He bought me a jacket at nag stop by muna sa isang maliit na convenience store. Kahit anong pigil 'ko sa pag iyak ay hindi 'ko magawa. Nahihiya rin naman kasi akong mag ingay dito, e.
Binilhan niya rin ako ng kape. Hindi 'ko naman iyon tinanggihan at sinimulan ng hipanin at inumin. Tahimik lang kaming nakaupo dito at magkaharap. Hindi nalalayo itong covenience store na 'to sa birthday na in-attend-an 'ko.
I'm sure kalat kalat na make up 'ko ngayon. Buti na lang at hindi ako nilagyan ng eye liner kung hindi.. ewan 'ko na lang kung masasamahan pa ako dito ni Isaiah!
Tumikhim siya, “M-masarap ba 'yung timpla 'ko?” tumango lang ako. “Gusto mo ba ng makakain?” umiling ako.
“Nilalamig ka parin ba o okay na 'yang jacket na bili 'ko?” tumango ako.
“Uh.. Nakita mo ba do'n si Jennifer?” tumango ako.
“Are you okay?”
Nakakagulat rin 'yung pagiging concern ni Isaiah sa akin - 'yun ay kung concern talaga siya or nagkataon na namang may kailangan siya sa akin. But if he's really concern about me, then i'm thankful to see him here.
Nawala na rin 'yung katiting na galit 'ko sa kaniya because he's with me - trying to comfort me. But i don't think that'll work.
I looked at Isaiah who's staring at me.
“I can hear you, Mel. I heard you.”
“Oras na sa maling tao ka magsimulang makarinig ng mahihina niyang bulong. Hindi 'ko alam kung makakauwi ka pa,”
Napaiwas ako ng tingin no'ng maalala 'ko 'yon. Psh, kalokohan! Imposible. Siya? Maririnig ako? E ang layo layo - ugh! Hindi iyon totoo. At hindi rin pwede.. In case na magkatotoo ito, hindi 'ko na alam.
Tsaka isa pa.. si Yildeen ang gusto 'kong makarinig sa akin. And at the same time, gusto 'ko rin siyang marinig. But why can't I? What's wrong with me? Why can't I hear him? Tss! Kailangan 'ko pa ng maraming infos kay Rusell. I am so confused!
I sighed, “Hindi na ako makakabalik.” nagtatampo 'kong sabi.
Siguro.. siguro ako naman ngayon ang papalit sa trono ni Bria. Ilang taon na siyang nandito. Ako, ilang buwan pa lang. Siguro nga..
Nilingon 'ko siya at niyakap ang sarili. “I just miss my mom.. my dad.. my best friend.. i miss everything there.”
“I can stay if you want.” umangat uli tingin 'ko sa kaniya at naibaba ang hawak 'kong kape. “Sasamahan kita. Hindi 'ko na lang gagawin misyon 'ko dito, tutal -- ”
“No, don't!” pigil 'ko sa sasabihin niya. “Anong kahibangan 'yan, Isaiah? Nagkakaganito ako, kasi nasaktan ako. Pero kahit ganon ay hahanap parin ako ng paraan, okay? Kaya.. ikaw rin. Humanap ka rin ng paraan para makabalik.”
Bumuntong hininga ako. Tama. Hindi ako susuko. Kahit medyo nakakapahiya na, hindi ako susuko.
Tinititigan 'ko na lang ang kape 'ko nang maramdaman 'kong may nakapatong sa kanang kamay 'ko na nasa mesa. Napatitig ako sa kamay 'ko saka kay Isaiah na diretso ang tingin sa akin.
YOU ARE READING
A Fangirl's Fantasy
Fantasíathe trailer on the first chapter says it all :) ___ STARTED: January 2, 2018 ENDED : September 8, 2018