26: Announcement

34 2 0
                                    






05.02.18






Today's his birthday! But in real world - in reality, his birthday is on October 13. My deadline.






I went to the nearest parlor. I need to get my hair and make up done by some professionals. It took me half an hour saka lang ako nakapag pa-make up sa kanila. They have so many customers. Tama nga ang recommendation sa akin ni Bria.






Yep, that's right. Bria recommended me this place. Hindi 'ko rin maintindihan sa sarili 'ko bakit 'ko sinunod ang sinabi niya. It's not like she's demanding me or commanding me to go there, it just happened when I stepped in here.






“What occassion po, Ma'am?” asked the guy wearing all pink.






“I'll be attending a birthday party..” ngumisi siya at gulat 'ko na lang no'ng may kunin siyang isang box na may nakasulat na FOR BIRTHDAY EVENTS at ang loob ay mga make up.






My eyes widened noong makita 'ko pa ang ibang box duon sa pinagkuhanan niya 'di kalayuan sa tabi 'ko.






Birthday events

Clubbing

Wedding ceremony

Sweet revenge

Job searching






Napangiti ako sa kawalan. Seriously, may ganito talaga? Marami bang iba't ibang klase ng make up na ginagamit sa iba't ibang events?






Tiningnan 'kong mabuti iyong lalaki. Sa unang tingin ay aakalain mo na talaga siyang.. ganon.. pero kung aayusan mo siya at tatanggalin mo ang mga nakasabit sa katawan niya, gwapo rin siya.






“Good Morning, ma'am! Welcome to Occassional Make over!”






Lumagpas tingin 'ko at sinilip sa salamin ang bagong pumasok. Pero hindi 'ko na nakita dahil mabilis yatang nabigyan ng upuan. Nagulat ako no'ng may bumeso sa pisngi 'ko. Medyo napaatras ang mukha 'ko at tiningnan ka'gad kung sino ang gumawa no'n.






At halos makalas na mata 'ko sa sobrang panlalaki nito. What is she.. doing here?






“Sinabi 'ko naman sa'yo na hintayin mo ako. Buti na lang at naabutan kita dito. Madaling madali ka, e.”






Hindi ako makapag salita. Maya't maya rin akong pinapaharap no'ng lalaki sa salamin. Nanatili na lang ang tingin 'ko sa salamin dahil nakikita 'ko naman siya.. isang diretso ang salamin na ito, pahaba siya kaya nakikita 'ko parin siya.






Sobrang nakakapanghina na makita siya dito. Parang anytime ay iiyak ako.






“Diba pinagsabihan ka na nina Tito? Na huwag na huwag mong imamaneho sasakyan mo ng mag isa ka lang? Hindi ka pa professional driver, Mel.”






Nagyukom kamay 'ko sa hawakan ng upuan. Hindi ako maka react sa mga sinasabi niya. Dire-diretso lang siya sa pagsasalita, walang tigil kaya minsan ay parang nag eecho na sa akin ang boses niya.






Maya't maya bumubuka bibig 'ko. May gusto akong sabihin pero walang lumalabas sa bibig 'ko.






Nanggilid luha 'ko. Tiningnan niya ako sa salamin at napansin niya ang panggigilid ng luha 'ko kaya bigla niyang kinuha ang kamay 'ko at nilingon. Nanatili ang tingin 'ko sa kaniya sa salamin samantalang siya'y nakabaling sa akin. Finally..






A Fangirl's FantasyWhere stories live. Discover now