Nagulat ako sa mga sinabi ni Cheska.Paano naman niyang nasabi na ako ang itinakda?Hindi ko na maintindihan.
"Marahil anak ng dating Heir si Samantha kaya niya nagagawang maglabas at magkontrol ng tubig.Alam naman nating lahat na kapag anak ka ng isang Heir ng Water charm ay may chansang makapagproduce ka ng tubig at kontrolin ito.Ngunit hindi ibig sabihin noon na ikaw ang susunod na tagapagmana."seryosong paliwanag ni Cheska."Ngayon,sigurado na ako na si Rowena Salazar ang tunay na itinakda.Noong una pa lang ay may kutob na ako dahil sa di sinasadyang pagkontrol niya ng tubig.Nakausap ko rin si Professor Trelawney,"saad niya sabay tingin kay Professor Trelawney na nasa bandang likuran niya."Ayon sa kanya,dumating na ang tunay na itinakda,kaya paanong mangyayaring si Samantha ang itinakda kung matagal na siyang nag-aaral at namamalagi dito?Hindi katulad ni Rowena na ilang linggo pa lang nandito."
"Kung totoo man 'yang sinasabi mo,pwede niyo bang patunayan na si Rowena na talaga ang itinakda?"seryosong tanong ng isa pang estudyante.Nabigla ako sa mga nangyari dahil hindi ko inaasahan ang mga ito.Ang alam ko lang ay napunta ako dito para mag-aral dahil isa akong maggo,hindi para maging isang Heir of Water Charm.
"Rowena,maaari mo bang ipakita?Nang sa gayon ay mapatunayan nating ikaw talaga ang itinakda."ani Cheska.Nagdalawang isip pa ako bago ko itinaas ang aking kanang kamay.Sabik ang lahat ng tao na nasa loob ng Magna Hall na makita kung ano ang binabalak kong gawin.Hindi ako naniniwala kay Cheska ngunit sinubukan kong gawin ang mga sinabi niya.
Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga nang malalim.Nagconcentrate ako at nag-focus hanggang sa matanggal ang aking kaba.
Maya-maya pa ay may isang bilog ng tubig ang lumabas sa aking kamay na siyang ikinagulat ng lahat.Itinaas ko na ang aking kaliwang kamay hanggang sa lumaki nang lumaki ang lumulutang na tubig.Mas namangha sila sa kanilang nakita at ang iba ay nagpalakpakan na.
Sa pagdilat ko,nahagip ng aking paningin si Axcel na seryosong nakatingin sa akin kaya naman umiwas kaagad ako ng tingin.Ilang saglit pa ay binawi na ng aking mga kamay ang napakaraming tubig na lumabas dito.Mas lalong umingay ang Magna Hall sa malalakas na palakpakan at hiyawan.
Kinabukasan ay nabalitaan kong pinatawan ng matinding parusa si Samantha sa malaking kasalanang ginawa niya.
"Magandang umaga po."pagbati sa aming dalawa ni Cheska ng ilang mga estudyanteng mga nakakasalubong namin.Ang mangilan ngilan ay iniyuyuko pa ang mga ulo nila na tila ba nahihiya.
"Ano bang problema nila?At bakit parang mukha akong nakakatakot sa ginagawa nila"pagtutukoy ko sa mga estudyanteng iyon habang naglalakad kami sa Hallway.
"Masanay ka na Rowena,ganyan na ang magiging trato nila sayo magmula ngayong araw dahil isa ka ng Heir."
"Hindi pa rin malinaw sa akin kung bakit ko nagagawa ang magpalabas at magkontrol ng tubig."nalulungkot na saad ko.
"Dahil isa ka ngang Heir Rowena.Hindi ka ba masaya?"
"Hindi naman sa hindi masaya,nabigla lang kasi ako sa mga nangyari."tugon ko."Teka,hindi ba't hindi tayo makakapagcast ng spell o charms sa loob ng ilang araw?bakit ko nakontrol ang tubig na lumabas sa aking mga kamay?"seryoso at kunot noo kong tanong.
"Hindi ka naman tinanggalan ng Charm ni Mr. Nite dahil hindi naman niya alam na Heir ka ng Water Charm.Tanging ang pag-cast lang ng spells ang hindi mo magagawa."paliwanag ni Cheska at naliwanagan naman ako doon.
YOU ARE READING
Hogsmeade Academy: School of Magic
FanfictionSiya si Rowena Salazar, isang babae na may extra-ordinaryong kakayahan. Kaya niyang magpagalaw ng mga bagay bagay nang hindi niya nahahawakan. Ngunit nang dahil sa kanyang kakayahan ay hindi siya natanggap ng lipunan. Kinutya siya ng maraming tao at...