20: ex-girlfriend

43 1 1
                                    








Hindi ako halos natulog sa kakaisip sa nalalapit na birthday ni Yildeen. Hindi 'ko alam kung makiki-celebrate ba ako sa birthday niya kahit hindi naman talaa iyon 'yung araw ng brithday nya o sasakyan 'ko na lang trip ng panaginip 'ko.






Dumiretso ako ng kusina para kumain ng almusal at hindi parin ako natitinag sa kakaisip.






Does Bria know Yildeen in real life? Kasi kung oo, dapat hindi siya pupunta sa birthday ni Yildeen. Itatanong 'ko pala 'yon pag nagkita kami.






Wala naman akong plano ngayong araw na 'to kaya siguro maglilibang na lang ako. Nagbihis ako ng pangalis at lumabas na nang unit. Pasakay na ako ng elevator nang maabutan 'kong papalabas rin ng unit si Yildeen.






Dalian akong pumasok sa loob at nagmamadali rin akong sinasara ang pinto pero naipangharang niya ang kamay niya at saka pumasok. Wala na rin akong nagawa kundi ang manahimik.. Kainis! Kahit gaano 'ko pa siya ka-idolo inaamin 'kong naiinis na rin ako sa kaniya. To think na hindi naman talaga ito ang ugali niya in real life pero parang nahahawig na, e.






Pinili 'kong tumahimik habang nasa elevator pa kami. Ayaw 'ko siyang makausap. Aba! Pagkatapos niya akong sigaw sigawan? Ang laking kahihiyan kaya no'n sa akin!






"Last shooting na namin ngayon.. Gusto mo bang sumama?" Hindi ako nagsalita.






Abang na abang ako sa floor kung malapit na ba kami sa pinakababa. Hindi na rin naman siya nagsalita pagkatapos magtanong. Bumukas na rin sa wakas ang elevator. Nagmamadali akong lumabas at lumayo sa kaniya.






"Tss, bago ka mag aya, magsorry ka muna!" Bulong 'ko sa sarili at medyo gumilid ng tingin para alamin kung nakasunod ba siya o nakaalis na. "Simula ngayon, Melanie. Huwag mo ng ipagsisiksikan sarili mo sa kaniya."






Nasampal 'ko sarili 'ko sa nasabi 'ko. Loka! That's the only way para magising ka. Bawiin mo sinabi mo!






Tsk. Ngayon lang 'to.. Kung magso-sorry naman siya, patatawarin 'ko rin naman siya ka'gad, e. Hindi naman mahirap magpatawad.. Unless malaki talaga kasalanan sa akin ng isang tao.






Lumabas ako at nagaabang ng taxi para mamasyal sa Mall. Maya maya ay may nangalabit sa akin, "Excuse me," nilingon 'ko ang tumawag. "Alam mo ba kung nasaan ako?"






Bahagyang kumunot ang noo 'ko. Tiningnan 'ko siya mula ulo hanggang paa. Nakapang-pasyente siyang uniporme. Napaisip ako.. galing ba 'tong mental? O Hosptal?






Mas nagulat pa ako no'ng hawakan niya ako sa kamay at lumuhod. "Parang awa mo na.. Hindi 'ko alam kung nasaan ako! Tulungan niyo ako! H-hindi ako taga rito. Alam 'ko.. nararamdaman 'ko 'yon! Sabihin mo sa akin, nasaan ba ako?!"






Nagtitinginan na ang mga tao sa amin kaya pilit 'kong patayuin 'yung babae pero talagang hindi siya tatayo hangga't hindi 'ko sinasabi sa kaniya iyong totoo. Hindi kaya..






Ibig ba no'n sabihin, marami kami dito? Marami kami rito na hindi taga rito at mga comatose? Pinagtitingnan na talaga kami dito kaya naupo ako sa harap niya at kinausap siya.






Bakit ba naman kasi ako pa ang napili niyang lapitan?






"Miss, hindi 'ko alam kung nasan ka. Hindi naman kita kilala kay paano 'ko masasabi kung saan ka nakatira?" Alam 'ko naman kung saan ka talaga, e. "Ano po bang pangalan niyo?"






A Fangirl's FantasyWhere stories live. Discover now