11: The Mission

42 1 0
                                    








Hindi 'ko na siya napigilan sa pagpasok na lang niya bigla dito sa loob. Minsan na rin silang nagkasama ni Elise dito sa unit? So meaning, they were friends. But it's already in the past. Still! Mukhang gusto ulit ungkatin ni Brianna ang friendship nila.







Feel at home siyang nagtungo ng kusina at takam na takam no'ng makita ang nakahain na Bicol Express. And because it's my favorite, umiral ang pagiging madamot 'ko.







I grabbed the bowl and throw her a death glare. Kunin mo na lahat ng laman sa fridge, wag lang ang Bicol Express 'ko!







"Wala ka bang shoot ngayon? Baka hanapin ka sa inyo." Umiling siya sa akin at naupo sa counter. "Kinabahan ka, no? Kasi alam mong magkasama kami ni Yildeen.."








"Bakit naman ako kakabahan, e, close naman kami?"







Naupo ako sa tapat niya at nagsimulang kumain nang hindi siya inaalok. Bakit 'ko siya aalokin? Ni hindi nga maganda ang start ng pagkikita namin, e. Tsaka isa pa, hindi 'ko siya feel. So, ayokong makipagplastikan.








"Did you do it already?" Nagangat ako ng tingin sa kaniya. "Did you ask Yildeen and Elise already? Anong sabi nila? Natauhan ka ba? Siguro naman ngayon, alam mo na kung ano talaga ang -- "







Binagsak 'ko ang kutsra tinidor para patahimikin siya, "Pwede ba, Brianna?! Nang dahil sa'yo ay hindi 'ko makausap si Yildeen! Pati na rin si Elise! Kasalanan mo 'to, e! Oo, isa nga akong dakilang uto uto at isa ka namang dakilang desperada! Gusto mo lang agawin sa akin si Yildeen!"







Parang nagiba ang kulay ng kaniyang mata. Black na nga, mas naging black pa! Pitch black eyes na kumbaga. At mukha ring hindi niya nagustuhan 'yung sinabi 'ko sa kaniya. But how can she blame me? After all, it's all her fault! Totoo naman ang sinasabi 'ko. She did that so that Yildeen will get mad at me at para iwasan niya na ako! Wow. Bakit ngayon 'ko lang naisip 'to?







"First and for most, this is not about how I will steal Yildeen from you. This is how I will make you realize that you're living in a fantasy world habang 'yung pamilya mo ay halos halikan na lahat ng Santo mapagising ka lang.."







I tilted my head after hearing that. A fantasy world? Does that even exist?







".. Again, come to think of it. You're always with Yildeen - you're so close with Yildeen. You meet different actors and actresses. You're always happy and aminin mo man sa hindi, hindi mo parin lubos na maintindihan bakit wala sa tabi mo ang bestfriend mo, bakit wala ang EZRA, at kung bakit may kung ano ang bumubulong sa isip mo."








Again, ayoko ng magpauto pa sa kaniya dahil alam 'ko na kung ano ang pakay niya. Pero.. Kung ito lang rin naman ang makakapag pasagot sa lahat ng katanungan 'ko, o sige ba! Willing akong magpauto kung may sense naman ang lahat ng sasabihin niya.








I really really want to listen with what Elise said to me. Pero sorry, Elise. Kung pagdadamutan mo ako ng impormasyon, pwes, sa iba na lang ako lalapit.







"Katulad lang kita, Melanie. Pareho lang tayo ng sitwasyon. Ang pinagkaiba lang natin ay handa akong magluluhod sa kung sino tulungan lang nila ako kung paano makabalik. Natutulog tayo, Mel! Tulog tayo. Panaginip lang ang lahat ng 'to! Naka-comatose ka, ako - tayo! At nasa sa'yo 'yun kung kailan mo gustong bumangon."







A Fangirl's FantasyWhere stories live. Discover now