Rowena's Point of View
"Hindi niyo ba alam ang kahihiyang ginawa niyo?Heir pa man din kayo pero anong ginawa niyo?Kayo dapat ang maging modelo ng Paaralang ito pero bakit nag-aaway kayo?"
"Pasensya na po Headmaster,ako po ang nagsimula ng gulo.Patawarin niyo po ako."nahihiyang paghingi ng tawad ni Cheska.
"Ikaw Ms. Edlyn?kabago-bago mo lang bilang Heir tapos nakipag-away ka na?"saad ni Headmaster.
"But Sir!hindi naman po ako ang nauna.Bigla na niya na lang hinablot ang buhok ko at sinabunutan."pagdidiin ni Samantha kay Headmaster.
"Hindi naman siguro gagawin 'yon ni Ms. Wright nang walang dahilan,Right?"pagsingit ni Mr. Yabang.Teka?pinagtatanggol ba kami nitong mayabang na 'to?
Mariing Pinanlisikan ng mga mata ni Cheska si Samantha dahil na rin siguro sa naalala niya ang ginawa nitong pagatake kay Cheska noong nakaraang gabi.
"Pero Sir-"
"No more buts Ms. Edlyn.Dahil lumabag kayong tatlo sa Rules ng paaralang ito,ay makakatanggap kayo ng parusa mula kay Mr. Nite."saad ni Headmaster.
"What!?S-si Axcel?"
"Yes Ms. Edlyn,tama ang narinig mo.As Prefect boy ng School na ito,ay isa sa mga tungkulin ni Mr. Axcel Nite na magpataw ng parusa sa kung sino mang lalabag sa ating rules.Hindi mo pa ba alam ang tungkol sa bagay na 'yon?"paglilinaw ni Headmaster.Pero teka,kung mayroong Prefect boy?eh sino naman ang Prefect girl?
"Mamayang gabi niyo malalaman ang inyong magiging parusa pagkatapos ng Pagdiriwang."saad ni Headmaster.
"Ikaw Ms. Salazar."pagtawag ni Mr. Yabang sa akin na siyang paglingon ko sa kanya."H-ha?"nautal kong sabi."Oo ikaw,bakit mo namang hinayaang mag-away at hindi mo man lang sila inawat?"pagtatanong niya."uhm,H-hindi ko naman sila maawat dahil a-ayaw nilang magpa-awat."tugon ko.
"Enough Mr. Nite.Sige,maaari ba kayong pumasok sa susunod na clasd niyo."Saad ni Headmaster at agad namang tumayo na may pag dagbog si Samantha patungong pinto at umalis.Ngunit kami'y humingi pa ng pasensya kay Headmaster dahil sa nangyari bago pa kami umalis.
"Bakit mo pa kasi ginawa 'hun Cheska,tingnan mo ang nangyare,napahamak lang tayo.Hindi natin alam na matindi pala ang ibigay na parusa sa ating tatlo ni Mr. Nite nyan.Lalo na at Heir ka pa."sabi ko kay Cheska na siyang nakasimangot dahil sa kamyang pagkadismaya sa mga nangyari.
"Pasensya ka na Rowena ha,at nadamay ka pa sa gulo ko."paghihingi ng tawad nito sa akin.
"Ano ka ba Cheska!Wala lang sa akin 'yon!Ang inaalala ko lang ay ikaw.Baka kasi matindi ang iparusa sa iyo dahil Heir ka.Basta wag mo akong alalahanin dahil kung ano ang kasalan mo,ay kasalanan ko rin!Partner in Crimes kumbaga!"pagbibiro ko dito.
"Maraming salamat Rowena."
"Ano ka ba Cheska wala 'yon!Ano pa't para na rin kaya kitang kapatid.Ikaw lang kase ang pinakanaging kaibigan ko simula noong makapasok ako dito sa Hogsmeade."saad ko na ikinangiti niya.Tumigil si Cheska sa kanyang paglalakad at humarap sa akin.
"Oh?bakit ka huminto?may problema ba?"tanong ko dito.Lumapit siya sa akin at niyakap ako nang pagkakahigpit kaya naman napangiti ako nang husto.
"Hays Cheska tama na 'yan,wag ka nang malungkot."saad ko matapos kong kumalas sa pagkakayap niya sa akin.
Ngumiti lang sa akin si Cheska at ganun din naman ang ginawa ko.
"So ano nang gagawin natin ngayon?"natatawa kong tanong dito.
"Edi ano pa ba?Lumakad na tayo at magtungo sa Forest para sa susunod nating klase dalawa."tugon niya.
"F-forest?"tanong ko.
"Oo Rowena,May ipapakita kasi sa atin si Professor Rebeus na teacher ng Magical Creatures.At sa gubat daw tayo magtungo."tugon niya at nagtungo naman kami kung saan naroroon Ang forest na sinasabi.Sa bandang likuran ito ng Hogsmeade naka-locate kaya medyo malayo layo rin ng kaunti.
Nang makarating na kaming dalawa ni Cheska ay meron na rin namang mangilan ngilan naming kaklase ang naroon na.Naghihintay sila sa lugar na iyon na siyang sinabi ni Professor Rebeus.Ilang saglit pa ang lumipas ay dumating na si Professor dala-dala ang isang naoakalaming hayop.Itsurang kabayo at ibon ito.Nakakatakot siya kung titignan mo dahil sa laki at liksi nito.Kulay Puti,ang harapang binti niya ay sa agila at ang pakpak at ulo nito.Ang sa likuramg bahagi naman nito ay binti at buntot ng isang puting kabayo.
"Magandang umaga sa inyong lahat!Pagpasemsyahan niyo na ako marahil ay napagod kayo sa pagpunta rito sa gubat.Ngunit wag kayong mag-alala dahil may matututunan rin naman tayo dito.Bago ang lahat,Ako si Professor Rebeus at nandito tayo upang ituro ko sa inyo ang ating lesson ngayong araw.Ipinapakilala ko sa inyo si Buckbeak!ang isang Hippogryff!"Nagulat kami at napaatras nang iangat ni Buckbeak ang kanyang dalawang mga paa sa unahang bahagi at sumigaw ito na parang pinaghalong boses ng kabayo at ng agila."Para sa mga hindi pa nakakaalam,ang Hippogryff ay isang Magical Creature na kung saan ay isa itong kalahating Kabayo at kalahating Agila,kitang kita niyo naman hindi ba?"nakangiting saad ni Professor Rubeus.Hatalang halata kay Prof. na masiyahin siyang guro dahil sa ipinapakita niyang iyon.Kahit na ang laki niyang tao ay ang sayahin niyang tao.
Kumuha si Professor Rubeus ng isang napakalaking daga sa basket na dala nito at inihagis niya kay Buckbeak,Iyon siguro ang mga pinapakain nila sa Hippogryff.
"Para magawa niyo ang pagsakay kay Buckbeak. Una,Eye contact ang pinakakailangan at ang pagba-bow dahil ipinapakita mo sa kanya na malinis ang intensyon mo.Pagkatapos ay hintayin mo lang kung nagustuhan ba niya ang pagbow mo dahil kung hindi ay umatras ka na dahil baka mapahamak ka.At kapag siya ay yinuko rin ang ulo sa iyo,ibig sabihin noon ay nagustuhan ka niya.At kapag ginawa niya 'yon,pjnapayagan ka na niyang umakyat at sumakay sa kanyang likuran para ikaw ay kanyang ilipad sa kalangitan.Once na nagkaroon na siya ng tiwala sa'yo ay magiging maamo na siya hinfi tulad ng hindi ka pa niya kilala.So,meron ba sa inyong gustong sumubok?"nakangiting tanong ni Professor Rebeus."Oh Ms. Salazar!"tawag niya sa akin na siyang ikinagulat ko.Nilingon ko si Cheska sa tabi ko ngunit wala siya at nakita ko silang lahat na umatras pala dahil sa takot.Kaya pala niya ako tinawag ay dahil ako lang ang nagiisang nasa unahan nila.
"A-ayoko Cheska!"bulong ko dito.Nag thumbs up lang ito sa akin at pinapatuloy akong sunakay.
"Sige na Ms. Salazar.Ako ang bahala sa'yo.Basta't sundin mo lang ang mga binanggit ko."saad niya at wala na nga akong nagawa.Dahan dahan akong lumakad patungo kay Buckbeak.Ilang sandali pa ay Yumuko ako ngunit hindi ko hinayaang umiwas ang pagkakatitig ko dito marahil sa sinabi ni Professor na kailangan ng eye contact.Nagulat ako nang itinaas nito ang kanyang mga paa sa kanyang unahang bahagi dahilan ng pagatras ko.Sumenyas si Professor na Tumuloy lang ako.Pero sa totoo lang ay kabnag kaba at takot na takot na ako.Ngunit hindi ako pinanghinaan ng loob.Nagpatuloy ako sa ginawa ko.Maya-maya pa ay dahan dahan itong humakbang sa akin at yumuko rin ito hanggang sa ilang talampakan nalang ang lapit namin sa isa't isa.Sumenyas ulit si Professor na ituwid ko na ang aking katawan.Ginawa ko naman iyon.Itinaas ko ang aking lamay ay inilapad iyon sa kanyang ulo na parang paglalambing ko sa kanya.Nawala ang takot ko sa malaking nilalang na ito nang siya'y nahawakan ko.
Lumapit sa akin si Professor at binuhat ako patungo sa likuran ni Buckbeak upang isakay ako.Nagpumiglas ako sa kanya ngunit wala na akong nagawa nang makaupo na ako sa likuran ni Buckbeak at nagsimula na itong nanakbo kaya naman napakapit ako sa kanya at mabilis na ikinampay niya ang kanyang mga pakpak dahilan ng paglipad namin.Kumampay siya nang kumampay hanggang makarating kami sa itaas.Damang dama ko ang tuwa at saya nang makita ko mula sa himpapawid ang ganda ng buong kastilyo ng Hogsmeade.Inilibot ako ni Buckbeak sa himpapawid.Tuwang tuwa akong sinalubong ang bawat hangin na dumadampi sa akin.Doon ko lang naramdaman na malaya ako,na malaya hindi katulad sa dati kong mundo na puro pangungutya ang ginawa sa akin.Doon ko na-realize ang saya na matagal ko nang hindi naramdaman noon sa Mundo ng mga normal na tao.Hindi ko mapigilang lumuha sa sobrang tuwa ko.
Napakasaya ko.
YOU ARE READING
Hogsmeade Academy: School of Magic
FanfictionSiya si Rowena Salazar, isang babae na may extra-ordinaryong kakayahan. Kaya niyang magpagalaw ng mga bagay bagay nang hindi niya nahahawakan. Ngunit nang dahil sa kanyang kakayahan ay hindi siya natanggap ng lipunan. Kinutya siya ng maraming tao at...