Hindi parin ako magising gising sa nanyayari. Okay na, Melanie. Okay na! Tapos na! Ano pang tinutunganga mo sa labas?! Maging si Thalia ay wala rin sa sarili. Paano kami uuwi nito kung pareho kaming nukhang ulaga?!
Ako na ang nagadjust. Ako na talaga! Siniko 'ko si Thalia para magising siya sa realidad at napalingon siya sa akin. "Tara na. Mananaginip pa ako na kasama si Yildeen, e!"
Inirapan niya lang ako saka nagsimulang maglakad, "I can't believe na nagawa 'kong ipapunas sa kaniya ang panyo 'ko sabay balik niya sa akin.."
"You mean, andiyan 'yung pawis niya?" Tumango siya.
"CHARISA MELANDI!"
Humalakhak ako ng pagkalakas lakas. Kinuha 'ko kasi iyong panyong 'yon saka kunwaring pinunas sa leeg 'ko pero syempre hindi 'ko tinuloy. Mahal 'ko bestfriend 'ko kaya alam 'ko ang mararamdaman niya kapag nasira ang plano niya. Hinigit niya buhok 'ko sa inis.
"Managinip ka na lang sana habang buhay sa Yildeen mo habang ang akin ay nagkakatotoo na!"
Napapatawa parin ako ng kaonti, "Grabe ka! Sino ka para tawagin akong Malandi?! It's Melanie!"
Hindi siya sumagot. Pairap irap lang siya! Tsk.
Nagaya akong kumain muna kami sa MOA. Mamasiyal masyal. Tutal may dala naman kaming pera ay sulitin na rin namin ang paggala. Dahil sa susunod na sem ay nako! Baka makalimtan 'kong may kaibigan pa ako dahil panigurado baka puro report lang ang isipin 'ko at mawalan kami ng time para sa isa't isa.
Sa subway kami kumain. May pagkavegetarian rin kasi itong si Thalia, gusto tadtaran ng gulay 'yong pagkain? Samantalang ako ay hindi bumili. Hindi ako mahilig sa gulay - pero nakain - but as much as possible, hindi 'ko 'yon kakainin.
"Kailan mo balak akong isakay sa mini cooper mo?" Aniya habang kumakagat no'ng pagkain. Tsk! Makakagat naman parang kaiinggitan 'ko siya, no?! "Hindi ka ba takaga pwedeng gumamit no'n o kailangan pag nandiyan lang Daddy mo?"
"Pwede naman, e. Ang kaso, hindi 'ko pa iyon napaparehistro o napapalisensya."
"Tsk. 'yon lang pala, edi ipa-rehistro mo na at lisensya! Madali lang naman 'yon, konting pila lang sandali tapos, tapos na."
Ngumuso ako, "It's not that easy. I still need to convince my dad na magsarili ng pagpaparehistro. Hindi 'ko pa nga nasosolo ang Mini Yildeen 'ko, e!"
Mini cooper is the name of the car pero pinangalan 'ko sa Mini Yildeen. Kaya kung hindi maitatanong ay alagang alaga ako sa gift sa akin ni Daddy no'ng mag 18th birthday ako. Bukod pa sa 18th birthday 'ko kaya niya binigay 'yon ay dahil na ri sa natupad 'ko ang wish niya noong birthday niya. Na puro uno ang makuha 'kong grades. And guess what? Basta para sa sasakyan tinupad 'ko iyon!
Actually, kung hindi dahil sa naging deal namin ni Daddy baka sinagot 'ko na ang isa 'kong manliligaw na si Patron. O, diba? Ang santo pakinggan pero may pagkabulakbol rin 'yon. Sinabi pa niyang kaya niyang magseryoso sagutin 'ko lang daw siya.. pero sorry.
Kung hindi dahil sa kasunduan namin ni Daddy malamang nasagot 'ko na siya but no! Binusted 'ko siya sa harap ng maraming tao. Paano, gumawa ba naman ng event para doon magtanong kung sasagutin 'ko na ba daw siya. Nakuhod pa ang loko na parang kala mo ay magpo-propose. Kasalanan rin naman niya kung bakit siya napahiya, e.
YOU ARE READING
A Fangirl's Fantasy
Fantasythe trailer on the first chapter says it all :) ___ STARTED: January 2, 2018 ENDED : September 8, 2018