Chapter 6:Three Heirs

2.6K 127 6
                                    

"Ahhhhhhhhhhhhhh!!!!!!"

Sigaw ko nang may biglang humawak sa balikat ko.Napasigaw ako dahil alam kong hindi si Cheska 'yon at marahil kami lang dalawa ni Cheska sa Room of Praxi.

Pagharap ko sa kung kanino mang humawak sa balikat ko ay ay mas lalo akong natakot dahil wala namang tao sa likuran ko.

"N-nasaan na siya?Nakita mo ba kung sino 'yung humawak sa balikat ko?"takot kong tanong kay Cheska.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na huwag mong gagamitin 'yang kakayahan mo sa kalokohan!At bakit mo tinakot si Rowena!?Masasapak kita dyan eh!"pagkainis ni Cheska.

Teka?Sinong kausap nito?bakit kinakausap niya 'yung hangin?Nababaliw na yata 'to?

"Cheska sinong kausap mo?"pagtatanong ko na may halong takot.

Sandali lang ang lumipas ay biglang may sumulpot na kung sinong nilalang sa harapan namin.

"Y-yuan?"pagbanggit ko sa pangalan nitong lalaking nasa harapan namin.

"Bakit mo ginawa 'yun sakin?Hindi mo ba alam na kamuntikan na akong atakihin sa puso!?"pagkagalit ko dito kahit hindi pa kami close sa isa't isa.Nakakapanginit kase ng ulo!

"Ohh easy Ms. Thrixcy Salazar,hindi ko naman sinasadya eh."nakangiti pa nitong sabi..

Nagawa mo pa talagang ngitian ako ng ganyan ha!?Hindi porket cute ka gaganyanin mo na ako!Wala ka pa ring karapatan!Pero teka?b-bakit niya ako tinawag sa pangalan kong 'yon?Siya palang ang unang lalaki na tumawag sa akin non na kung saan ay ayaw kong tinatawag ako ng ganun.Hindi ko ba alam kung bakit pero ayoko talaga.

"P-paano mo nalaman 'yung First name ko?Saan mo nalaman!?"pagkainis ko.

"Pwede ba Thrixcy huminahon ka.At ano namang masama 'kung alam ko 'yung pangalan mo?may masama ba dun?"nakangiti pa rin niyang sabi.

"Basta wag mo na ulit akong tatawagin sa pangalang 'yun!Ako si Rowena okay?R.O.W.E.N.A!"pagbanggit ko sa mga letrang yon."Tara na Cheska,magpalit na tayo ng damit.Nakakabadtrip 'tong lalaking 'to!"dugtong ko pa sabay labas ng kwartong 'yon.

Hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko na bumulong si Cheska.

"Tingnan mo 'yung ginawa mo?Paano ka magugustuhan niyan kung ginaganyan mo?"mahina nitong sabi pero rinig ko pa rin kaya napatigil ako.Anong sabi niya?magugustuhan?ako?magugustuhan siya?Oo cute siya,pero hindi ko siya type!

Pagtigil ko ay humarap ako sa kanya at umirap.Masungit na kung masungit.Basta wag mo lang akong tatawagin sa pangalang 'yon.

Paglakad ko ay biglang sumigaw si Yuan.

"Rowena!Sorry naaaaa!"pagsigaw niya pero hindi ko na ito pinansin.

Oo cute ka Yuan!pero hindi mo ako madadaan dyan!

Ilang minuto na akong naglalakad sa kastilyo nang ma-realize ko na hindi ko alam kung saan ako pupunta.Bakit nga pala ako naglalakad mag-isa?Asan ba si Cheska?Hays hindi ko na alam kung nasaan ako.Sa sobrang laki ba naman nitong kastilyo siguradong maliligaw ka kung isa kang baguhan.

Nagpalingon-lingon ako sa paligid pero hindi ko na talaga alam kung nasaan ako.Matataas na pader ng kastilyo lamang ang mga nakikita ko.Sa paglingon-lingon ko ay biglang may nagsalita.

"Ms. Rein Salazar."pagbanggit nito kaya napaharap ako sa kung sino ang nagsalita.

"H-ha?A-ako?"nauutal kong sagot.Natakot na ako sa kanya dahil isa pala siyang Heir.Kaya naman napautal ako ng sagot.Naaalala 'ko 'yung mga pagsusungit na ginawa ko sa kanya kagabi.Baka kung anong gawing parusa sakin nito.

Hogsmeade Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now