Chapter 33:Quadroyal Tournament (Second Task)

1.5K 69 25
                                    





Kasalukuyan kaming nakatayo sa open space ng Hogsmeade dahil dito gaganapin ang aming pangalawang laban ng Quadroyal Tournament.

Kada Team ay kailangan ng isang representative sa game na ito.At hindi naman kami nagdalawang isip na piliin si Mr. Yabang dahil alam naman naming siya ang karapat dapat na magrepresent ng aming Team.

Sa pangalawang task na ito ay apat lang ang maglalaro.Isa kada team.Kaya naman sa huling laban na kami sasalang ni Yuan at Cheska.

Kay Mr. Yabang nakasalalay ang aming puntos sa larong ito dahil siya ang aming napiling representative.

Nasa harapan namin ngayon ang napakalaking Maze na gawa sa matataas at matitibay na mga pader.

Nilikha ito ni Headmaster William gamit lang ang simpleng pagkumpas ng kanyang kamay.

Kung titignan mula sa itaas ang Maze,hindi makakailang napakalaki talaga nito at panigurafong hindi mo alam ang daan na tatahakin mo dahil sa pasikot sikot na mga daan nito.

Sa larong ito,Kailangan mong lagpasan ang nakalilito at nakahihilong mga daan patungo sa pinakadulo nito.Ngunit hindi lang 'yon,lubhang mapanganib ang pagdaan mo dito dahil sa mga nakatagong mahika na kailangan mong iwasan o labanan.


At kapag nakarating ka na sa dulo at nalagpasan mo na ang mga pagsubok,matatagpuan mo dito ang apat na Susi na kung saan ay mamimili ka lamang ng isa.Ang susi na makukuha mo ay magagamit mo upang mapagtagumpayan ang Ikatlong laro.Ngunit kapag hindi ka nagtagumpay na makakuha ng isa sa mga susi,otomatiko na kayo ay talo at hindi na makakasampa sa ikatlong task.


"Magandang Gabi sa inyong lahat."malakas at masayang pagbati ni Headmaster sa gitna ng event sa mga estudyante ng apat ng eskwelahan at maging sa mga professors at staffs."Ngayong gabi,ay magaganap na ang pinakahihintay niyong pangalawang tunggalian ng apat na koponan.Ang second task ng Quadroyal Tournament!"pagpapatuloy ni Headmaster na ikinahiyawan at ilinasaya ng lahat.

Sumabog sa ingay ang buong paaralan dahil sa mga palakpakan at hitawan maging sa mga Cheer ng mga estudyante ng bawat eskwelahan.Kasabay nito ang pagsabog ng maiiilaw na paputok sa kalangitan sa itaas na siyang ikinatuwa ng lahat.

"At ngayon,inaanyayahan ko ang magiging representative para sa pangalawang larong ito mula sa Beauxbatons Academy!"paganyaya ni Headmaster at dali dali namang pumunta sa harapan ang isang maganda,matangkad at maputing babae na isa sa mga miyembro ng Beauxbatons Academy na siyang magiging representative ng kanilang school.Kasabay noon ay ang hiyawan ng mga estudyante ng naturang eskwelahan pati na rin ang halos lahat na mga kalalakihan.Maging sila Mio at Gio ay nakikicheer sa representative ng Beauxbatons Academy.


"Kalaban ba kayo o kakampi?"pagtataray ni Cheska sa kambal na naghihiyawan dahil sa ganda ng babaeng nasa unahan.Napailing nalang ako sa ginawa nilang pag cheer.

Sa aking kinauupuan ay nasa kaliwang bahagi ko si Cheska samantalang nasa Kanan naman si Yuan.At nasa kanan naman ni Yuan ang kambal.

"Hindi na mahalaga 'yon!basta susuportahan pa 'rin namin kayo!Pati na 'rin syempre 'tong representative ng Beauxbatons!"Nakakaloko at kinikilig na saad ni Gio kay Cheska kaya naman nabatukan ito ni Yuan dahil sa kanyan mga sinabi.Napaaray nalang si Gio sa ginawang pagbatok sa kanya nito.


"Ngayon naman ay ang representative ng Castelo Bruxo!"pagaanyaya ni Headmaster at kasabay naman noon ang pagtungo sa unahan ng Isang babae,hindi gaanong katangkaran at hindi ganun kaputi ang balat.Ngunit sa kabila noon ay kitang kita sa kanyang tindig na siya ay kapansin pansing malakas.Kasabay rin noon ang hiyawan ng mga estudyante ng Castelo.


"Durmstrang Institute!"pagpapatuloy ni Headmaster at nagtungo naman dito ang isang Lalaki na may matikas at matipunong katawan.Vector.

Mas lumakas ang hiyawan ng mga kababaihan sa lalaking nakatayo sa unahan ngunit sa kabila noon ay heto kami,inis na inis pa din dahil sa lalaking nagtangkang dayain kami.


Nang mapalingon ako sa gawing kaliwa ko ay nakita ko ang matatalim at nagaapoy na mga mata ni Mr. Yabang na siyang nakatitig sa lalaking nakatayo sa unahan.Malamang sa malamang ay dahilan sa nangyari noong nakaraan sa ginawang pagkain ni Mr. Yabang sa tsokolate na ibinigay sa akin ni Vector na kung saan ay mayroong Love Potion.

Tumayo ako at lumapit sa kinauupuan ni Mr. Yabang na kung saan katabi niya si Cheska hindi dahil para mangasar o galitin ito ngunit para pakalmahin ito.

Tumalab naman ang ginawa kong pagpapakalma kay Mr. Yabang.Sandali itong tumitig sa aking mga mata at agad namang inalis ang kanyang pagkakatitig.

"Goodluck."nakangiti 'kong saad kay Mr. Yabang na siya namang ikinatango niya.

"At ngayon,inaanyayahan ko dito sa unahan ang Representative ng Hogsmeade Academy!"pagtawag ni Headmaster at kasabay nito ang hiyawan ng mga estudyante ng Hogsmeade.Mas malakas ito kesa sa kaninang mga hiyawan dahil sa dami ng estudyante.

Bago pa man tumayo si Mr. Yabang ay binigyan naming tatlo ito ng katagang 'Goodluck' at saka ito nagtungo sa unahan.


"Ngayong kumpleto na kayong apat dito sa unahan.Kailangan niyong makinig mabuti sa aking mga sasabihin."saad ni Headmaster na siyang ikinatahimik ng lahat.

Nabasag ng katahimikan ang buong lugar na kanina'y punong puno ng hiyawan at mga palakpakan.


"Sa task na ito,kailangan niyong lagpasan ang mapanganib na Maze na ito gamit ang inyong lakas,determinasyon at maging ang inyong talino.Lubhang mapanganib sa loob ng Maze na ito kaya naman pinapayuhan ko kayong magingat at maging matalino sa mga hakbang na gagawin ninyo.At kapag nakatawid at nalagpasan niyo na ang Maze na ito at kayo ay nakarating na sa pinakadulo,makikita niyo dito ang apat na susi.Kailangan niyong pumili ng isa lamang sa mga ito upang magamit ito sa ating ikatlong pagtutunggali.Ngunit kung kayo naman ay nabigong makarating at makakuha ng isang susi ay otomatikong tanggal na kayo sa laro at hindi na kayo makakapaglaro pa sa huling task.Maliwanag?"seryoso at malakas na saad ni Headmaster sa apat na manlalaro.Tumango naman ang apat na ito sa sinabi ni Headmaster.

"Tandaan niyo,upang maipanalo ang task na ito.Kailangan niyong maging malakas,matapang,matalino at madiskarte.Higit sa lahat kailangan niyong maging patas at huwag mandaraya.Magtungo na kayo sa inyong mga pwesto dahil ang Ikalawang tunggalian ay magsisimula na!"pagpapayo ni Headmaster at kasabay nito ang muli na namang hiyawan at palakpakan ng lahat ng estudyante.

Bago pa man pumasok si Mr. Yabang sa pintuan ng Maze ay humarap ito at tumingin sa aming tatlo.Binigyan naman naming tatlo ng thumbs ups si Mr. Yabang sa ginawa niyang paglingon sa amin.

"Second Task is about to start in 3!....2!...."saad ni Headmaster kasabay ang pagalingawngaw ng nakabibinging putok na hudyat ng pagsisimula ng laro.

"Galingan mo Mr. Yabang!!!"di ko napigilang pagsigaw na siyang ikinagulat nito nang siya'y lumingon.Napangiti naman ito sa ginawa kong pagsigaw at nagtungo na sa loob.

Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niyang pagngiti sa akin.

0_0

Hogsmeade Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now