Chapter 4:Green Locket

3.2K 159 0
                                    

Pagdilat ng mga mata ko ay agad akong bumangon sa aking pagkakahiga at umupo sa kama.

Nagpalingon lingon ako sa maaliwalas na kwarto.Ang ganda ng kwarto na'to kahit na pangsinauna ang design nito.

Akmang tatayo na ako sa aking pagkakaupo nang mahagip ng aking paningin ang mga gamit sa gilid ng kama ko.

May malaking maleta dito kung saan nakalagay ang mga letrang TRRS.

Pero teka?Initials ko 'yan ah?Oh assuming lang talaga ako?pero bakit nasa tabi ng kama ko?

Nilapitan ko 'yung mga gamit na 'yun at tinignan.

Binuksan ko yung Brown na maleta at tinignan kung ano ang mga nasa loob.

Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang mga libro at mga papel.

"History of Magic"pagbasa ko sa Cover ng libro.Eto siguro ang ginagamit ng mga estudyante na mga nag-aaral dito.

Kinuha ko ang libro at binasa pa ang mga Cover nito.

Book of Charms,Herbology,Spells,Potions,Transfiguration at kung ano ano pang mga nakamamanghang libro ang nakita ko dito.

Agad agad kong kinuha ang libro ng mga "Spells" at binasa ko ito dahil gusto kong malaman kung paano gamitin ang kakayahan ko.

Sa dinami dami ng Spells sa book na nakita ko,may nag-iisang spell sa book na iyon ang napansin ko.

"Alohomora."

Banggit ko sa spell na 'yon.Yun kase yung unang spell na narinig ko.Narinig ko kay Mr. Yabang.

Tumayo ako sa aking pagkakaupo sa kama at tinungo ang pintuan ng kwarto.Tumayo ako dito at itinapat ang aking kanang kamay sa pinto.Susubukan kong buksan ang pinto gamit ang spell na ito.Titignan ko kung gagana ito sakin.

"Alohomora."

Banggit ko at biglang bumukas ang pintuan na ikinagulat ko.

Pagbukas ng pintuan ay tumambad sa akin si Cheska na akmang bubuksan ang pintuan.

Halata sa kanyang mukha ang pagkagulat dahil sa lakas ng pagbukas ng pinto.Halos yumanig kase yung pintuan nung bumukas.Hindi ko siguro na control ng maayos.

"M-marunong ka na palang bumanggit ng Spell."manghang sabi ni Cheska.

"Saan mo natutunan?"tanong nito.

Tiningnan ko abg hawak ng kaliwa kong kamay na libro at itinaas ko ito.Para bang sinasabi kong ang libro ang dahilan kaya ko nabuksan ang pinto nang hindi ito hinahawakan.

"Nabasa mo na pala 'yang book of spells,mabuti lang na aralin mo 'yan."pagpapayo nito.

"Yung mga gamit pala sa tabi ng kama mo,Ako ang naglagay kaninang umaga 'non.Pinasuyo sa akin kanina ni Headmaster.Yun na daw ang mga gagamitin mo sa pag-aaral dito sa Hogsmeade.At saka pala Rowena,ahh...m-maligo ka na.Tingnan mo 'yang suot mong uniform.'Yan yung suot suot mo kagabi.Hindi ka pa naliligo."natatawang sabi nito.

Nagkaroon tuloy ng hiya yung katawan ko nung sabihin niya 'yun.Pagod kase ako kahapon kaya hindi na ako nakapagpalit.

Inamoy ko naman 'yung Uniform ko pero hindi naman mabaho e.Hayst.

Napaisip ako sa sinabi niya.Paano ako makakaligo kung wala naman akong pamalit?

"Ahh,teka Cheska.Wala naman akong dalang gamit eh.Di ko naman alam na mapupunta ako dito sa paaralang ito.Wala akong pamalit pag naligo ako.Wala akong gamit."nahihiya kong sabi sa kanya.

Hogsmeade Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now