Nagkulong ako sa kwarto 'ko buong magdamag. Hindi dahil sa nagdamdam ako sa sinabi niya kundi dahil sa naguguluhan parin ako hanggang ngayon. Ayoko ng kausap dahil wala akong ganang ibuka ang bibig 'ko.
Sa bibig niya na mismo nanggaling na soloist siya. Kunot noo akong magangat ng tingin sa bintana. It's already 10:30 in the evening. Kanina pa ako kinakatok ni Elise para sa hapunan pero hindi 'ko siya pinansin.
May mali, e.. may mali talaga. Pero sigurado naman akong totoo ang lahat ng 'to ngayon. Ano naman kasi ang rason para hindi diba? Wala ako sa wonderland ni Alice para magilusyon. Ano pa ba ang pwede 'kong isipin para masabing hindi totoo ang lahat ng 'to?
Nakasandal ako sa pinto, nakaupo at yakap ng aking mga braso ang aking tuhod nang makarinig ako ng pagsarado ng pinto. My head tilted after hearing that. Matutulog na ba siya? Patulog na ba siya?
With that, doon lang ako naglakas loob na lumabas ng kwarto 'ko. Nilabas 'ko ang ulo 'ko para silipin kung nakasarado bang mabuti ang kwarto ni Elise. Nang makasiguro ay saka ako lumabas. Hindi papuntang kusina. Kundi para tumungo sa Unit ni Yildeen.
Andon kaya siya? Sana hindi pa muna siya natutulog! Huwag! Kailangan 'ko siyang makausap!
Tahimik at sobrang linis ng bawat galaw 'ko. Maging ang pagbukas 'ko ng pinto sa labas ay dahan dahan. Hindi pwedeng marinig ni Elise ang paglabas 'ko dahil for sure ay pagbabawalan ako no'n!
Yes, I'm a fangirl. And fangirls don't stay that way! Fangirls always wish for a fantastic love story in which they will end up with their Idols. At iyon ako. Ipinagdarasal 'kong makatuluyan ang iniidolo 'ko. So hindi niya pwedeng sabihin na hanggang dun lang ako!
Nang makalabas ay tumakbo ako patungo sa pinto ng Unit ni Yildeen. This is it. Makakausap 'ko na siya ng masinsinan! Walang Elise sa tabi 'ko. I can focus on what I can say. Huwag ka lang talaga mautal, Melanie!
Just when I was about to knock on his door, I heard the click of the elevator. Kumulo ang tiyan 'ko sa kaba. Hindi 'ko na pinansin kung sino ang lumabas galing elevator. Hindi rin naman nila pwedeng malaman na may artista dito sa Floor at baka magkagulo. Ako lang ang pwedeng makaalam!
"Excuse me?"
I froze. That voice.. I didn't turn around. Baka naman kasi nagkakamali lang ako ng pakinig.
"Sinong inaabangan mo diyan?" He asked.
I flinched when he touched my shoulder and turned to him. My eyes widened so much when I saw him. I was right! Siya nga iyon! No wonder why I felt butterflies in my stomach when I heard the click of the elevator just when I was about to knock on his unit.
His eyes also widened. And I can see that he's so pleased to see me here, "Melanie!"
"Y-Yildeen!" Kalimutan mo ang pagfa-fangirl mo Melanie, kailangang kailangan mo siyang makausap! "A-akala 'ko.. nasa.. U-unit ka.. U-Uhm.."
His eyes narrowed as we exchanged gazes to each other. He titled his head as if he found out something fom me. I got nervous noong sobra na ang panliliit ng kaniyang mata sa akin.
YOU ARE READING
A Fangirl's Fantasy
Fantasíathe trailer on the first chapter says it all :) ___ STARTED: January 2, 2018 ENDED : September 8, 2018