Chapter 12:Duellum Group

2.3K 101 1
                                    

Katatapos lang ng hapunan namin sa Magna Hall at nandito ako ngayon sa loob ng kwarto naming dalawa ni Cheska.

Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang libro na ginamit ko kanina.

Bakit ako lang ang bukod tanging nakagawa ng Liquid Luck?At bakit kaya may mga kakaibang nakasulat sa librong iyon.Sino at ano kaya ang Duellum Group ayon sa libro?

Napalingon ako sa aking kanan at nakita ko ang libro na 'yun. Kinuha ko ang librong iyon na kung saan nakalagay sa tabi ng aking higaan.Binuklat ko ito at binasa ang nga nilalaman nito.

Sa isang pahina ay may kapansin-pansing isang simbolo,at sa ilalim nito ay nakasulat ang salitang Duellum.Ito siguro ang simbolo ng Duellum Group.

Sa pahina ring iyon ay napansin ko ang isang salita na sinulat din gamit ang isang quill pen

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa pahina ring iyon ay napansin ko ang isang salita na sinulat din gamit ang isang quill pen.Nakasulat dito ang salitang 'Sectumsempra-for enemies.'.

Sectumsempra?Isa rin siguro ito sa mga spells.

Kinuha ko ang libro ng spells upang tingnan kung nandoon nga ang spell na 'yon.Ngunit hindi ko mahanap ang spell na iyon.Kahit na ilang ulit ko nang hinahap ngunit hindi ko pa rin makita.

Ano kaya ang salitang iyon?at bakit sabi doon ay para sa kalaban?

Sa paglipat ko ng ilang pahina ay nakita ko pa ang iba pang mga sinulat sa libro ng Potions.

"Dark Curses."pagbasa ko sa nakasulat doon.

1.Crucio
2.Imperio
3.Avada Kedavra

'Yan ang mga nakasingit na mga salita sa librong iyon.

Dark Curses?Ibig sabihin ay matindi at ipinagbabawal itong nga spells na 'to.

Binuklat ko ulit ang libro ng Spells at hinanap kung nandoon 'rin ang mga spells na iyon ngunit ako'y nabigo.Hindi ko na naman nahanap ang mga spells na 'yon.Marahil mapanganib siguro 'yang mga spells na 'yan kaya wala dito sa librong ito.

Nabaling ang tingin ko nang napansin ko na galaw nang galaw ang hamster na nasa kulungan malapit sa kama ko.

Inilapag ko ang mga libro at humarap dito sa cute na hamster na ito.

Teka,ano kayang ipapangalan ko dito?

Yuan kaya?haha ang cute niya kase parang si Yuan!baka magalit naman sa akin 'yon kapag ginawa ko 'yun.Hays iba na nga lang.

Binuksan ko ang pinto ng kanyang kulungan at kinuha ito.Dahan dahan ko siya inangat at sabay inilapag sa sahig.

"Ang cute cute naman ng baby kooo"pabebe kong lambing sa hamster na 'yon.

Maya maya pa ay nanakbo palabas ng kwarto ang hamster at nagtungo sa labas.Hinabol ko naman ito hanggang sa maabot ko siya.

Sa labas ng kwarto ay nakita ko si Cheska at kasama nito ang kanyang alagang pusa at nagbabasa ng kung anong babasahin.

Hogsmeade Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now