Chapter 14:Defense Against the Dark Arts

2.2K 105 1
                                    

"Ahm,Cheska?"tawag ko sa kanya habang kumakain kaming dalawa sa loob ng canteen.Nagyaya agad kumain 'tong si Cheska kahit kakakain lang namin kanina bago kami pumasok.Nagmeryenda muna kami habang hinihintay ang next subject namin.

"Hmm?"tugon niya habang ngumunguya.

"Ano nga palang nangyari sa'yo kagabi?B-bakit ka nakahandusay sa sahig at duguan?"tanong ko sa kanya na siyang ikinatigil niya sa pagkain ng maalala ang mga nangyari kagabi.

Napatungo si Cheska at hindi tumugon sa tanong ko.

"Cheska okay ka lang ba?Pwede mo bang sabihin sa akin kung anong nangyari?"muli kong tanong sa kanya.

"Si Samantha,Si Samantha ang may gawa 'nun sa akin."

"S-samantha?"

Napaisip ako sa sinabi ni Cheska.Si Samantha?Y-yung nakita namin noong nakaraang araw na nageensayo sa Room of Praxi?

"Teka Cheska,b-bakit naman niya gagawin sa'yo 'yun?"pag-aalala ko.

"Hindi ko alam Rowena."sambit niya habang nagngingilid ang kanyang mga luha."Paglabas ko kagabi sa Houseroom ay nakita ko siya.Antatalim ng titig sa akin.Hinila niya ako palabas at tinakpan ang aking bibig kaya hindi ko nagawang sumigaw at magpumiglas.Para siyang halimaw dahil sobrang lakas niya.Ngunit ngayon ko lang siya nakitang ganon.At isa pa,hindi ko rin alam kung bakit niya ako kinalaban at kung bakit niya alam ang tungkol sa Sectumsempra."

"S-sectumsempra?"banggit ko at tumango naman siya.

Iyon ang nakita ko sa libro.At 'yun rin ay isang mapanganib na spell ayon kay Ms. Norris.

"Hindi ko alam kung bakit alam ni Samantha ang spell na 'yon samantalang si Headmaster William,Professors,staffs at kaming tatlong Heir lamang ang namakaalam sa spell na iyon.At isa pa bakit niya 'yun sa akin ginamit?Nakapagtataka."muling paliwanag ni Cheska.

"Ano bang meron sa spell na 'yun?"tanong ko dito.

Iniangat ni Cheska ang kanyang ulo at tumingin sa aking mga mata.

"Utos sa amin ng Headmaster na hindi dapat malaman ng kung sino man ang tungkol sa spell na 'yun,Maliban sa mga nakakaalam na nito."tugon niya.

"Pero marahil ika'y aking mapagkakatiwalaan at aking kaibigan,sasabihin ko sayo."

"Ang Duellum Group ang may gawa ng spell na 'yun Rowena.Sila ang umimbento ng napaka-mapanganib na spell na 'yun."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.Ang Duellum group,ang Sectumsempra.Na kung saan ay nakita ko sa libro ng potion ay totoo.

"May p-problema ba Rowena?"tanong nito nang mapansing nagulat ako sa sinabi niya.

"Ahm w-wala Cheska."tugon ko.

"Sobrang mapanganib ng spell na 'yun Rowena,at kapag ginamit 'yon sayo ay maaari mo itong ikamatay.Mabuti nalang at dinala agad ako kay Ms. Norris upang bigyang lunas.Kung hindi nangyari 'yon,malamang ay pinagluluksaan niyo na ako simula kagabi."dugtong niya.

"Teka,sino nga pala ang nagdala sa akin kagabi sa Hospital Wing?"

"Si Axcel.Nakita ka namin na nakahandusay at duguan kaya naman binuhat ka ni Axcel at dinala sa Hospital Wing."tugon ko at nangiti naman 'don si Cheska.

"Hays,andami ko nang utang kay Mr. Nite."

"Utang?"tanong ko.

"Ilang beses na kasi niyang niligtas ang buhay ko sa kabila ng kamatayan."pagpapatulo niya.

Hogsmeade Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now