Sa pagmulat ng mga mata ko ay tumambad sa aking ang kwartong nakabibingi sa katahimikan nito.Napabangon ako at nagpalinga-linga sa paligid at na-realize na nasa loob pala ako ng Hospital Wing.
Teka bakit ganon?Wala namang binanggit sa amin si Professor Mcwudgie na mawawalan ka ng malay kapag na-sting ka ng isang Bullywig.Pero bakit nawalan ako ng malay kanina?
Aalis na sana ako sa kama at akmang tatayo na nang biglang may sumulpot na kung anong nilalang sa harapan ko.Sa sobrang pagkagulat ko ay napaupo ulit ako sa kamang pinagbangunan ko.
Tumambad sa akin ang isang nilalang na maliit,mahaba ang ilong,malalaki ang mata at mahahabang tenga.Nagulat ako sa itsura nito kaya naman napabalikwas ako.Maliit lang siya,mga 2 to 3 feet lang siguro.
"T-teka!s-sino ka!?"sigaw ko sa kanya.
"Ako si Dobby,isang elf.Wag kang matakot sakin,hindi kita sasaktan."nag-aalalang tugon niya."Nanganganib ang buhay mo Rowena,kailangan mo nang umalis dito sa Hogsmeade bago pang may mangyaring masama sa iyo!"
"Ha?A-ano bang pinagsasabi mo?"
"Kailangan mong umalis dito Rowena!kung hindi mapapahamak ka!"matinis at natatakot na paliwanag niya.Hindi ko alam ang mga sinasabi niya,hindi ko maintindihan kung ano ang mga nangyaayari.
"Paano ako maniniwala sayo?eh n-ngayon nga lang kita nakita e."
"Hindi na mahalaga 'yon Rowena,ang mahalaga ngayon ay dapat ka nang umalis dito bago pa man mahuli ang lahat!"saad niya sabay hila sa mga kamay ko.Nagpumoglas ako sa pagkakahawak niya ngunit sa liit niyang iyon ay hindi ko inasahang mas malakas siya sakin.
Nagpatuloy siya sa paghila sakin ngunit hindi ako nagpatinag.Hinila ko pabalik ang aking kamay kahit na nasasaktan na ako.Bakit ako sasama sa nilalang na hindi ko naman kilala?at sa nilalang na ngayon ko lang nakita.Ni hindi ko nga siya maintindihan.
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at agad namang naglaho 'yung maliit na nilalang na'yon.Pumasok sila Cheska kasama si Yuan ngunit hindi nila nakita ang nilalang na iyon dahil sa sobrang bilis ng kanyang paglaho.
"Oh Rowena gising ka na pala,Teka?bakit ka nakatayo dyan?Anong ginagawa mo dyan?"
"Ahm wala Cheska,may tinignan lang ako."tugon ko.
"Okay ka na ba Rowena?nahihilo ka pa ba?"tanong ni Yuan at tumango naman ako."Mabuti naman!tara na sa houseroom at doon nalang tayo maghapunan."
"Sigurado kayo?"tanong ko at tumango rin naman sila.
Lumabas na kami ng Hospital Wing at nagtungo na sa aming houseroom.Habang naglalakad,hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nilalang na nagpumilit na isama ako.Hindi naman siya nakakatakot,pero bakit parang siya ang takot na takot?At papaanong may mangyayari sa aking masama at kailangan ko nang umalis dito sa Hogsmeade?Sino ba siya?bakit parang napepredict niya yung mangyayari sa akin?Hindi naman niya ako kilala pero ganun nalang ang concern niya sakin.Pero bakit tinawag niya ko sa Pangalan ko?Oh baka kaya kilala niya talaga ako?
"Cheska."
"hmmm?"
"May magical creature ba dito na mukhang duwende na 2 to 3 feet ang laki?"seryoso kong tanong dito.
"Ahh oo meron,Sila ay mga elf.Tagabantay sila dito sa Hogsmeade ngunit bihira lang sila makita.Nagpapakita lang sila sa isang tao kung may kailangan silang gawin o sabihin dito.Kaya rin nilang magpredict ng hinaharap."tugon ni Cheska na siyang ikinagulat ko."Bakit Rowena?Nakakita ka ba?"tanong niya.
"Uhm,oo e."tugon ko at nanlaki naman ang mga mata nila.Hindi ko na sa kanila itinago dahil mga kaibigan ko naman sila.
"May sinabi ba siya sayo!?"mabilis na singhap ni Yuan.
"Kailangan ko na daw umalis dito sa Hogsmeade,dahil kung hindi ay baka mapahamak pa ako."napatigil sila sa aming paglalakad nang banggitin ko iyon.
"Hindi ka naman siguro nagbibiro Rowena?"seryosong tanong naman ni Cheska.
"Teka,mukha ba kong nagbibiro?"
"Uyy ano?bakit natameme kayo dyan?at nanlalaki yang mga mata niyo?may dumi ba sa mukha ko?"tanong ko pa dahil sa ekspresyon ng mga mukha nila.
Tahimik pa rin sila at walang kibo na animo'y takot na takot na.Itinaas ni Cheska ang kanyang daliri at may itinuro sa likod ko.At saka ko lang na-realize na may kung ano palang nakatatakot na bagay sa likod ko kaya sila'y takot na takot.
Pagharap ko ay tumambad sa aking harapan ang napakalaking ahas na akma na akong tutuklawin kaya napasigaw nalang ako nang malakas sabay ng pagpikit ng mga mata!
Lumipas ang ilang sandali ngunit parang walang nangyari,pagdilat ng aking mga mata ay nakita kong nasusunog na sa malakas na apoy ang napakalaking ahas.Nakita ko naman si Axcel sa di kalayuan na nakataas ang kanang kamay.Mukhang siya ang dahilan kung bakit nagliliyab na ang napakalaking ahas na tutuklawin na sana ako kanina.
Nag-throwback sa akin ang mga nangyari kanina.Hindi lang ito ang unang beses na niligtas niya ako sa matinding kapahamakan.Niligtas niya rin ako sa pagkakakagat sa akin ng bullywig sa kagubatan.
"Kayo'ng dalawa"pagtukoy sa aming dalawa ni Cheska."Sumama kayo sakin."sambit niya na akala mo'y wala lang ang nangyaring pag-atake sa akin ng malaking ahas.
Sumunod nalang si Cheska sa utos ni Mr. Yabang at ganun rin naman ako.Wala naman akong magagawa kung hindi sumunod dahil ayoko na ring baliin ang utos ng isang prefect dito sa Hogsmeade.
"Teka,bakit sila lang?hindi ba ako maaring sumama?"ani Yuan ngunit hindi ito kinibo ni Mr. Yabang at naglakad nalang ito palayo na siyang pagsunod namin ni Cheska.
"Kita nalang tayo sa Houseroom mamaya."saad ko kay Yuan.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa lugar kung saan kami dinala ni Mr. Yabang.Ang Headmaster's Office.
Naalala ko na.Ngayong araw pala namin malalaman ang magiging parusa namin sa nangyaring paglabag sa batas noong nakaraang araw.Masyado akong naging kampante kaya't hindi ko na naalala ang bagay na 'yon.
Pagpasok namin sa Headmaster's Office ay tumambad sa amin si Headmaster William na animo'y kanina pa may hinihintay.
"Where's Ms. Edlyn?"tanong ni Headmaster William nang makitang dalawa lang kami na kasama niya at wala si Samantha.
"Sinabihan ko na siya kanina after class Sir.Baka patungo na siya dito."tugon ni Mr. Yabang na may malamig na boses.
Maya-maya pa nga ay dumating na si Samantha dala dala ang nakasimangot nitong mukha.
"There she is."dugtong ni Mr. Yabang.
"Ms. Samantha Edlyn,come in.Alam mo naman na siguro kung bakit ko kayo pinapunta dito hindi ba?"tanong ni Headmaster ngunit tumango lang si Samantha bilang pag tugon."So,napagpasyahan na ni Mr. Nite ang magiging parusa niyo sa paglabag na ginawa niyo.Alam niyo naman na bawal ang gulo o away dito sa Hogsmeade ngunit ginawa niyo pa rin ginusto niyo man o hindi.At bilang kaparusahan,bawal kayong gumamit ng spell o charms in one week."
"ONE WEEK!??"pagkagulat ni Samantha.
"Is there any problem with that Ms. Edlyn?"nakangising tanong ni Mr. Yabang.
"Bakit parang ang tagal naman nun?Paano na kapag may activities ako?paano ako makikipag participate?"medyo may inis na sabi ni Samantha.Wala talaga siyang galang!Kahit kaharap niya na ang Headmaster,ganun pa rin siya kung umasta.Okay lang sa akin,tatanggapin ko nalang dahil wala naman akong magagawa.
"Well Ms. Samantha,Punishment is Punishment.You don't have the rights to break it."saad ni Mr. Yabang.
YOU ARE READING
Hogsmeade Academy: School of Magic
FanfictionSiya si Rowena Salazar, isang babae na may extra-ordinaryong kakayahan. Kaya niyang magpagalaw ng mga bagay bagay nang hindi niya nahahawakan. Ngunit nang dahil sa kanyang kakayahan ay hindi siya natanggap ng lipunan. Kinutya siya ng maraming tao at...