06: The Dream

65 1 0
                                    







Ilang araw ang pinasadahan 'ko nang hindi nakikita o nakakausap man lang si Yildeen. Sobra rin kasi ang pagka-busy niya and bukod do'n, malapit na ang uwi nina Daddy. Kailangan 'ko ng magpakabait.







Lumabas ako ng kwarto, dumiretso ng kusina para humanap ng pagkain. Umalis kasi si Elise hindi naman nagpaalam kung saan siya pupunta. Kung aalis siya, sana nagiwan siya ng pagkain para sa akin, diba? Ginugutom na ako.






Napahawak ako sa aking tiyan nang kumulo ito. Kung nandito lang sana si Yildeen, isang tinginan palang malamang ay nabusog na ako! Tulad rin ng sabi ni Elise, kalimutan 'ko muna ang mga pagbabago o nawala. Magfocus ako sa kung ano ang nanyayari ngayon.






Gaano man na kakati ang lalamunan 'ko para magtanong ay tinitiis 'ko. Mags-strepsils na lang siguro ako para sa kati ng lalamunan. Sinara 'ko na ang ref nang wala akong nadatnan na pagkain duon. You're on a diet, right? Then go diet!






Bumalik ako ng kwarto. Tinapon 'ko sarili 'ko sa kama. Kung matatagalan ang balik ni Elise, siguro ay itutulog 'ko na lang ito. Hindi ako pwede lumabas. Why? Because the - my bodyguards are outside. Malapit na nga kasi ang uwi nina Mommy and Daddy.






***






"Hi! I'm a huge fan po."

Nanliit ang mata niya no'ng makita ako, napaangat pa ng hintuturo na parang may pilit siyang inaalala. Kinabahan ako bigla. Kilala niya ako?

"Have we met?" Nagkibit balikat ako pero gustong gusto kong sabihin na 'yes po! Yes po!' ngumuso siya at bumalik sa pagpirma ng album na binili 'ko. "Parang nagkita na tayo, e.. mga limang beses siguro?"






Napabalikwas ako ng upo sa kama dahil sa malakas na katok sa pinto. Nabaling ang tingin 'ko do'n pero hindi agad gumalaw ang mga paa 'ko para pagbuksan kung sino man iyon. Mas natuon pa ang atensyon 'ko sa panaginip 'ko. Bakit ganon? Sobrang bigat niya sa pakiramdam? Hindi 'ko rin kilala kung sino ang kausap 'ko sa panaginip 'ko. Hindi 'ko nakita.






Napahawak ako sa aking dibdib. Pilit alalahanin ang bawat detalye. Pero iyon lamang talaga ang naaalala 'ko. Kung sino man 'yun.. bakit parang ang bigat sa pakiramdam? Pakiramdam 'ko ay kilala 'ko ang taong iyon pero hindi 'ko nakita. Kung sino man siya.. bakit parang hindi ako handang manyari iyon balang araw?






There are dreams that happens for real. At kung magkatotoo man iyon, kung ngayon palang ay bumibigat na loob 'ko sa panaginip na 'yon, does that mean that I'll be in tears once it happens?






"CHARISA MELANIE!"






Bumaba na ako ng kama at binuksan ang pinto. Inangat niya ang hawak niyang plato na may lamang Bicol Express. My eyes widened. Oo nga pala! Nakalimutan 'ko. Gutom nga pala ako! Mabilis 'ko iyong kinuha sa kaniya at dinala sa kusina.






"Masyado ba kitang nagutom? Sorry, a. May inasikaso lang ako sa labas." Tumango lang ako at nilamanan na ng ulam ang kanin 'ko. Yes! Sa wakas ay makakakain na rin ako. "Ang sabi sa akin ng body guard mo, sa isang araw na ang dating ng parents mo.."






Patuloy lang ako sa pag kain. Hindi 'ko na rin pinansin kung marami akong nalagay na kanin. Kasi nga ginugutom ako! Ayokong magdabog sa akin ang tiyan 'ko sa kalagitnaan ng tulog 'ko, no.






"Sasama ka ba sa kanila o.. mags-stay ka dito?"






I stopped eating. Nagangat ako sa kaniya ng tingin. Nakatungo siya at hawak ang sandalan ng upuan sa tapat 'ko. What? Is she going to miss me? Ni wala nga kaming pinagsamahan nito, e. Don't me!






A Fangirl's FantasyWhere stories live. Discover now