Chapter 3:Maggo

4K 199 11
                                    

Nakatayo pa rin ako sa harapan ng napakalaki at napakagandang kastilyo.Inilibot ko ang aking mga mata sa ganda ng kastilyo.

Habang nililibot ko ang aking paningin sa labas ng kastilyo ay may napansin akong anim na mga estudyante na naglalakad patungo sa kinatatayuan ko.

Nasabi ko silang estudyante dahil nakasuot sila ng uniform.Estudyante siguro sila ng school na'to.

Tinitigan ko lang silang maglakad patungo sa akin.

Kapansin pansin sa kanilang anim ang isang lalaking matangkad at maputi na may hawak hawak na mga libro at papel.

Nang makarating na sila sa kinatatayuan ko ay agad akong tinanong ng lalaking matangkad na maputi.Ang angas ng awra nitong lalaking 'to.Mukha siyang mayabang.

"M-miss?S-sino ka?Anong ginagawa mo dito?"seryoso at malalim na boses nitong tanong sakin.

Hindi ako kaagad nakasagot dahil sa pagkabigla ng tanong nila sakin.

"Ahhm,Miss tinatanong ka ni Axcel kaya sumagot ka."singit naman nitong lalaking nakasalamin na katabi ni Mr. Yabang.Yan ang tawag ko sa kanya dahil halata namang mayabang siya.

"Ahh,A-ako si Rowena,Rowena Salazar."sagot ko sa kanila ng nakangiti.Plastic na ngiti.

"R-rowena Salazar."mahinang bigkas ni Mr. Yabang na may halong pagtataka.

"Ahh Miss Rowena?Saang lugar ka galing?A-anong pakay mo dito?b-bakit ka nandito?Hindi mo ba alam na delikado dito?Maraming mababangis na hayop ang nasa labas ng Kastilyo.Hindi ka ba natatakot?"Sunod sunod na tanong ng lalaking nakasalamin.

"Yuan wag nang maraming tanong,ako nang bahala sa kanya."Singit naman ni Mr Yabang.

Bakit parang nagiba ang awra ni Mr. Yabang nung sinabi ko sa kanila kung sino ako.Anong problema sa pangalan ko?

"T-teka?Anong sabi mo?I-ikaw ang bahala sakin?bakit?anong gagawin mo?"Nauutal utal kong tanong sa kanya.

"'Wag nang maraming tanong,basta sumunod ka nalang sakin."utos nitong si Mr. Yabang na ikinairap ko sa kanya.

"Bakit ako sasama sayo?Sino ka ba para utusan ako ha?"may diing boses kong sabi sa kanya.

Agad niyang binigay ang mga hawak niyang libro at mga papel 'dun sa lalaking nakasalamin na nagngangalang 'Yuan'.

"Ikaw na ang bahala sa kanilang magturo lahat ng tungkol dyan.Nakasulat naman dyan ang mga gagawin.Kaya mo naman siguro 'yan kase may utak ka diba?"paguutos nito na ikinagulat naman ni Yuan.

"H-ha?B-bakit ako?"pagtataka nito.

"Bakit?may angal ka?"walag emosyong saad ni Mr. Yabang.

Haysss ang yabang talaga nitong lalaking 'to!kung makapagsalita at makapagutos akala mo boss!.

"Ahh w-wala,sabi ko nga ako na gagawa haha."pamamlastic nito.

"P-pero bakit?diba ikaw ang dapat magturo samin?"tanong pa nito.

"May mahalaga lang akong dapat gawin."saad naman ni yabang.

"Rein."

Tawag ni Mr. Yabang sakin.

Pero teka?bakit niya 'ko tinawag sa pangalang yun?Kilala ba niya ko?Stalker ko siguro 'tong lalaking 'to.

"H-ha?"pagkabigla ko.

"Sumama ka sakin."utos nito sabay naglakad patungo sa harapan ng napakalaking Gate ng Kastilyo at iniangat ang kanang kamay at iniharap ito rito na siya namang pagbukas nito.


Hogsmeade Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now