Chapter 15:Revelation

2K 100 1
                                    

Kasama ko si Cheska at si Yuan sa salas ng Houseroom at nagmemeryenda nang may kumatok nang malakas sa pintuan at agad naman itong bumukas.Pagbukas ay iniluwa nito si Mio na mukhang hingal na hingal.Nagtungo siya agad sa amin.

"Cheska,Yuan!Ang heir ng water charm ay nalaman na!"sigaw niya na siyang ikinagulat naming lahat.Agad namang tumayo sina Cheska at Yuan dahil sa pagkakagulat.

"A-ang heir ng w-water charm!?S-sino!?"gulat na gulat na tanong ni Cheska.

"Si Samantha."

"Samantha!?"sabay na pagkagulat naming dalawa ni Cheska.

"Paano nangyari?"nagtatakang tanong ni Yuan.

"Hindi ko alam Yuan,basta pinapatawag kayong dalawa sakin ni Headmaster.Magtungo daw kayo sa Opisina niya."

"Sige Mio,maraming salamat"ani Yuan at nagmadali silang dalawa na umalis.

Cheska's Point of View

Dali-dali kaming naglakad ni Yuan patungong Headmaster's Office.Hindi ko mawari ang nararamdaman ko sa oras na ito.Natutuwa ako dahil sa tinagal-tagal na hindi malaman kung sino ang Heir ng water Charm ay ngayon ay natuklasan na.Ngunit nakakainis rin,bakit si Samantha pa!?Bakit ang hinayupak pa na 'yun ang tagapagmana?Nakakadismaya!

Agad kaming nakarating sa Headmaster's Office at agad-agad ring kumatok at sandali lang ang nakalipas ay bumukas ito.

Bumungad mula sa aming dalawa si Axcel na siyang nagbukas ng pinto.Pumasok kaming dalawa sa loob at nagtungo sa lamesa ni Headmaster.Agad kaming nagbigay galang rito.Sa kabilang gilid ay nakita ko si Samantha na nakaupo.Antalas ng pagkakatitig nito sa akin kasama ang nakakairitang ngiti niya.Nakaka-asar talaga ang bruha!

"Good Afternoon Royals."nakangiting pagbati sa amin ni Headmaster na siya namang pagbati namin pabalik ni Yuan.Napansin kong katabi ni Yuan si Axcel na siyang nakaharap 'din kay Headmaster William.

"Pinatawag ko kayong dalawa dahil nais kong ipabatid sa inyo na nakilala na ang tagapagmana ng Water Charm.Meet Ms. Samantha Edlyn,heir of Water charm."nakangiting saad ni Headmaster.Tumayo si Samantha at inabot ang kamay nito kay Yuan.Inabot naman ito ni Yuan at sila ay nagshakehand.Inabot niya rin sa akin ang kanyang palad ngunit nagkibit balikat ako.Matapos niya akong muntikang patayin tapos makikipagkamay ka!?Aba magpasalamat ka dahil hindi nakarating kay Headmaster ang nangyari,kundi nako.Malamang ay na-expelled ka na.Bruhang 'to!

"But Sir,paano niyo naman po nasabing tagapagmana nga talaga 'yang si Samantha?"taas kilay kong tanong.

"Nakita ni Mr. Nite kanina na kinokontrol ni Samantha ang tubig na nanggagaling sa kamay niya.And we all know that only heir of water charm can do that thing.One thing is,ilang taon na tayong naghihintay ngunit si Samantha lamang ang nakitaan ko ng 'ganoong bagay."

"Marahil anak siya ni Mrs. Margarette kaya niya nagagawa iyon.Hindi ba pwedeng kaya niya nagawa ang bagay na 'yun ay dahil anak siya ng water charm?At saka,bakit naman 'yan pipiliin bilang heir ng water charm."saad ko sabay irap at talikod kay samantha.Nanggigigil talaga ako sa kanya.Hindi ko lang 'to mapatulan dahil baka ma-expelled pa ako.Haist.

"Exactly Mrs. Wright.Kadalasan ay ang anak ng dating heir ang magiging tagapagmana.Ganun kadalasan ang nangyayari sa Heir ng Water Charm."seryosong saad ni Headmaster William.

"Is there something wrong with that?Mrs. Wright?"nakakatakot na tanong ni Mr. Nite sa akin.Halos tumayo ang mga balahibo ko nang tanungin ako nito.Nakakatakot."Napansin ko kase na parang dismayado ka nang malaman mong si Ms. Samantha Edlyn ang Heir.May problema ba?"digtong pa niya.

"W-wala po Mr. Nite."pagkukunwari ko dito.Oo Axcel  may problema!Ayoko lang sabihin hindi dahil takot ako sa kanya.Takot lang ako na kapag nasaktan ko siya ay baka ako pa ang mapahamak.

Nanlisik na naman ang kanyang mata with her evil face.Kampon ka talaga ng Demonyo Samantha!Nakakairita ka!

"Mamayang hapunan ay kailangang magara ang ibihis niyong mga Heirs.Dahil ipagdiriwang natin mamayang gabi ang pagkilala sa Heir of Water Charm."saad ni Headmaater.

"May iba pa po ba kayong sasabihin?Kung wala na pwede na po ba akong lumabas?may importante pa po akong gagawin."pagkukunwari ko na naman dahil sa sobrang inis.

"Wala na Ms. Wright.You can go."

"Thank you Sir."sabi sabay alis na ng Headmaster Office.

"Oh bakit ka nandito?"tanong ko kay Rowena na naghihintay sa labas ng Office.

"Wala lang,ahm...gusto ko lang naman malaman kung totoo nga ang mga sinabi ni Mio kanina."

Ikiniwento ko kay Rowena ang lahat ng sinabi ni Headmaster pati ang mga nangyari kanina hanggang sa makarating kami malapit sa labas ng kastilyo kung saan nandon ang isang batis.

"Eh paano na 'yan?"tanong sa akin ni Rowena.

"Hindi ko din alam Rowena.Pero pakiramdam ko talaga ay hindi siya ang tagapagmana."

"Bakit naman?"

"Basta Rowena,Ilang beses ko na rin kasing napapanaginipan na malapit na ang pagdating niya,ng Heir.Pero hindi ko talaga inakalang si Samantha 'yun.Basta,naguguluhan pa rin ako."tugon ko sabay bato ng hawak kong bato sa batis hanggang sa nagpatalbog talbog ito.

"Paano kung si Samantha talaga ang Heir?"

"Bahala na kung siya nga."

Tumayo ako sa aking pagkakaupo para umalis na sa lugar na iyon.Ngunit pag talikod ko ay bumungad sa aming dalawa si Samantha.Naka-cross ang dalawa niyang kamay malapit sa dibdib niya at nakangiti.

"Kamusta ang Heir ng Levitation."mataray na sabi niya.Pinainit mo na ang ulo ko Samantha!Wag mo namang sirain ang araw ko!

"Eh kamusta naman ang Heir ng Water Charm "daw"!pagdiin ko.

"Wala naman akong pake kung hindi kayo maniniwala na ako nga talaga ang itinakda.Nadismaya ka sa akin marahil naiingit ka lang dahil alam mo na mas mataas ang kapangharihan ko kesa sa Levitation mo-"

"Wala akong pake kung mas mataas ka!Ang kinaiinis ko lang ay kung bakit ang bruha pang katulad mo ang magiging tagapagmana!"hindi napigilang inis ko dahil sa mga sinabi niya.

"So totoo nga,guilty ka nga."saad niya at ngumiti."Well,wala ka nang magagawa dahil ako ang itinakda."dugtong niya pa sabay irap at tumalikod.

"Napupuno na ako sayo walanghiya ka!"

Tumungo ako sa kanya at hinablot ang nakakadiri niyang buhok.Napasigaw siya sa sakit na ginawa ko.Sinabinutan ko siya hanggang sa sinabunutan niya rin ako.Hindi na ako gumamit ng spell dahil baka maawa lang ako sa kanya kapag nakita ko siyang duguan.Patuloy niya akong sinabunutan at ganun rin naman ako.

"Samantha!Cheska tama na!"pag-aawat sa aming dalawa ni Rowena ngunit hindi ako bumitaw sa sobrang panggigigil ko sa kanya.Nagpatuloy lang akong sabunutan siya kahit na sobrang nasasaktan na ako sa pagkakasabunot niya sa buhok ko.

"Sa tingin niyo ba ay may magandang maidudulot yang pag-aaway niyong dalawa?"

Napatigil ako nang marinig ko ang malamig na boses na 'yon.Ang boses ni Mr. Nite.

"Sumama kayong tatlo sa Headmaster's Office."saad pa niya na siyang ikinalaki ng mga mata ni Samantha.

"Pero Axcel!Siya ang naunang manakit kaya bakit pati ako sasama sa Office!?"malakas na boses na saad ni Samantha.

"I don't care kung sino man ang nauna sa inyo.Tatlo ko kayong nakita sa gulong ito.Kaya tatlo rin kayong dapat parusahan dito.Sumama kayo sa akin."Mariing sabi sa aming tatlo ni Mr. Nite.Kitang kita sa mga mata niya ang pagkaseryoso nito.Hayy ano bang naisip ko at bakit ko pa nagawa ang bagay na 'to!Paniguradong malalagot ako nito kay Headmaster.

Hogsmeade Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now