"Rowena gisiiiiiinggg!"
"Uy Rowena gumising ka na!"
"Bumangon ka na!"paggising sa akin ni Cheska ngunit tinatamad pa akong bumangon.Ang sarap sarap pa ng tulog ko e!
"Gumising ka na Rowena malelate ka sa unang klase mo!"utos niya na siyang ikinabalikwas ko kaya bumangon agad ako.
"Anong sabi mo!?Ngayong araw ako magsisimulang mag-klase!?"gulat na tanong ko sa kanya.
"Oo Rowena,kaya kapag hindi ka pa kumilos ay baka mapagalitan ka ni Professor James."sabi niya habang inaayos ang kanyang gamit.
Bumangon na ako't lumabas at nagtungo sa kusina.Pagtungo ko ng kusina ay bumungad sa akin si Yuan na nagluluto.
"Omg!marunong kang magluto!?"nakangiti kong tanong kay Yuan ngunit nginitian lang ako nito.
Tinanggal ni Yuan ang kawali at isinalin sa plato ang kanyang niluto at sinabing,
"Of course,para sa future."bigkas niya sabay kindat sa akin.
Nagulat ako sa laman ng platong sinalinan niya.
"Akala ko naman 'kung ano 'yang niluluto mo!Itlog lang pala!"magkasalubong kilay kong sabi.
Para sa future ka pang nalalaman!Eh itlog lang pala 'yang niluto mo,isa ka ring mayabang e.Haha!
"Oh bakit?masarap naman 'yang itlog ah?Lalo na't ako ang nagluto."dugtong niya na ikinairap ko.
"Ang sungit naman nito.Ang ganda nga ang sungit naman."pagbulong niya.
"May sinasabi ka!?"tanong ko.
"Ah wala po,maganda ka po sabi ko."pagsagot niya.
Naglakad na ako at nagtungo sa Cr na kung saan ay katabi lang ng kusina.Pagpasok ko sa loob ay naghilamos agad ako at nag-ayos ng magulo kong buhok.
"Ah wala po,maganda ka po sabi ko."pag-flashback ng sinabi ni Yuan kanina na siyang ikinangiti ko.
Hay nako Rowena tigilan mo 'yan!Ang harot mo!
Pagkatapos ay nagpunas ako ng mukha at lumabas na ng Cr.Kumuha ng Coffee powder,Creamer at Asukal at nagtimpla na ng kape.
Kahit iba 'yung itsura ng Coffee powder at creamer ay nalaman ko agad dahil sa naka-label sa lalagyan nito.
Dumako na ako sa sala at nakita ko silang apat na nag-aalmusal at siya namang pag-aya nila sa akin
"Rowena tara kumain ka na."nakangiting pag-aya ni Cheska sa akin kaya naman dumako ako doon.
"Tikman mo 'yang egg na niluto ko,masarap 'yan."sabi ni Yuan na siya namang ikinatawa ng tatlo.Ano bang meron sa utak ng mga 'to?May mga sayad 'yata 'tong mga 'to e.
"Anong problem?bakit kayo ngumingiti-ngiti dyan?May nakakatawa ba?may problema ba sa sinabi ko?"seryoso niyang tanong.
Hayy Yuan.Kahit lalaki ka hindi mo naintindihan 'yung sinabi mo at 'kung bakit sila tumawa.Kalokohan talaga nitong mga 'to!
"Wala Yuan."nakangiting sabi ni Cheska.
"Hays.Puro kayo kalokohan."sabi pa ni Yuan.
"Teka Cheska.Anong oras pala 'yung unang klase ko?at anong subject?"seryoso 'kong tanong.
"9:00 am ang first class mo at Potions ang ituturo ni Professor James,makikita mo ang Classroom niya sa Room 65 malapit sa bandang kanan ng Magna Hall.Pero wag kang mag-alala,parehas naman kayo ng Schedule ni Yuan.At pagdating ng 11:00 ay kay Professor Maggie naman ang susunod na klase natin na kung saan ay Transfiguration naman ang subject niya."paliwanag niya siya tanong ko.
YOU ARE READING
Hogsmeade Academy: School of Magic
FanfictionSiya si Rowena Salazar, isang babae na may extra-ordinaryong kakayahan. Kaya niyang magpagalaw ng mga bagay bagay nang hindi niya nahahawakan. Ngunit nang dahil sa kanyang kakayahan ay hindi siya natanggap ng lipunan. Kinutya siya ng maraming tao at...