“Wala kang alam! Hindi mo alam kung ano ang nanyayari o kung nasaan ka!” hindi 'ko na napigilang magpakatotoo sa kaniya.
Totoo naman diba? Wala siyang kamalay malay sa nanyayari sa paligid niya. Siya lang ang bukod tanging walang alam dito. Rusell, pareho lang sila ni Yildeen pero nagawa niyang malaman ang lahat dahil kay Elise.
Kami ni Isaiah at Bria, pareho kaming comatose at ginagawa ang lahat para magising. What if gayahin 'ko si Elise? What if sabihin 'ko sa kaniya ang totoo? Maiintindihan kaya niya ako?
Napasabunot siya sa sarili at nilingon ako, “Bakit ba ayaw mong intindihin kita?!”
“Para saan pa?!” hindi 'ko na napigilang umiyak. “Paano mo naman pati gagawin 'yon, ha? Bakit.. bakit hindi na lang si Bria ang intindihin mo? Tutal naririnig mo siya at naririnig ka niya! It's mutual, Yildeen. You both love each other that fast!”
“Parang hindi ikaw, a! Simula palang pinipilit mo nang ipagsiksikan ang sarili mo sa akin at pinipilit mo akong magustuhan ka kahit kakakilala palang natin. Kaya huwag mong isisi kay Bria 'to!”
“Edi kasalanan 'ko na! Sorry kung naging desperada ako sa'yo, ha? Sorry kung isa ako sa mga fangirl mo na nagkakandarapa na magustuhan mo.. pero ibahin mo ako Yildeen. Iba 'yung intensyon 'ko. Kaya 'ko 'to ginagawa kasi para 'to sa kapakanan 'ko! Dahil ayaw 'ko na dito!”
Habang tumatagal ang pagtatalo namin ay mas lalong sumisikip ang dibdib 'ko. Nahihirapan akong huminga sa sobrang sakit.. ginagawa 'ko naman ang lahat, a? Balak 'ko na nga siyang kilalanin higit pa sa pagiging idol niya kaya ako nagpunta sa unit niya, diba?
Ginagawa 'ko naman ang lahat pero hindi parin sapat. Ang sakit at hirap lang dahil hindi 'ko na alam kung ano pa ba 'yung tama at dapat.
Napayuko ako at pinatong ang mga kamay sa tuhod 'ko at saka umiyak nang umiyak. Ang gusto 'ko lang naman.. makauwi. Makasama na uli ang pamilya 'ko. Iyon lang talaga!
Napansin 'ko ang pagdaan niya sa likod 'ko pero hindi 'ko pinansin. Napatuwid na lang ako nang tayo no'ng may basahin siya. “EZRA YILDEEN FACTS?” nanlaki mata 'ko at tumalikod para hablutin sa kaniya 'yung papel pero nahuli niya ang dalawa 'kong kamay gamit ang isang kamay niya.
Inangat niya iyon at pinakita sa akin, “Ang tagal na nito, a? Melanie.. sino ba talaga ang EZRA?! Bakit noon mo pa pinipilit sa akin na parte ako ng grupong 'to? Are you really my fan?!”
Binasa niya ang mga nakasulat sa notebook.
“Hindi ito ang paborito 'kong pagkain. I have a bad exprience to this meat. Hindi 'ko rin lucky color ang Blue at mas lalong wala akong lucky number!” aniya. “And i'm bad at cooking! I've never cooked for myself -- ”
He then turned to me, “Ito ang pagkakakilala mo sa akin? Were you just lying to me?”
“NO! Totoo ang nakasulat diyan!”
“Hindi ako ito, Melanie! Hindi ako itong lalaking 'to! Lahat nang nakasulat dito ay puro kasinungalingan!” binitiwan niya na ako at pinunit ang papel na 'yon at pinulot ang ballpen sabay hawak sa kamay 'ko.
Sa una ay kinabahan ako dahil mamaya kung saan na naman niya ako hatakin. Masakit pa naman siyang humawak lalo na pag galit. But at some point, parang walang kaso sa akin kung saktan niya ako ngayon. Wala na akong pakialam.. hindi kaya namamanhid na ako? Siguro nasanay na ako sa kaniya. Immune na ako kasi ilang beses na rin niya akong nire-reject, e. Baka nga ganon.
![](https://img.wattpad.com/cover/133915940-288-k66250.jpg)
YOU ARE READING
A Fangirl's Fantasy
Fantasythe trailer on the first chapter says it all :) ___ STARTED: January 2, 2018 ENDED : September 8, 2018