Property of Duellum Group?ibig sabihin eh may nagmamay-ari ng librong 'to.
Nakapagtataka naman 'tong nakasulat sa librong 'to,at ngayon ko lang ito narinig.
Inilipat ko na ang pahina ng libro at kapansin pansin na puro sulat ng kung ano ano ang librong iyon gamit ang isang pen kaya naman tiningnan ko 'yung libro ni Yuan na siyang namang katabi ko ngunit pagtingin ko ay maayos naman ang libro niya.
Bakit ganito ang libro ko?Bakit puro sulat?At kanino kaya ito?
Pagkakita ko sa procedure kung paano gawin ang Felix Felicis,kapansin-pansin talaga ang mga sulat dito.Mga mga salitang binilugab at pinalitan ng isang proseso.
Sinimulan na naming lahat gawin ang potion.Ang lahat ng estudyante na gagawa ng potion ay may sari-sariling cauldron na inihanda ni Professor James.
Pagbukas ko ng cauldron ay may laman itong tubig,una ay binuksan ko ang apoy na nasa ilalim nito.
Pangalawa ay inilagay ko na ang Ashwinder egg sa cauldron at hinayaan ng ilang minuto.
Matapos ay hiniwa ko ang Squill bulb at inilagay sa cauldron.Mas sinunod ko ang paghiwa at hindi ang pag pagkatas nito.Sinundan ko ang sulat at hindi ang mismong procedure.
Makalipas ang ilang minuto ay hiniwa-hiwa ko rin ang Murtlap Tentacle at inilagay na rin doon.
Pagkatapos naman noon ay nilagay ko na ang Tincture of Thyme at hinalo nang mabilis.Katulad kanina,mas sinundan ko ang nakasulat at hindi ang nakalagay sa libro.
Dinurog ko na ang Occamy eggshell gamit ang mortar and pestle at saka inilagay sa cauldron at saka ito hinalo.
Makalipas ang ilang segundo ay may sumabog.
Nabaling ang tingin namin sa isang eatudyante na kung saan ay sumabog ang kanyang ginagawang potion na siyang ikinauling ng kanyang mukha kaya naman nagtawanan ang lahat.
Binaling ko na ang tingin ko sa aking ginagawa.
Inilagay ko na ang Powdered common rue sa cauldron at ito'y hinalo nang paulit-ulit.
Sa paghahalo ay napansin kong hirap na hirap ang lahat na gawin ang potion.
Katulad nalang ni Yuan na pawis na pawis na at hindi na maipinta ang mukha.
Nabaling naman ang tingin ko sa kabilang dako at napansin kong bumula ang kanyang ginagawang potion at umapaw ito.
Sa bandang dulo naman ay natuyo't nang husto ang kanyang potion at walang natira sa kanyang cauldron ni isa.
Nagcast naman ng spell ang isang estudyante na siyang huling hakbang para magawa ang potion,ngunit sa hindi inaasahan,ito ay sumabog at nabasag ang kanyang cauldron.
Ginawa ko na ang huling hakbang at nag cast na nang spell.
Tulad ng sabi sa nakasulat,number 3 ang figure na dapat gawin ng kamay ko at hindi 8.
YOU ARE READING
Hogsmeade Academy: School of Magic
FanfictionSiya si Rowena Salazar, isang babae na may extra-ordinaryong kakayahan. Kaya niyang magpagalaw ng mga bagay bagay nang hindi niya nahahawakan. Ngunit nang dahil sa kanyang kakayahan ay hindi siya natanggap ng lipunan. Kinutya siya ng maraming tao at...