"Good Afternoon Students!Inaanyayahan ko kayong lahat na magtungo mamayang gabi sa oras ng hapunan sa Great Hall upang ating ipagdiwang ang ating Heir of Water Charm na kung saan ay matagal na nating hinahanap.Inaasahan ko ang inyong pagdalo suot suot ang inyong magagarang kasuotan.Maraming Salamat."pambungad ni Headmaster galing sa pinakamataas na Tower ng Hogsmeade.Rinig na rinig iyon sa buong paaralan marahil ginamitan rin ito ng mahika upang mapalakas ang kanyang pagsasalita at marinig ng buong eskwelahan.
Naging usap-usapan dito sa canteen ang tungkol sa Heir na tinutukoy ni Headmaster.Lahat sila ay walang ka ide-ideya kung sino ang tinutukoy na Heir ni Headmaster.Maraming natuwa nang marinig ang balita ngunit ang iba ay walang pakialam sa kanilang narinig.
"Kailangan ba talagang ipagdiwang pa 'yang bagay na 'yan?"naiinis na banggit ni Cheska.Marahil ay galit pa rin ito kay Samantha kaya niya sinasabi 'yon.Eh sino ba namang hindi maiirita sa bruhang 'yon.
"Teka Cheska,Ano bang problema at palagi kong napapansin na may galit ka kay Samantha?may hindi bang magandang ginawa sa'yo 'yun ha?"matapang na saad ni Yuan habang mariing hawak-hawak ang tinidor.
"Kung maka-react naman 'tong lalaking 'to akala mo Girlfriend niya."singit ni Gio sabay sunggab sa hawak hawak nitong karne.Napakatakaw talaga nitong si Gio!Pero kung anong takaw nito ay yun namang kj sa pagkain ng kakambal nitong si Mio.Aba't kambal ba talaga kayong dalawa?
"Kaibigan ko kayo Gio!At hindi ako makakapayag na may manakit sa inyo."seryosong saad ni Yuan na siyang ikinangiti ko.Alam mo Yuan hindi ka lang Gwapo!Napakasweet mo rin!Hahahaha!"Ano Cheska?sabihin mo lang sa akin kung may ginagawang mali sa'yo 'yung babaeng 'yon ha!makakatikim siya sakin kahit na babae siya!"pagpapatuloy niya.
"Osya tama na Yuan,ikain mo nalang 'yan."natatawa kong sabi sa kanya.
"Hoy seryoso kaya 'ko."
"Oo na,alam ko naman 'yun."saad ko.
"Pati nga 'yung feelings ko sa'yo seryoso na e."
"Ano?may sinasabi ka ba?"tanong ko kahit 'yon naman ay narinig ko matapos siyang bumulong.
"Wala po Ms. Thrixcy."nakangiti niyang tugon kaya naman kinuha ko ang nakabilot na dyaryo sa tabi ko at hinapas 'yon sa ulo niya.
"Hindi ba't sinabi ko sa'yo na huwag mo na 'kong tatawagin sa pangalan na yan!"sigaw ko sa kanya.
"Sorry na,Ms. Beautiful."ani Yuan sabay kindat.Hindi ko na napigilang magalit nang kindatan niya ko.Feeling ko tuloy ay nanghina ako.Hindi ko malabanan ang ka-cutan ng lalaking 'to!
"Che!"saad ko sabay irap.Pero nagpipigil na talaga ako ng kilig.
Ano ba Rowena!hindi ito ang panahon para lumandi!
"Siya nga pala guys,hindi na ako aattend mamaya sa Celebration at baka masira lang ang gabi ko kapag nakita ko na naman 'yang Samantha'ng 'yan."ani Cheska.
"Pero kailangan mong pumunta dun mamaya Cheska.Isa ka sa mga Heir kaya kailangan nandoon ka."saad ni Yuan.
"Oo nga Cheska,at saka kapag hindi ka tumuloy mamaya ay baka lalo kang maparusahan ni Mr. Yab- uhm ni Axcel."
"Lalong maparusahan?bakit?may ginawa ba kayong masama?"nakakunot noong tanong ni Yuan.Nagkatitigan naman kaming dalawa ni Cheska dahil sa mga nangyari kanina."Tell me guys,dahil kung meron man ay baka hindi niyo magustuhan ang parusa ni Axcel.Kilala niyo naman siya diba?"dugtong pa niya.
"Uhmm,Yuan,ano kase.Nagkaroon kami ng away ni Samantha kanina."tugon ni Cheska.
"Ano!?"pagkagulat niya."Bakit?anong nangyare?"tanong pa nito.
YOU ARE READING
Hogsmeade Academy: School of Magic
FanfictionSiya si Rowena Salazar, isang babae na may extra-ordinaryong kakayahan. Kaya niyang magpagalaw ng mga bagay bagay nang hindi niya nahahawakan. Ngunit nang dahil sa kanyang kakayahan ay hindi siya natanggap ng lipunan. Kinutya siya ng maraming tao at...