EPILOGUE

92 2 0
                                    










Mahigit dalawang linggo kaming hindi na nagkita nung Isaiah. Mahigit dalawang linggo 'ko rin pilit alalahanin kung sino ba siya sa buhay 'ko. Parte ba siya ng buhay 'ko?








Pero sa loob rin ng dalawang linggo na 'yon ay may reward akong natanggap sa parents 'ko. Pupunta raw kaming korea kasama si Thalia at ang parents niya. Saktong may fan signing event doon ang EZRA kaya talagang lulubos lubusin na namin ang pagpunta do'n.








Hindi kami makapapayag na umuwing luhaan o hindi man lang sila makita. Kaya ipagpapaliban 'ko na lang muna ang tungkol sa kay Isaiah at magpo pokus ako sa nalalapit na pagpunta namin ng Korea. Which is next week na!








For the meantime ay magkasama kami ni Thalia ngayon na namimili ng mga kailangang bilhin at dalhin para sa trip namin to Koreaa~ syempre, ako, hindi damit ang inuna 'ko. Inuna 'ko talaga 'yung mga bagay na gusto 'kong ibigay kay Yildeen at sa iba pang members ng EZRA.








Kaya naghiwalay kami ng landas ni Thalia dahil busy pa siya sa paghahanap ng damit na susuotin niya, habang ako ay nasa Department store. “Ano bang maganda..?”








Habang naniningin, may nakita akong lie detector. Well, it's not that special if 'yun ang ibibigay 'ko. Pero iniisip 'ko rin kasi 'yung gamit na posible 'kong makita kapag nagla-live sila. Giving them a lie detector, for sure makikita 'ko sila sa V-Live nila na naglalaro nito.








I looked around and saw Thalia malapit lang sa akin kaya lumapit ako at kinalabit siya and showed the lie detector, “Should I buy this for EZRA? For sure, gamit na gamit nila 'to - ”








“Ay.. sino po sila?” with that, umangat tingin 'ko sa kaniya and realized that I am talking to the wrong person! Napaatras ako.








Napatakip ng bibig, “OMG. Sorry! I've mistaken you po! Kamukha niyo po kasi 'yung friend 'ko. Super sorry!”








“No, it's okay. Nagulat lang ako. Hehe.”








Tumungo ako at handa nang umalis nang magsuggest siya tungkol sa lie detector na dapat kay Thalia 'ko sinasabi!








“I'm a fan of EZRA too, and I like your idea. Who's your bias?”







“Hmm.. Shin Dong Hyuk. Ikaw?”








“OMG. Same!” with that, napaapir at tili kami sa isa't isa. Grabe! Iba na talaga epekto kapag kpop fan ka. Ang daling makahanap ng kaibigan! “Ang gwapo kasi niya talaga and napaka innocent tingnan.”









“Oo nga, e. May fansigning sila sa Korea, pupunta ka ba?” she frowned at me na medyo ikinakaba 'ko. May nasabi ba akong mali? “Uhm..?”









“Hindi, e. Nakakainggit ka naman. You came from a very wealthy family. Makakapunta ka..” ngumisi lang ako.









She raised her hand, “Brianna, by the way.” i accepted it, “Melanie.”








She narrowed her eyes at me. “Sounds familiar. Feels like we've seen each other before. Hm, anyway, una na ako, a. Nice meeting you, Melanie!” tumango lang ako at nagwave sa kaniya.








She's right actually. May feeling rin ako na nagkita na kami nuon, hindi 'ko lang alam kung saan. Parang 'yung kay Isaiah, ramdam 'kong nagkita na kami dati pero wala akong maalala kung saan.








A Fangirl's FantasyWhere stories live. Discover now