Chapter 20:Voices

1.9K 99 1
                                    

Tuluyan na nga kaming tinanggalan ng magic para sa aming kaparusahan.Kahit anong gawin kong pag cast ng spells ay hindi ko na magawa.Nakakalungkot pero tatanggapin ko,kaya ko namang lagpasan 'to hanggang isnag linggo.'Yun nga lang ay baka maapektuhan ang ibang subjects na kakailangin ng spells.Nakakainis!

"Wag mo nang pilitin Cheska,hindi mo muna magagamit 'yan."ani ko kay cheska nang sinusubukan pa rin niyang paganahin ang Levitation Charm niya.Alam ko na masakit para sa isang heir na matanggalan ng Charm kahit na isang linggo lang ito.

Natigil ang pag-uusap naming dalawa nang may pumasok sa loob ng House room.

"I-try niyo 'to."nakangiting saad ni Yuan matapos na pumasok sa loob kasama ang kambal.

"Teka?para saan 'to?"tanong ni Cheska nan abutan kaming dalawa ng Chewing gum na dala ni Yuan.

"Basta subukan niyo lang."

Sinubo naman ni Cheska ang binigay ni Yuan'g chewing gum at nginuya ito.Maya maya pa ay magsasalita na sana siya ngunit boses ng elepante ang boses na lumabas sa bibig niya.Natuwa naman kami sa nangyaring iyon.

Sinubukan rin namang kainin ni Yuan yung Chewing gum na hawak niya at nang magsalita siya ay isang mabangis na boses ng Leon ang lumabas na tinig sa boses niya.Nagulat naman si Gio na siyang katabi niya kaya naman napahalakhak kaming dalawa ni Cheska.

Sinubukan naman ng kambal na nguyain 'yung hawak hawak nilang gum.Boses naman ng unggoy ang lumabas na tinig sa bibig nilang dalawa na siyang ikinahalakhak ko lang sa tuwa.

Pagkatapos noon ay tinitigan nila ako at para bang sinasabing ako naman ang sumubok ng bagay na ginawa nila.Hindi na ako nagdalawang isip at nginuya ko nga ang Chewing gum na hawak hawak ko.Sa hindi ko inaasahan ay maliit at matinis na boses ng palaka ang lumabas na tinig sa bibig ko.Ang malas ko naman!Sa dinarami-rami ng hayop bakit palaka pa ang napunta sakin!HAHAHAHA!

"Ang astig naman niyan!Saan niyo binili 'yan?"namamangha kong tanong nang ituro ko ang hawak hawak ni Mio na lalagyan ng mga Chewing Gums na 'yon.

"Binili namin 'to ni Gio sa isang sikat na Magical Food Store dito sa Maggo world bago kami pumasok dito."tugon ni Mio sabay kuha ng isang cgewing gum at nginuya ito.

"Pwede ba tayong pumunta 'dun?"nae-excite kong tanong.

"Hindi sa ngayon Thricxy."

"Ha?bakit naman?"

"Once a year lang nagbubukas ang store na 'yon,at yon ay ang first day ng school."paliwanag ni Yuan na siyan ikinalungkot ng mukha ko.

"Ano nang nangyari?Anong sabi sa inyo ni Yuan?at ni Headmaster?"tanong ni Yuan sa aming dalawa ni Cheska nang maalala niya kanina na isinama kami ni Yuan sa Head's Office.Nagkatinginan kaming dalawa ni Cheska at hinihintay kung sinong sasagot sa aming dalawa.

"Uhm,Hindi kami pwedeng gumamit ng spells o charms in one week."sagot ko na ikinagulat nilang tatlo.

"Ano!?b-bakit,parang,bakit parang ang lala naman nun?hindi naman malala yung nilabag nyong rules ah?Sa katunayan nga eh minor lang ang nilabag niyo.Baka nga isang araw lang iyon.Pero bakit naman isang linggo!?"nagtatakang saad ni Yuan.

"Hayaan mo na Yuan,wala na naman tayong magagawa e."sagot naman ni Cheska.

"Pero pano 'yan?paano kayo nakakapag activity?baka maapektuhan niyan ang grades niyo sa loob ng isang linggo?"nag-aalala ring saad ni Mio.

"Wag niyo kaming alalahanin,gagawa kami ng paraan para hindi mangyari 'yon."ani Cheska.

"Uhm sige,papasok na ako sa kwarto ko."saad ko.

"Hindi ka maghahapunan?tara na,magsisimula na ang hapunan sa Magna Hall.Sabay sabay na tayong tumungo doon."Paanyaya ni Yuan.

"Hindi na,wala akong gana e."tugon ko.Hindi ko alam pero bigla nalang talaga ako nawalan ng gana.

"Pero baka kasuhan ka na naman ni Axcel kapag hindi ka dumalo sa hapunan?Nasa rules rin ng Hogsmeade na kailangan dumalo gabi gabi sa pagtitipon."pag-papaala-ala sa akin ni Cheska ngunit alam ko naman ang tungkol sa bagay na iyon.

"Hindi naman ako nagugutom,at saka isa pa.Hindi naman ako siguro ako hahanapin ni Mr. Yabang dahil wala namang pake sa akin 'yon."

"Sigurado ka?"tanong niya at tumango naman ako."Sige hindi ka na namin pipilitin,mauna na kami."dugtong niya at sabay-sabay silang lumabas patungong Magna Hall.

Pumasok na ako sa aking kwarto at nabaling ang tingin ko kay Cutie little Mr. Yabang na kasalukuyang kumakain ng gulay na ibinigay sa akin ni Yuan noong nakaraang araw.Para daw hindi magutom ang alaga ko dahil hindi ko daw madalas pinapakain ito.As if naman na alam niyang hindi ko pinapakain si Cutie little Mr. Yabang eh lagi naman nasa loob 'tong cute na alaga ko.

"Ang cute cute naman ng baby koooooooo!"pagpapabebe ko kay Cutie little Mr. Yabang pero tinalukuran lang ako!"Aba'y bastos kang bata ka ha!Ako ang mommy mo kaya wag mo kong tinatalikuran pag kinakausap ka!"sigaw ko ngunit wala siyang imik at nagpatuloy lang ngumuya ng kinakain niyang gulay.

Napahiga nalang ako sa kama ko nang ma-realize na parang tanga pala ako na kinakausap ko ang isang nilalang na hindi naman nagsasalita.

Sa pagkakahiga ko,marami agad pumasok na bagay bagay sa aking isipan.

Ang mga masasayang memorya na na-experience ko dito sa Hogsmeade kahit ilang linggo pa lamang ako dito,mga isang buwan o dalawa na rin siguro?Isang taon?Hindi ko na matandaan lahit na alam kong saglit pa lang ako namamalagi dito ay pakiramdam ko matagal na akong nandito sa lugar na ito.Dahil na rin siguro dito ko naranasan ang salitang Pamilya.Sila Cheska,Yuan at ang Hogsmeade.Napamahal na ako sa kanila.

Basta ang natandaan ko pa ay ang unang pagkakataon kong makatapak dito sa mundo ng Mahika.Sa paaralang ito.

Sumagi sa isip ko si Mr. Yabang.Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa lalaking 'yun na kahit alam kong niligtas niya ang buhay ko kanina sa Napakalaking ahas kanina.Hindi ko mawari kung bakit may ganoong ahas na nasa loob ng kastilyo.At parang wala lang kay Mr. Yabang ang isnag 'yon matapos niyang patayin at maglaho.Hindi lang masaya at nakamamangha dito,nakakatakot rin.Hindi mo alam kung kailan ka mawawala sa mundo.Pero kahit ganoon,mas gusto ko pa ring manatili sa mundong ito.Sa mundong ramdam ko kung ano ako at kung sino ako.

Sa mga oras na 'yon ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil narinig ko na naman ang boses na narinig ko kanina sa kagubatan.

"Mamatay ka Rowena..!"

"Hindi mo kami kayang kalabanin..."

"Mamamatay ka...."

"Mamamatay ka ngayon..."

"Paalam Pinakamamahal kong Rowena...Paalam.."

Napabalikwas ako nang bangon nang marinig ko ang mga boses na 'yon.Napagtanto ko na kanina pa pala ako nakatulog at isa lang pala 'yong panaginip.Hingal na hingal ako at pawis na pawis,hinahabol ko na rin ang hininga ko dahil sa sobrang takot sa napanaginipan ko.Hindi ko alam kung bakit pati sa panaginip ko ay dumadalaw ang mga nakakakilabot na boses na 'yon.

Napadako ang tingin ko sa kama ni Cheska na kasalukuyang natutulog siya doon.Kapansin pansing mahimbing ang pagkakatulog niya dahil sa paghilik nito.

Napasapo nalang ako sa ulo habang inaalala ang mga narinig kong boses sa aking panaginip.

Ilang saglit pa ay bumalik na ako sa aking pagkakatulog.Huminga ako nang malalim at marahang ipinikit ang aking mga mata ngunit ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa matinding pagkabog nito.

Kinalma ko lang ang sarili ko at huminga ulit nang malalim.

Hindi pa man ako nakakatulog ay may boses ulit akong narinig na siyang ikinatili ko na dahil sa sobrang takot!

Hogsmeade Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now