"Ms. Norris."pagkagulat ko.
Oo tama ang narinig niyo.Si Ms. Norris na kaharap ko at Ms. Norris sa kabilang mundo ay iisa.
Napatulala nalang ako sa nakita ko.
"Rowena nandito ka na pala sa Hogsmeade.Bakit hindi mo binalitaan?"masaya ngunit mahina niyang sabi.Siya nga si Ms. Norris.
"P-paanong nangyari 'to?B-bakit ka nandito?"kunot noo kong tanong.
"Teka,magkakilala na kayo?"tanong ni Cheska.
"Bago ko sagutin 'yan ay pumasok muna kayo sa loob."nakangiti niyang anyaya at agad naman kaming tumuloy sa loob.
Pumasok kami sa loob at pinaupo naman kami ni Ms. Norris.
"Ms. Norris?B-bakit po hindi niyo sinabi sa akin na isa ka palang Maggo?"agad kong tanong sa kanya.
"Dahil hindi ko naman alam na isa ka ring Maggo Rowena.Bakit ko naman sasabihin sa isang Ordinaryong tao na inakala ko lang pala na isa akong Maggo.Syempre bilang isang Maggo ay hindi mo hahayaang malaman ng mga taga kabilang mundo ang tungkol sa atin.Hindi ba?"sagot nito.
"Sabagay."maikli kong sabi.
"Maraming salamat po pala sa kwintas na ibinigay niyo.'Yun pala ang magiging susi para makapunta ako dito na hindi ko naman akalaing nag e-exist."pagpapasalamat ko.
"Pero teka,bakit niyo po pala binigay sa akin 'yung kwintas?Paano niyo po nalaman na isa akong Maggo?"kunot noo kong tanong.
"Dahil sa Bleamer Rowena.Dahil sa Bleamer na nakita ko sa eskwelahang 'yon.Naramdaman ko na rin noong una palang na parang konektado ka sa mga Maggo.Naramdaman ko agad na Maggo ka Rowena."paliwanag niya.
"Pero bakit may Bleamer?Ano ba 'yung nilalang na 'yun? Saan ba 'yun nanggaling?"tanong ko pa.
"Ang Bleamer ay Guardian ng isang Maggo na nasa mundo ng no-maj.Ang Bleamer ang sumusundo sayo para ihatid ka dito sa Hogsmeade,pero para mangyari 'yon.Kailangan muna ng Locket para makapasok ka rito sa Hogsmeade.Tulad ng nangyari sa'yo.Kaya ko binigay sayo ang kwintas nang sa 'gayon ay makarating ka rito at alam ko namang mangyayari iyon dahil sa Bleamer na nagpakita sa Eskwelahang iyon."paliwanag niya.
"Pero bakit ganon?Guardian sila ng Maggo pero bakit nakita ko siyang may hinihigop na kung ano sa bibig ni Mica?Anong ginawa niya kay Mica?"pagtataka ko pa.
Pero bakit nga?Kung Guardian sila,bakit parang masama pa abg ginawa nito kay Mica?
"Tama lang Rowena ang ginawa ng Bleamer kay Mica."nakangiti niyang tugon.
"Bakit?sa paanong paraan?"
"Mapapait na ala-ala ang hinigop ng Bleamer sa bibig ni Mica.At tama lang na mawala ang mga mapapait na ala-ala ng isang tao nang sa gayon ay mabawasan ang sakit na nararamdaman o mararamdaman nito.Tulad ni Mica na nakaranas ng depresyon kaya nagtangkang magpakamatay.Pero tinulungan ito ng Bleamer,hinigop ng Guardian mo ang mga mapapait at nasasakit na ala-ala ni Mica.Kaya noong nagising siya sa Clinic ng Eskwelahan ay nanumbalik ang saya ni Mica at saka narealize na mali ang knyang ginawang pagpapakamatay sa mga oras na iyon."mahabang paliwanag ni Ms. Norris.
Ayun naman pala e!Akala ko lang na masama 'yung Bleamer na 'yun.'Yun pala tumutulong ito sa mga taong depress at maraming mapapait at masasakit na alala.
"Pero nasaan na sila?Bakit wala pa akong nakikitang Bleamer ni isa simula nang makapasok ako dito sa Hogsmeade?"pagtaganong ko pa at agad namang sumagot si Ms. Norris.
YOU ARE READING
Hogsmeade Academy: School of Magic
FanfictionSiya si Rowena Salazar, isang babae na may extra-ordinaryong kakayahan. Kaya niyang magpagalaw ng mga bagay bagay nang hindi niya nahahawakan. Ngunit nang dahil sa kanyang kakayahan ay hindi siya natanggap ng lipunan. Kinutya siya ng maraming tao at...