"Nakita mo ba 'yung mga ngiti ni Vector kanina?ang gwapo gwapo niya diba!?"kinikilig na saad ko kay Cheska.Hindi ko malaman kung bakit ganun nalang bigla ang tama ko kay Vector.May parang kuryente na dumaloy sa aking katawan nang kausapin niya ako.
"Lamang lang ng isang paligo sa akin 'yun!"seryosong pagsingit naman ni Yuan.
"Eh ano naman sa'yo?"pagtataray ko dito.
"Thrixcy umamin ka nga,in-love ka na ba kay Vector!?"seryoso at may diing tanong ni Yuan.
"Hinahangaan ko lang si Vector!At saka teka nga,ano naman kung ma-inlove ako kay Vector?"tugon ko at bigla nalang nag-walk out si Yuan at nagtungo sa kanyang kwarto.Napairap nalang ako sa ginawa nitong pagtalikod sa akin.
"Anyare ba 'don sa lalaking 'yon?"kunot noong tanong ko kay Cheska.
"Cheska hindi ba niya nasabi sa'yo!?may gusto 'yang si Yuan sa'yo kaya siya nagkakaganyan!Magseselos 'yan!"saad ni Cheska.Ilang saglit ang lumipas nang biglang bumukas ang kwarto nila.
"Hindi ako nagseselos!"naiinis na saad ni Yuan nang marinig niya ang sinabi ni Cheska.Agad naman itong pumasok sa loob at mabilis na isinara ang pinto na siyang naglikha ng ingay.Natawa nalang kami ni Cheska sa ginawa nito.
Ilang oras ang lumipas ay nakaramdam na ako ng antok at niyaya ko na si Cheska na pumasok sa loob ng aming kwarto at matulog na.
Maraming nagkalat na estudyante dito sa loob ng canteen kasama na doon ang apat na mga estudyante ng Magical Schools.Kapansin pansin na maraming Hogsmeade na nakikisalamuha at nakikipagkaibigan sa ibang estudyante ng tatlong eskwelahan.Nagulat ako nang may lumapit na lalaki na estudyante sa aming lamesa.
"Pwede ba akong maki-upo sa inyo?Naubusan na kasi ako ng mauupuan."malalim na boses na saad ni Vector.Agad na nagsalit si Yuan at kitang kita sa kanyang mukha ang pagkaseryoso nito.
"Hindi pwede,nakita mo namang magkakaibigan ang nakaupo dito hindi ba?Maghintay ka nalang ng ibang matatapos."
"Ano ba Yuan!kabago bago niya dito sa Hogsmeade para pagsungitan mo!"panenermon ko dito."Sige Vector,dito ka na umupo."nakangiting pagaaya ko kay Vector at nangiti nan ito sabay tabi sa akin.Ilanh saglit ang lumipas ay biglang tumayo si Yuan sa kanyang kinatatayuan at padabog na umalis at lumabas ng Canteen.
"Hayaan mo na 'yun Vector,ganun talaga 'yung lalaking 'yun."pagpapasensya ko dito.
"Walang problema sa akin 'yon."nakangiti niyang saad at nagsimula na kaming kumain nang sabay-sabay.Napansin ko namang tila nadismaya si Cheska sa ginawang pag-walk out ni Yuan ngunit hindi ko nalang 'yon pinansin.
Nang matapos na ang tanghalian namin ay nagpaalam na ako kay Vector para magtungo na kami ni Chesa sa aming susunod na klase.
Sa aming paglalakad sa Hallway ay nasalubong namin si Yuan ngunit hindi man lang ako pinansin nito.
"Yuan saan ka pupunta?hindi dyana ang klase natin!"sigaw ni Cheska kay Yuan nang lagpasan kami nito ngunit parang wala man lang itong narinig at nagpatuloy lamang sa paglalakad.
"Saan naman kaya pupunta 'yung lalaking 'yon?"kunot noong tanong ni Cheska ngunit nagkibit balikat lang ako sa nangyari at nagtungo na sa aming klase.
Flying lesson ang ituturo sa amin ngayon ni Professor Hooch at nandito kami ngayon sa open space ng Hogsmeade upang turuan kami kung paano lumipad gamit ang walis na may mahabang hawakan.Yun ang ginagamit nilang transportasyon.
"Okay students!nandito tayo ngayon upang ituro ko sa inyo kung paano lumipad gamit ang walis na hawak niyo."nakangiting saad ni Professor."Now,put down your broomsticks.Mag-focus kayo at subukan niyong kunin ang inyong walis gamit ang inyon kamay at isip."seryosong saad ni Professor na siyang ginawa ko naman.Hindi naman kami nabigo at nagawa naming makuha ang walis na nasa lapag.
"Very good students,ngayon naman ay gusto kong sakyan niyo ang inyong broomsticks at kontrolin ito."saad niya at sumakay naman kaming lahat ngunit sa hindi inaasahan ay bigla napang lumipad ang sinasakyan kong walis at dinala ako nito sa ere.Nagsimula na akong kabahan habang nagtatawanan na ang iba kong kaklase.Iwinasiwas ako ng walis kaya kumapit ako nang matindi para hindi ako mahulog dito.Hindi ko ito makontrol marahil ngayon lang ako nakahawak at nakasakay sa bagay na ito.Dinala pa ako nito sa pinakamataas na bahagi at iwinasiwas nang bigla na lang akong nakabitaw sa aking pagkakakapit at napasigaw nang mahulog dito.Napapikit nalang ako sa nangyaring pagbagsak ko nang maramdaman kong may sumalo sa akin bago pa man ako tuluyang bumagsak sa sahig.Naramdaman ko ang matigas na bisig ng lalaking sumalo sa akin.Naramdaman ko rin ang init ng katawan nito.
Saka ko lang napagtanto na si Vector pala ang sumalo sa akin nang imulat ko na ang aking mga mata.Tumambad sa akin ang mapungay na mga mata at makahulog damdaming mga ngiti nito.Pati na rin ang singkit na matang nakatitig sa aking mukha.Parang tumigil ang mundo ko sa mga titig niyang iyon sa akin.Maya-maya pa ay bigla nalang naghiyawan ang mga kaklase ko dahil sa sobrang kilig.
"Pwede bang bitawan mo 'yang girlfriend ko!"sigaw ng isang lalaki kaya naman napabalikwas ako sa pagkakabuhat ni Vector kaya naman ibinaba ako nito.
"Y-yuan."saad ko nang makita kong si Yuan ang lalaking sumigaw.Tila nagulat ang lahat pati na rin si Vector nang marinig nila ang sinabi ni Yuan.Pati si Cheska ay gulat na gulat rin.
"Oo tama ang narinig niyo,Girlfriend ko ang babaeng 'yan."tuloy niya pa at sabay hila sa kamay ko."Tara na."saad pa niya at marahas niya akong hinila papunta sa hallway.Naririnig ko ang pagtawag ni Professor at pinapabalik ako nito ngunit hindi ako nakapamiglas sa pagkakahawak ni Yuan sa aking kamay.
"Nasasaktan na siya kaya bitawan mo na."saad ng lalaking sumalubong sa amin kaya naman napatigil si Yuan.
"Ano bang problema mo Yuan!bakit mo sinabi sa kanilang lahat na kasintahan mo ako kahit hindi naman totoo!?"naiinis na sigaw ko kay Yuan ngunit hindi ito tumugon at nakaiwas lang ang kanyang mga tingin sa akin.
"Sumagot ka!Ano bang problema mo!?"
"Ikaw ang problema ko Thrixcy!Oo nagseselos ako!Nagseselos ako kay Vector dahil may gusto ako sayo!Nagseselos ako tuwing binabanggit mo 'yang Vector na 'yan.Nandito naman ako Cheska,bakit hindi mo kayang suklian ang pagmamahal ko sayo!?"saad ni Yuan nang tuluyan nang magngilid ang mga luha sa kanyang mga mata."Ako nalang Thrixcy!Pwede bang ako nalang?"umiiyak na saad ni Yuan.Sa mga sandaling iyon ay nakaramdam ako ng awa dahil sa ipinakita niya.
"Tigilan niyo na 'yan,bawal mag-usap ng ganyang mga bagay dito sa hallway.Bumalik na kayo sa sarili niyong klase bago ko pa kayo kasuhan dalawa."seryosong saad ni Mr. Yabang at naglakad na paalis.
Ilang saglit pa ay humakbang na ako at tumalikod na kay Yuan ngunit hinablot niya ang aking kamay at hinila ito papunta sa kanyang katawan.Ipinulupot niya ang kanyang kamay sa aking beywang at sabay hinalikan.
Dumampi sa aking labi ang malambot na labi niya.
Napapiglas ako bigla sa kanyang ginawa at sinampal ito nang malakas.
YOU ARE READING
Hogsmeade Academy: School of Magic
FanfictionSiya si Rowena Salazar, isang babae na may extra-ordinaryong kakayahan. Kaya niyang magpagalaw ng mga bagay bagay nang hindi niya nahahawakan. Ngunit nang dahil sa kanyang kakayahan ay hindi siya natanggap ng lipunan. Kinutya siya ng maraming tao at...