01: The Long Wait

378 8 1
                                    









Kasalukuyan akong nagaayos sa loob ng kwarto 'ko. This is it! For the second time, nagfanmeeting ulit si Shin Dong Hyuk dito! Nagfan meeting ulit sa Pilipinas ang EZRA 'KO! Hindi ako mapakali maging sa susuotin 'ko. Ang kalat kalat na sa loob ng kwarto 'ko. I'm panicking!








Bumukas ang pinto pagkakatok at sumilip duon ang bestfriend 'kong si Thalia. Nakakunot na naman as usual ang kaniyang noo, "Napakatagal mo! Ano ba 'yan?!"








Humarap ako sa mga damit na nakakalat sa kama 'ko. "I can't choose! You know.. i need to be pretty pagkakita sa akin ng EZRA!"








"Baliw ka ba? Hindi nila gusto ang mga babaeng masyadong napapakita ng balat. Pero sige, magpakasexy ka sa harap nila. Para ako lang ang pansinin nila!"








Tsk! I don't care about what they would think of me as long as makikita 'ko silang magdrool sa akin! Pero alam 'ko namang napaka-imposible no'n dahil, duh, iba ang lalaki sa Pilipinas sa mga lalaki sa Korea!








Mas type nila ang conservative na mga babae! Unlike here, men are happy whenever they see women strolling around the city wearing their super short shorts and super cleavage!







"Iih! Ano nga kasi ang susuotin 'ko?!"







"Magpants and tshirt ka na lang! Arte arte mo. Tara na!" Hinatak na niya ako since nakasuot na rin ako kanina pa ng blue jeans and tshirt na may printed picture ng Ezra.







Gusto 'ko pa sanang magreklamo dahil ang panit pangit talaga ng suot 'ko! Pero go na rin. Dahil baka punuan na ng super ang mga tao do'n. Kailangan mauna kami!







***







Pagkarating namin sa dream destination namin ay punuan na agad agad! 5:30 na nang madaling araw kami nakarating. Yep! Super early. Mabuti na ang sigurado. Gusto 'kong mauna!







"Ano ba 'yan! Bagal bagal mo kasi, ayan, number 364 pa tayo!"


"Sorry na! Tsaka so what, naman? Makakapasok parin naman tayo sa loob!"



"Tsk!"







Dinig na dinig 'ko pagsisisihan ng dalawang ito sa harap namin. Pang364 sila? So.. does that mean.. 365 kami? Literal bang aabutin kami ng 365 days dito?! Really?! Just kidding.







Tumalikod ako paharap kay Thalia, "Number 365 pa tayo! Oh My God, Thalia! How can I calm down?!"







"Babagal bagal ka, e." Irap niya.







Tsk! Anyway, magbagal man o magmadali, STILL sikat sila! Natural lang sigurong magpaulan ng sandamakmak na fangirls dito dahil duh, EZRA sila! Deserve nila ang ganito kadaming fans!







Napagdesisyunan rin naming maupo muna dito sa labas dahil mamaya pang 6am ang start ng fan meeting. Paypay na paypay ako at kahit 1 hour pa ang hinihintay namin ay hinahanda 'ko na ang mga kailangan 'ko. Ready na ang gifts 'ko sa kanila, at ang album na kabibili 'ko palang at hindi 'ko pa binubuksan.







Habang naghihintay, ipapakilala 'ko muna ang first love and LAST love 'kong si Shin Dong Hyuk (sure na 'yon!) Siya ang mala-Rap monster sa grupo nilang EZRA. Don't get me wrong, hindi siya ang main rapper. Pero siya ang laging nakaassign kapag mage-english na sila.







A Fangirl's FantasyWhere stories live. Discover now