04: Soloist

78 2 1
                                    






Malaki pero parang Condo lang ang babay ni Elise. Actyally, condo talaga siya. Ano bang pinagsasasabi 'ko? Inikot 'ko mata 'ko sa buong bahay. Naalis lang ang pagiikot 'ko no'g maibaba na sa loob ang mga gamit 'ko. I'm not staying here for good pero nakakapagtaka lang at ang dami nilang dinala sa akin na mga bagahe.





Tumulong ako sa pagbubuhat ng gamit kay Elise. "Saan ang kwarto 'ko?" Tanong 'ko sa kaniya habang ngalay ngalay na binubuhat ang maleta 'ko.





Nagangat siya ng tingin at tinuro ang kulay brown na pinto malapit sa sala. Siguro 'yung sa kaniyang kwarto ay 'yung sa bandang gitna na kapag lumabas ka ay tanaw mo na ang loob ng kusina. Medyo magkalayo ang kwarto namin. Hindi rin magkatapat.





Tumuloy na ako sa nasabi niyang kwarto 'ko at binuksan. Laking gulat 'ko na lang noong sobrang empty ng pader. Hindi ako sanay! Smanatalang sa kwarto 'ko sa bahay namin ay tadtad ng mga pictures 'yon ng EZRA and especially Yildeen! Tapos dito walang kalaman laman?! Para kang ginugutom tapos pagbukas mo ng ref ay walang laman. Tiyak na magugulat ka do'n!





Pagkasalampak 'ko ng maleta sa kama ay binuklat 'ko ka'gad 'yon. I was expecting na baka may pinadala sa akin sina Mommy na pictutes ng EZRA. Pero nagkalat lamang ako dahil wala kahit isa. Bakit wala?! Tinapon ba nila 'yon? No. Hindi pwede. Imposibleng manyari 'yon dahil alam nila ang pwedeng manyari kapag tinapon nila iyon!





Kumatok sa pinto si Elise. "Kumain na muna tayo. Nagpadeliver na ako."





Tumango ako.





Hindi pa siya tuluyang nakakalayo ay tumalikod ako at tinawag siya. Ngumiti siya sa akin na parang anghel! Sobrang inosente ng kaniyang ngiti st mukha. Nahiya naman ako sa sarili 'ko!





"Diba sabi mo magkapitbahay lang tayo dito ni Yildeen? Uhm.. Saan?" Her eyes narrowed. Naghihintay ako sa kaniyang sagot. "Kumain na muna tayo. Tara."





Hindi na ako nangulit. Pero curious talaga ako, e. Paano ba ako makakasigurong walang EZRA? Na wala siyang gusto kay Yildeen, e napakaimposible naman no'n. Si Yildeen ang pinaguusapan natin. Who wouldn't like him?





Nang maupo kami, natakam na agad ako sa sobrang daming nakahandang pagkain. Lahat ng 'yon ay pina-deliver niya lang. Mga lutong ulam pero may isa talagang nakakuha sa atensyon 'ko. Ang Bicol Express. Kinuha 'ko agad ang serving spoon at nilagay iyon sa plato 'ko nang mahina niya akong sikuhin.





"Bakit?"


"Magdasal muna tayo."





Nahiya ako bigla. Naibaba 'ko ang serving spoon tsaka ng plato at pumikit. Ang isang mata 'ko'y nakabukas. Nakasilip sa ginagawa niya. Taimtim kaming nagdadasal nang bigla siyang magsign of the cross kaya gumaya na rin ako at nagsign of the cross.





"Let's eat?" Tumango ako at dinamihan ang kuha ng Bicol Express.





She laughed a bit, "Hinay hinay sa kain. Marami pang lutong ulam dito, o."





Tumango lang ako.





Pinapanood 'ko siya sa kaniyang pag kain. Kapansin pansin rin ang pagiging mahinhin niya sa pag kain. Sobrang unti lang niya maglagay ng pagkain sa kutsara niya. At kung ngumuya ay saradong sarado ang bibig.





Ginagaya 'ko kung paano siya kumain. Mabagal ang kaniyang pagnguya at parang walang ganang kumain. Naiinip ako sa pangggagaya dahil hindi naman ako ganon kumain. may manners naman ako sa pag kain pero hindi tulad ng ginagawa niya.





A Fangirl's FantasyWhere stories live. Discover now