Medyo naiilang ako kapag scene na ni Yildeen kung saan magme-meet na sila ni Thalia - este - lookalike ni Thalia. Ang cringe kasi. Hindi ako kumportableng makita siyang ganiyan. Makasama ang babaeng 'yun.
Actually, isa lamang siyang simpleng Kpop Idol na, nagk-kdrama rin naman pero ang madalas na nakukuha niyang role is prosecutor. So wala siyang nakukuhang partner or love team. Pero ngayon ay mayroon na. Para tuloy gusto 'kong maging love team niya. Nang sa ganon, ishi-ship kami ng mga manonood sa amin.
Tumawag ng break time ang kanilang director kaya nagjog siya papunta sa akin. Tumayo ako at sinalubong siya nang abutan niya ako ng tubig. Samantalang 'yung hawak niyang tubig ngayon ay 'yong inabot ng kaniyang Manager.
"Kanina pa natutuyo laway mo. Inom ka," umilig ako. Pilit tanggihan iyong tubig.
"Hindi sige, ayos lang ako dito. Sa'yo na 'yan. Mas maraming lines, mas nakakauhaw. Kaya sige na."
"Hindi. Hati naman tayo dito sa tubig 'ko. Uminom na ka na rin kahit kaunti."
Wait.. tama ba ang pagkakarinig 'ko? Hati kami sa tubig na 'to? Like, you know.. sa iisang butas lang kami iinom, So meaning magkakaroon kami ng FIRST INDIRECT KISS?!
Ngumiti ako at tinanggap na rin ang alok niya nang may humila sa balikat ni Yildeen at napaharap duon kaya ang resulta, hindi 'ko nakuha 'yung tubig dahil alangan nmang i-strWtch 'ko pa braso 'ko, diba? Ibang klase rin talaga 'tong doppelganger ni Thalia, e.
Ngiting aso ang itsura niya habang nakatingala kay Yildeen, "Ang galing nga pala natin kanina! Nakakaproud ka! Kung hindi mo ginagalingan, hindi 'ko madadala 'yung role 'ko sa set. Ang galing mo, Yildeen!"
Napairap na lang ako sa kawalan. Ano ba? Alam niya na 'yon. Ang daming fans niya ang nagsasabing magaling siya. Tsaka isa pa, bastos ka rin, e, no? Kitang kinakausap niya ako bigla mong hahatakin sa'yo? Bwisit.
Pinagsisisihan 'kong nameet 'ko ang babaeng 'to at naexcite no'ng makita 'ko siya. Akala 'ko mabait - well, mabait nga. Pero mukhang maharot. Hoy, girl! Andito ako, o. Solong solo mo na 'yung tao, kitang paiinumin pa ako, e!
"Really? Uh, thanks.." ani Yildeen. Pakamot kamot pa sa batok. Umiiral na naman pagiging jealous fangirl 'ko! "Ang galing mo nga rin, e.. ang natural mong magsalita."
"Really? I'm glad. Kaya siguro ako hindi napapagalitan ng director natin." Finally she looked at me! "Nandito ka parin? Wait, hindi ka cast diba? Why are you here?"
Kasi wala doon. "Inimbitahan akong manood ni Yildeen sa taping niyo." Hindi 'ko alam pero kusang nagtaasan ang kilay 'ko.
"Talaga, Yildeen?" Tumango siya. "Well, anyway, Hi! I'm Brianna. You are..?"
I don't want to be rude so tinanggap 'ko na rin ang kamay niya at nakipagkamay. "Charisa Melanie Raymundo."
"Ang pormal mo naman. Hehe. Magkaano ano kayo, Yildeen?" I looked at Yildeen. Alam 'kong ipakikilala niya ako as his friend pero bakit parang ang taas ng expectations 'ko? "She's my friend. And my fan."
Kinilig ako no'ng sabihin niyang fan niya ako. Atleast he's aware, no! Grabe. Ang sarap sa pakiramdam kapag sa dinami dami ng tao na umiidolo sa'yo, nagawa kang ipakilala ng idol mo sa iba as a fan. Nakakakilig!
YOU ARE READING
A Fangirl's Fantasy
Fantasythe trailer on the first chapter says it all :) ___ STARTED: January 2, 2018 ENDED : September 8, 2018