Buong magdamag akong tambay sa bahay. Kung hindi pa uli tumawag sa phone ni Elise 'yung Rusell, hindi ako magkakaroon ng rason para lumabas, e.
Tsaka, ginugutom na rin talaga ako kaya dapat lang na lumabas ako. Wala nang kalaman laman 'yung ref, kailangan 'ko na yatang mag grocery. Hmm.. Paano kaya gumawa ng bicol express? Ah, nakakamiss ang bicol express.
Nag ayos na ako at nag dala ng pera kung sakaling hindi ako ilibre no'ng Rusell. Pero cross fingers! Sana ilibre niya ako. Kung saan saan 'ko lang naman kasi napupulot itong pera 'ko, e. Dapat siguro mag part time ako dito. Meron kaya?
Nakasurvive naman ako. Nakalabas ako nang condo na wala si Yildeen sa paningin 'ko. Ngayon lang naman ako mag iinarte sa kaniya, e. Pagkatapos no'n, kukulitin 'ko na uli siya. Hehe! Kailangan, e. Para sa pamilya 'ko, kailangan 'kong magising sa lalong madaling panahon.
Hindi pa ako tuluyang nakakalayo sa pinaglabasan 'ko ay natatanaw 'ko na si Rusell sa kabilang kalsada. Pakaway kaway siya sa akin. Sumenyas siya na siya ang lalapit sa akin at hintayin 'ko raw siya dito.
Oh My G, talaga. Ang gwapo gwaoo niya talaga! Jusko. Para talaga akong nasa loob ng fantasy world! Grabeng hulog ng langit naman ang lalaking ito. Shocks, sisipagin ka talagang makipagkita rito bagay ganiyan.
Tapos 'yung pormahan niya. Grabe! Ang gwapo niya! Naka brown coat siya tapos faded jeans tapos as usual, plane white shirt. Lagi namang ganon pormahan ng mga lalaking gwapo, e. Hehezz!
Nang tuluyan na siyang makalapit, napalunok ako sa kilig. Grabe, kung hindi lang ito naging boyfriend ni Elise, nagpa-cute na ako rito. Swerte rin talaga ni Elise, e.. At nakakamiss.
“Sorry for bothering you,” umiling ako. “Bored rin talaga ako sa bahay kaya okay lang.”
Tumango siya. Iginiya niya ang daan. Mukhang wala siyang balak sabihin sa akin kung saan kami pupunta. Pero ayos lang. Diba nga sabi 'ko, wala halos pangalan 'yung mga shops o mall dito? Unknown ang lugar na 'to. Pero kahit gaano pa siya ka-unknown, know na know mo naman mga gwapong nilalang dito.
Tumikhim siya, “Kumain ka na ba?”
Napakasimple ng naging tanong niya pero bigla akong kinabahan. Ewan 'ko. Napakamalisyosa 'ko! Nagtanong lang naman siya kung kumain na ako, a? Wew. Napag hahalatang wala akong experience sa pag la-love life. Huh? Ano daw? Ah, ewan! Kung ano ano sinasabi 'ko.
I bit my lower lip, “Hindi pa nga, e.” tumango tango siya, “Si Yildeen mission mo, diba? 'Yung soloist?”
Napabaling ako sa kaniya. Ibig sabihin, isa lang siyang imahinasyon? Kasi soloist rin ang pagkakakilala niya kay Yildeen, e.
Tumango ako. Tss, ayoko munang marinig ang pangalan ni Yildeen, pero since wala kang alam, edi bahala kang ibukam bibig siya!
“Kaya kitang tulungan sa kaniya.”
Huh? Ano daw?
“Ngayon, pupunta tayo sa isang kainan kung saan nandoon sina Yildeen at Brianna at ang iba pang cast ng palabas nila -- ” hinawakan 'ko braso niya para patigilin sa paglalakad. “B-bakit?”
“Dadalhin mo ako do'n?” parang hindi pa ako makapaniwala sa sinabi niya.
Tumango naman ka'gad siya, “Oo, bakit? Ayoko lang naman na -- ”
YOU ARE READING
A Fangirl's Fantasy
Fantasythe trailer on the first chapter says it all :) ___ STARTED: January 2, 2018 ENDED : September 8, 2018