Chapter 26:Magical Schools

2.2K 109 1
                                    

Ilang araw at mga ensayo na ang nakalipas at isang araw nalang ay magaganap na ang pinakahihintay ng lahat,ang Quadroyal Tournament.

Nandito kaming lahat sa labas ng Hogsmeade maging ang mga Professors at si Headmaster para salubungin ang  mga mag-aaral at namumuno ng tatlong kilalang Magical Schools sa Maggo World.

Ang Beauxbatons Academy,Durmstrang Institute at ang Castelobruxo.Ang tatlong eskwelahang makikilahok sa gaganaping Quadroyal Tournament kasama ang Hogsmeade.

Namangha ang lahat nang natanaw nila ang isang napakalaking karwahe na hila hila ng mga naggagandahang mga kabayo na lumilipad gamit ang kanilang mga pakpak sa kalangitan.

Lumapag ito sa hindi kalayuan ng aming kinatatayuan.Mas malaki sa malapitan ang napakagandang karwaheng iyon.

Nabaling pa ang tingin naming lahat sa kalangitan nang lumitaw naman dito ang mas malaki pa kesa sa karwaheng iyon.Isang napakalaking barko na lumulutang sa himpapawid.

"Ngayon lang ako nakakita ng barko na nasa himpapawid!Anong mahika kaya ang nasa loob ng barkong yan upang makalipad sa kalangitan?"namamanghang saad ni Gio.Kitang kita sa mga mata ng bawat estudyane ang tuwa at mangha sa mga nakita nilang transportasyon ng bawat eskwelahan.

Nabaling naman ang tingin namin sa aming likuran na kung saan naroroon ang kagubatan ng Hogsmeade.May kung anong ingay kasi ang narinig namin doon hanggang may lumabas na mga estudyanteng sakay sakay ng kabayo.Napakarami nila kung tutuusin.Kasama pa ang mga lumilipad na kabayo at mga dragon ang mga sumunod dito.'Yun siguro ang mga estudyante ng Castelobruxo dahil nabanggit sa akin ni Cheska na ang mga estudyante dito ay nakasuot ng Green Robes.Malalakas at magigilas ang katangian daw ang katangian ng mga taga Castelobruxo ayon kay Cheska.

Lumipas ang mahabang oras ay nandito na kami ngayon sa Magna Hall at naghahapunan.Masayang kumakain ang lahat pati na rin ang kambal na abala sa pagkain dahil sa sobrang dami at sobrang sasarap na mga pagkain.Teka?may okasyon ba?bakit parang mas marami ngayon ang pagkain kesa sa mga nakaraang hapunan?

"Magandang gabi students."nakangiting pagbati ni Headmaster William sa amin."Alam ko na lahat sa inyo ay hinihintay ang pagdating ng araw ng tournament.Isang araw nalang ang lilipas at magaganap na ito.Nasaksihan naman nating lahat ang pagdating ng bawat Kalahok sa ating patimpalak.Ating bigyang pugay ang Beauxbaton Academy!"malakas na sigaw ni Headmaster at biglang bumukas ang malaking pintuan ng Magna Hall kasabay ng pagpasok ng mga estudyante.

Maayos na pumasok ang mga dalagang nakasuot ng kulay asul na dress at kulay asul na kakaibang sumbrero.Sabay sabay silang maglakad habang nangunguna ang isang matandang babae sa kanila.Sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad patungo sa unahan kung saan nakatayo si Headmaster ay bigla silang tumigil at nagsaboy ng kumikinang na maliliit na bagay kasabay nang pagsulpot ng mga naggagandahang kulay asul na mga paru-paro at nakangiti nang nagpatuloy sa kanilang paglakad.Sinalubong ng paggalang ni Headmaster ang matandang babae na pinangungunahan nito gamit ang paghalik sa kanang kamay niya.

"At ngayon naman!Ang Durmstrang Institute!"sigaw pa ni Headmaster kaya naman nabaling ulit ang tingin namin sa malaking pinto kung saan pumasok ang Beauxbatons students kanina.

Mabilis namang pumasok ang Grupo naman ng kalalakihan na pinangungunahan ng isang matandang lalaki kasama ang isang matipuno at gwapong lalaki,siguro ay medyo matanda lang siya ng kaunti kay Yuan.Napatitig ako sa nakakaakit na awra niya.Nakasuot sila ng kulay Maroon na robe.Seryoso ang kanilang mga mukha na pumasok sa Magna Hall patungo kina Headmaster.Sinalubong naman ng yakap ni Headmaster William ang matandang lalaki at kinamayan naman niya ang kasama nitong gwapong lalaki.

Nagpalakpakan kaming lahat matapos maglabas ng mga dragong apoy sa mula sa kamay ng mga ilang estudyante ng Durmstrang Institute.Maraming namangha sa pinakita nilang husay sa mahika at kasama na rin ako doon.

"Ngayon naman ay ipinakikilala ko sa inyo ang mga huling eskwelahang makikilahok sa magiging patimpalak!Ang Castelobruxo!"saad ni Headmaster at lumingon naman kaming lahat sa pintuan,bumukas naman ito at iniluwa ang mga lalaki at babaeng estudyante na nakasuot ng kulay berdeng Cloak.Halata sa kanilang itsura na silang malalakas at matatapang dahil sa mga awra nito.Nakipagkamay naman ang pinuno nito nang makarating sila sa unahan.

"Hogsmeade Students!Ang tatlong eskwelahang makikilahok sa ating tournament sa susunod na araw ay nasa harapan na ninyong lahat!Bigyan natin silang lahat ng masigabong palakpakan!"ani Headmaster at napuno nga ng ingay ang buong Magna Hall sa aming palakpakan.Tuwang tuwa at manghang-mangha ang mga estudyante sa nakikita nila sa kanilang harapan.

Habang pumapalakpak ako ay napansin kong nakatitig sa akin yung kaninang matipuno at gwapong lalaki ng Durmstrang.Hindi ko alam kung bakit pero iniwas ko na ang aking tingin dahil sa pagkakatitig nito.

"May I call the Heirs of Hogsmeade?Please come here in front para maipakilala ko kayo sa apat na representatives ng bawat eskwelahan."pag-aaya sa amin ni Headmaster.Mahina akong siniko ni Yuan para yayaing pumunta sa unahan.Tumayo naman kaming tatlong magkakaibigan at nagtungo kina Headmaster William.

"Ms. Juliana,Ms. Andrea,Ms. Fleur at Ms. Angela.They are the representatives of Beauxbatons Academy!"pagpapakilala sa mga representatives ng eskwelahang iyon.Naghiyawan at nagpalakpakan naman ang mga estudyante ng Hogsmeade lalo na ang mga kalalakihan marahil puro babae ang mga nag-aaral sa eskwelahan ng Beauxbatons.Ang iba ay nagawa pang sumipol.

"And for the representatives of Castelobruxo,narito sina Mr. Alvin,Ms. April,Ms. Agatha,at ang panghuli ay si Mr. Harris."pagpapakilala naman ni Headmaster sa apat na estudyante ng Castelobruxo.Masigabong nagpalakpakan ang lahat sa pagpapakilala sa mga matatapang na mag-aaral ng Castelobruxo.Syempre mas matapang kaming mag-aaral ng Hogsmeade.Hindi yata kami magpapatalo!

"At ang pangatlong representatives ng Durmstrang Instite ay sina Mr. Kein,Mr. Angelo,Mr. Rhey,at si Mr. Vector."saad ni Headmaster at sa mga oras na 'yon ay ang mga babae naman ang naghiyawan dahil sa pagpapakilala sa mga matitipunong kalalakihan ng Durmstrang Institute.

"Vector! Vector!"

"Vector!"

"Vector!"

"Vector!"sigaw ng mga kababaihan sa pangalan ng gwapong representative ng Durmstrang Institute.Ikinatawa naman naming dalawa ni Cheska ang ginawang hiyawan ng mga kababaihan.

Bigla nalang akong naipang nang muli na naman akong tinitigan ng katabi kong si Vector ng Durmstrang Institute.Ano bang meron sa lalaking 'to at ganoon nalang makatitig sa akin!

"Beauxbatons,Castelobruxo and Durmstrang representatives.Ipinakikilala ko sa inyo ang heir ng Hogsmeade na siyang magiging representatives ng aming eskwelahan sa gaganaping tournament.Si Ms.Cheska Wright,Mr. Yuan Frost,Ms. Rowena Salazar at si Mr. Axcel Nite."pagpapakilala sa aming apat sa mga representatives.Pinalakpakan naman kami ng bawat estudyante ng tatlong paaralan.Akmang i-aabot ni Vector ang kanyang kamay upang makipagkamay nang abutin ito ni Mr. Yabang na nasa kaliwang bahagi ko.Ikinagulat naman si Vector sa ginawang iyon ni Mr. Yabang.

"Nice to meet you Vector.I'm Axcel."walang reaksyong pagpapakilala ni Mr. Yabang nang makipagkamay ito.

Ano bang problema nitong Mayabang na 'to at bakit niya ginawa ang bagay na 'yon!?

Hindi na bumalik si Mr. Yabang sa kanyang pwesto at doon nalang nanatili sa aking kanang bahagi kung saan ay katabi niya si Vector.Bakit niya ginawa 'yon!Hinarangan niya ako sa matipuno at gwapong lalaki!Nakakainis!

"Ikinagagalak ko kayong makita lahat ngayong gabi!Inaanyayahan ko kayong lahat upang makisalo sa aming hinandang mga pagkain para sa inyo."nakangiting saad ni Headmaster at nagtungo naman silang lahat sa isang nakabakanteng mahabamg lamesa at kaming apat naman ay bumalik na sa aming lamesa.

Bumalik na rin ako sa aking pagkain at ipinagpatuloy na ito.

"Hi Rowena,masaya akong makilala at makita ka."saad ng isang malalim at nakaka-inlove na boses ng lalaki.Napalingon naman ako sa likod ko kung sino ang nagsalita ngunit nagulat ako nang makitang si Vector pala iyon.Na-freeze ako sa aking kinauupuan dahil sa gulat sa nakita kong lalaking matipuno at gwapong nakatayo sa aking likuran.

"M-masaya rin akong makilala ka."nakangiting saad ko dito.

Hogsmeade Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now