teka Cheska!hindi ba't ako 'yon?Bakit ako nandoon!?teka lang,parang ito 'yung nangyari kanina ah!?"gulat na saad kong pabulong nang makita ko ang aking sarili.
"Sigurado ka bang gagawin mo talaga 'yan Vector?"
"Hindi na ako magdadalawang isip Leo,pag pinainom ko sa kanya itong potion na ginawa natin ay paniguradong matatalo sila kapag napa-ibig ko siya."
"Ngunit alalahanin mo Vector,wala tayo sa paaralan natin kaya bakit mo gagawin 'yan?At isa pa,hindi pandaraya ang sagot sa pagtatagumpay."saad ng isang estudyanteng lalaki.Napatakip si Cheska ng kanyang bibig nang matapakan niya ang isang basag na bote na ikinalikha nito ng ingay!Patay!baka mahuli kami ni Vector!
Nagulat ako nang mabilis akong binuhat ni Cheska at agad siyang lumutang sa ere.Lumutang siya gamit ang kanyang charm at lumabas kami sa toreng iyon sa pamamagitang ng paglutang palabas ng bintana upang hindi kami makita nila Vector.
Nang makalapag na kami sa baba ay dali daling hinila ni Cheska ang aking kamay at mabilis na nanakbo patungong Houseroom.Nang makapasok na kami sa loob ng aming kwarto ay pinatayo ako ni Cheska sa malapit sa likod ng pinto at huwag daw muna akong gagalaw.Habang siya ay bumalik sa kanyang higaan at kinuha ang kanyang binabasang libro kanina nang madatnan ko siya dito.
Maya-maya ay bumukas ang pinto at iniluwa ako nito kaya naman pumasok ako sa sarili ko sa mga sandaling iyon.
Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat.Bumalik kami sa nakaraan ni Cheska.
"P-papaanong nangyari ang lahat ng 'yon?"nanlalaking matang saad ko kay Cheska ngunit nginitian niya lamang ako.
"Ito ang time turner."saad biya at kinuha ang kwintas na suot niya."Binigay sa akin ito ni Headmaster bilang tagapag-alaga.Nagagamit ko ito kapag meron akong namissed o nakalimutang bagay.Ibinabalik ko anh oras na gusto kong ibalik."ani Cheska at tuluyan na akong napanganga sa kanyang mga sinabi.
"Kaya pala bigla bigla ka nalang sumusulpot katulad ng sa Klase natin sa Divination."tulalang saad ko.
YOU ARE READING
Hogsmeade Academy: School of Magic
FanfictionSiya si Rowena Salazar, isang babae na may extra-ordinaryong kakayahan. Kaya niyang magpagalaw ng mga bagay bagay nang hindi niya nahahawakan. Ngunit nang dahil sa kanyang kakayahan ay hindi siya natanggap ng lipunan. Kinutya siya ng maraming tao at...