25: Fate

40 0 0
                                    









“I should go. Someone is calling you.”







Grr. Ang creepy naman no'n. Bakit siya lang ang nakakarinig no'n? Sino ba 'yon? Sino ba 'yung tumatawag sa akin?







Tsk! Hindi tuloy ako makabili ng bicol express sa labas kasi baka mamaya ay may marinig na nga akong tumatawag sa akin edi natakot ako, diba? Mamaya si kamatayan na pala 'yon at sinusundo na ako.







Hinding hindi ako sasama kay kamatayan magkamatayan pa! Hindi pa ako ready na iwan ang pamilya 'ko. Ayokong matulad kay Kuya. Kaya ipaglalaban 'ko 'to kahit mahirap.. masosolusyunan 'to. May tiwala ako sa Diyos.







Maya maya ay may narinig akong doorbell sa labas. Tamad ang postura 'ko no'ng lumabas ako ng kwarto at pinagbuksan ang kung sino man ang nagdoorbell. Nakatungo ako dahil nga sa wala ako sa mood at sobrang bagsak rin ang ulo dahil wala akong bicol express.







“Charisa..”








Huh? Parang wala akong maalalang tumatawag sa akin dito ng Charisa? Sobrang tagal na no'ng huling may tumawag sa akin no'n.







Dahan dahan akong nag angat ng tingin sa lalaking nasa harapan 'ko ngayon. Nanlaki ang mata 'ko pagkakita 'ko sa kaniya. Hindi 'ko alam bakit ako nagugulat ngayon pero tama ba ang pagkakahula 'ko? Siya ba talaga 'to? But he died when he was a kid, paanong nagteenager pa siya?







Ngumisi siya at nilahad ang dalawang braso para yakapin ako. Pero bago pa iyon manyari ay nagsisisigaw na ako. Hindi 'ko rin naman aakalain na matatakot ako sa kaniya to think na dati 'ko pa siya gustong makita in person but now, binabawi 'ko na 'yon!







It's so obvious that he's already dead dahil sa suot niyang barong tagalog. And his face.. kailan pa naging kulay porcelana ang kuya 'ko?! Minumulto ba ako? Hanggang sa panaginip ba naman ay mumultuhin pa ako?!







“TULOOONGGGG!!! AAAAAHHH!!”







Pilit 'ko siyang itulak palayo pero nakakapit siya sa braso 'ko. Umiiyak na ako sa takot dahil maya't maya niya rin akong tinatawag sa first name 'ko. I know he's not my brother! He is not!







“SAKLOLO! MINUMULTO AKO! LUMAYO KA SA AKIN! AAAAH!!!”







“I should go. Someone is calling you.”







Biglang nagsink in sa akin ang sinasabi niya at narealize na si Kuya ang tumatawag sa akin.. ibig sabihin.. siya na si Kamatayan? Iniba na? Pumikit ako ng mariin habang sumisigaw pero nararamdaman 'kong nakakapasok na siya sa loob ng unit 'ko at dahan dahan ng sumasara ang pinto.







But I can see someone who stepped out of the elevator looking to this direction. Pinanlaki 'ko mata 'ko para makita kung sino pero nagsasara na 'yung pinto.







Bumalik tingin 'ko sa kaniya. Kailangan 'kong lakasan ang loob 'ko kung hindi wala na talaga akong babalikan!







Okay. Tadyakan mo lang siya Melanie, kalas na mga buto niyan. Okay. Game. One.. two.. “AARRRRGG -- ” naudlot ang plano 'ko noong magbukas ang pinto at agad niyang nilayo sa akin 'yung patay.







My eyes widened after seeing Isaiah. Para siyang gutom sa mga suntok at hindi niya tinatantanan ang kuya 'ko. I grabbed his arms at pinakiusapang itigil na ang pananakit niya.







A Fangirl's FantasyWhere stories live. Discover now