Chapter 32:Friendship

1.3K 67 0
                                    






Maaga kaming gumising ni Cheska at Yuan at nagtungo sa open space ng Hogsmeade para mag ensayo nang sa gayon ay mas lalo kaming maging handa sa pangalawang bahagi ng aming Tournament.


Habang naglalakad kaming tatlo sa hallway patungo sa aming pageensayuhan ay biglang pumasok sa isip ko ang nangyaring pagyakap sa akin ni Yuan.

Napahinto nalang ako sa aking paglalakad dahil sa pumasok sa aking isipan.Napansin naman ni Cheska ang ginawa kong pagtigil.


"Oh Rowena bakit ka tumigil sa paglalakad?may problema ba?"kunot noong tanong sa akin ni Cheska nang ako'y huminto na kabya ring ikinahinto sa paglalakad.Maging si Yuan din ay napahinto at nakakunot ang noo dahil rin sa pagtataka kung bakit ako napahinto.


"A-ah w-wala Cheska."nakangiti kong saad dito."Tara na?"pagaya ko nalang sa kanila at nagpatuloy na sa aking paglalakad.Napansin kong napangisi nalang si Yuan sa pagaya ko.



"Oh ayun na pala si Axcel oh!"saad ni Cheska nang makita si Mr. Yabang sa 'di kalayuan na nagpapakawala ng apoy na animo'y nageensayo na.



Agad naman kaming dumako sa direksyon ni Mr. Yabang upang samahan siyang magensayo.


"Napakatagal niyo namang dumating,kanina pa ko naghihintay."seryoso at malalim na boses na saad sa amin ngunit nakatalikod na saad sa amin ni Mr. Yabang.Anlakas naman ng presensya nya dahil nagsalita agad siya nang hindi naman niya kami nakitang dumating.

"P-pasensya na Axcel."paghingi ng tawad ni Cheska na siyang ikinairap ko naman.

"Mahusay ang pinakita ng bawat isa sa inyo kahapon.Ngunit wag kayong papakampante dahil naipanalo natin ang unang laro.Kailangan pa nating magsanay para maipanalo natin ang lahat ng tasks."seryoso pang saad sa amin ni Mr. yabang habang nakapamulsa ang kanyang kanang kamay habang pinapaikot naman ng kaliwang kamay ang bolang apoy na nasa kanyang kamay.

Nakasuot si Mr. Yabang ng kulay pulang sando at kulay pula ring shorts.Narealized ko na may itsura rin pala itong mayabang na 'to dahil mas umangat ang kanyang kagwapuhan sa kulay pulang kasuotan.Para siyang isang Diyos ng Apoy sa sobrang hot niya!Kapansin pansin din sa kanya ang naglalakihan niyang braso.

Ano ba 'yan Rowena!Bakit mo pinagpapantasyahan 'tong mokong na 'to!?

Arghh.

"Anong tinitingin tingin mo dyan?"seryosong tanong sa akin ni Mr. Yabang nang mapansin niyang tinititigan ko ang katawan niya.Nagulat naman ako sa kanyang sinabi.

"A-ahm, w-wala no!may naalala lang ako"pagpapalusot ko rito."Mag ensayo na tayo?"saad ko pa habang nakangiti.Nagkibit balikat nalang si Mr. Yabang sa sinabi ko.


"Yuan."pagtawag ni Mr. Yabang dito.


"Hmm?"nakataas na kilay na tanong ni Yuan sa pagtawag nito sa kanya.


"Labanan mo 'ko"seryosong saad ni Mr. Yabang na ikinagulat naming tatlo.

"H-ha??I-ikaw a-at ako? mag-mag lalaban?"nauutal na tanong ni Yuan dito.Alam kong hindi kayang labanan ni Yuan si itong si Mr. Yabang dahil alam naman nating di hamak na mas malakas ang Charm ni Mr. Yabang kaysa dito.

"P-pero paano?Anong ipanlalaban ko sa mga apoy mo eh Invisibility ang Charm ko?"isa pang tanong ni Yuan.


"Exactly."nakakalokong ngiting tugon ni Mr. Yabang.

"Iiwasan mo lahat ang ibabato kong mga apoy sayo gamit ang Charm mo."seryosong saad nito na siyang ikinatigil ng lahat.

"Hindi ba delikado 'yan?"pagaalalang tanong ni Cheska kay Mr. Yabang.

Hogsmeade Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now