Nagising ako sa aking pagkakatulog nang marinig ko ang boses ni Cheska.Nakapikit siya pero may sinasabi,para siyang binabangungot kaya naman ginising ko ito.Pawis na pawis itong bumangon at hinihingal.
"Cheska anong nangyari?ayos ka lang ba!?"nag-aalala kong tanong dito.
"Natuklasan na ang tagapagmana."bigkas ni Cheska habang hinahabol pa rin ang hininga niya.
Kumuha ako ng isang baso ng tubig at iniabot ko iyon sa kanya at iyon naman ay ininom nya.
"Teka,natuklasan na ang tagapagmana?anong tagapagmana?"kunot noo kong tanong at lumingon naman ito sa akin at mariin akong tinitigan sa mata.
"Ang Water Charm Rowena,nandito na siya sa Hogsmeade.Hindi ako nagkakamali dahil kitang kita ko sa panaginip ko ang Heir."seryoso niyang tugon.
"Kung ganon,S-sino ang tagapagmana?"kunot-noo ko pang tanong dito.
"Hindi ko alam Rowena,hindi ko nakita ang mukha niya ngunit sigurado akong siya yun at nandito siya sa loob ng Hogsmeade."
Naputol ang usapan naming dalawa nang pumasok sa silid si Ms. Norris.
"Oh gising na pala kayong dalawa.Mabuti na ba ang pakiramdam mo Cheska?"tanong ni Ms. Norris habang may kinukuhang kung ano sa aparador.
"Okay na po ako Ms. Norris,kaya ko na rin pong pumasok ngayong araw."tugon ko.
"Sigurado ka ba dyan?"
"Opo.Kayang kaya ko na po Ms. Norris,Maraming salamat po sa inyo."masiglang saad nito.
"You're always welcome iha.Osya,kung papasok kayong dalawa e bumalik na kayong dalawa sa house room niyo at maligo,male-late na kayo."paalala niya na siyang ikinatingin ko sa orasan.Nagulantang naman ako sa nakita ko.7:46 na,at konting minuto nalang ay male-late na ako sa 8am class ko.Haist!
Dali dali akong tumayo at nagpaalam kay Ms. Norris na mauuna na kaming dalawa ni Cheska.
Hindi pa man kami nakakalayo kay Ms. Norris ay tinawag kami nito.
"Mga iha,lagi kayong mag-iingat."nakangiti niyang paalala kaya naman sinuklian ko rin ito ng matamis na ngiti at nagmadali na kaming umalis ni Cheska sa Hospital Wing.
Marami kaming estudyanteng nakasalubong sa paglalakad namin ni Cheska kabilang na 'dun si Yuan.
"Oh Cheska kamusta ka na?okay ka na ba?may masakit ba sa'yo?"pag-aalalang tanong ni Yuan.Kitang kita sa kanyang mga mata ang pag-aalala dito.
"Okay na 'ko Yuan,maraming salamat sa pag-aalala."nakangiting tugon ni Cheska.
"Mamaya mo na kami kausapin ni Cheska,Yuan.Nagmamadali kami e,paniguradong malelate na kami sa First Subject namin."natataranta kong saad at hinila ko na ang kamay ni Cheska at nagmadaling naglakad.
Pagdating naming dalawa sa Common room ay agad agad kaming kumain at naligo.Inayos na rin naming dalawa ang gagamitin namin para sa araw na ito.
Magkaklase kaming dalawa ni Cheska sa first subject namin ngayon na kung saan ay ang Divination.
Ilang sandali pa ay nakalabas na kaming dalawa ni Cheska ng Houseroom at nagtungo na sa aming unang klase.
Halos wala ng estudyante ng mapadaan kaming dalawa ni Cheska sa hallway.Marahil late na nga talaga kaming dalawa.
Nakarating kaming dalawa ni Cheska sa silid ng Divination na kung saan ay nagtuturo na si Prof. Trelawney na isang Divination teacher.Agad siyang tumungo sa pintuan nang makita niya kaming dalawa sa labas.
"G-goodmorning Professor Trelawney."pagbati naming dalawa ni Cheska.
"Come in."
Ang unang salitang binanggit nito sa amin.Tumungo naman kaming dalawa ni Cheska para magpakita ng galang at nagtungo na sa aming upuan.
Mabait na guro 'tong si Professor Trelawney hindi katulad ng ibang prof.hays.
Inabutan kaming dalawa ni Cheska ng 'tig-isang tasa na may lamang tea leaves.Pagkatapos 'non ay itinuro na sa amin ang ginawa nila para magawa ang Divination.Para ma-predict ang hinaharap.
"Just focus ang concentrate.Gawin nyo lang ang mga sinasabi ko para magawa natin ng maayos."ani Prof. Trelawney
Lumapit si Prof. Trelawney sa iba't ibang mga estudyante at tinitingnan ang kani-kanilang mga tea cup.Ngunit walang man lang reaksyon si Prof.
Nang makarating na siya sa pwesto naming dalawa ni Cheska ay kinuha nya ang aking tasa at tinignan ito.
Nanlaki ang mga mata niya sa kanyang nakita.
"H-hindi!hindi ito maari!"bigkas niya at napakunot naman kami ng noo.Anong ibig sabihin niya?B-bakit siya gulat na gulat?Ano bang meron sa tasa ko?
"Professor?A-ano pong problema?Ano po ang nakita niyo?"kunot noo kong tanong ngunit hindi ito sumagot at bumalik nalang ito sa harapan.
"Class dismiss."banggit niya na ikinaingay ng silid.
A-anong meron?b-bakit biglang nag-iba ang awra ng mukha ni Professor Trelawney?Halatang halata sa mga mukha niya ang pagkatakot.Ano kayang nakita niya sa tasa ko at nagkaganun siya?
Nagsilabasan na ang ibang estudyante ngunit heto pa rin ako at nakatitig sa aking tasa.Wala naman akong nakita ditong kakaiba.
Nabaling ang tingin ko kay Professor Trelawney at nahuli kong nakatingin siya sakin ngunit umiwas ito ng tingin at dumako na sa kanyang lamesa.Kitamg kita pa rin sa kanyang mukha ang pagkatakot.
"T-tara na Rowena."nauutal na paanyaya ni Cheska sa akin kaya naman tumayo na ako sa aking kinauupuan at lumabas na ng kwartong iyon.
Naglakad lakad kaming dalawa ni Cheska sa hallway ngunit hindi alam kung saan kami paparoon.
"Nakita mo ba ang itsura ni Professor Trelawney kanina?Bakit siya nagkaganon ng makita ang kung ano ang nasa loob ng tea cup ko."seryoso kong saad.
"Pati rin ako nagulat sa laman ng tasa mo Rowena."
"Ha?bakit?ano bang nakita mo?Wala naman akong nakitang kakaiba 'dun."bigkas ko.
"Ang mga black maggo Rowena.Nakita ko sa tasa mo ang simbolo ng mga dark maggo.Paniguradong 'yun ang dahilan kung bakit nagulat si Professor Trelawney."tugon nito.
"A-anong ibig sabihin 'nun Cheska?"tanong ko sa kanya nang napahinto siya sa paglakad at tumungo.
"Divination.Sa divination ay mapepredict natin ang hinaharap Rowena."malamig nitong boses.
Maya maya pa ay pumasok na sa utak ko ang ibig sabihin ni Cheska.
S-simbolo ng mga Dark Maggo?Bakit 'yun ang nakita nila sa cup ko.Ibig sabihin ba 'nun ay nagbalik na sila?Teka,b-bakit sa tea cup ko pa?Anong connection nila sa akin?
YOU ARE READING
Hogsmeade Academy: School of Magic
FanfictionSiya si Rowena Salazar, isang babae na may extra-ordinaryong kakayahan. Kaya niyang magpagalaw ng mga bagay bagay nang hindi niya nahahawakan. Ngunit nang dahil sa kanyang kakayahan ay hindi siya natanggap ng lipunan. Kinutya siya ng maraming tao at...