16: Rivals

31 0 1
                                    








Mabilis 'kong hiniram ang coat ni Elise na nasa sofa at sinuot iyon. Madali 'ko siyang binalingan ng tingin, "Malaki ang tiwala 'kong magagawa mo ang macarons ni Yildeen. Sorry."






"Uy, teka, saan ka pupunta? -- Melanie!"







Nagmadali akong sumakay ng elevator para makaabot pa ako sa kanila. Gusto 'kong malaman kung saan sila pupunta. Madaling araw umaalis sila? Bakit? May ganitong oras pa ba na nagsho-shooting? This is not fair! Really!






Nang makalabas ng elevator ay mabilis akong tumakbo palabas ng condominuim hanggang sa magulat ako dahil bumubuhos pala ng ulan. What the.. Lumabas sila kahit umuulan? Ganoon ba karami ang time mo Yildeen para makipagsabakan sa ulan?!






Naglingon lingon ako. May pakiramdam parin naman ako na baka hindi naman talaga sila lumabas at sa loob parin sila ng condo'ng ito nagpunta. Mabilis 'kong nakilala ang likod ni Yildeen kaya mabilis rin akong nakasunod sa kanila. Lumiko sila sa kanan kaya ganon rin ako. Aish, sabi 'ko na nga ba.






May kainan rin naman kasi dito sa loob ng condo. Maliit na cafe lang para sa mga uhm.. late ng nakauwi at kailangan ng instant food? I dunno. Pero mabuti na lang at mayroon at mababantayan 'ko ng maigi ang kilos ni Brianna.






Naupo sila sa pinakadulo. Kung saan magandang magmoment ang dalawang magka-relasyon lalo na't malakas ang buhos ng ulan, sobra kang makaapagemote sa glass - sa pader. Aish! No. They're not lovers, so, hindi iyon magandang pang moment sa kanila dalawa!






Naupo ako siguro mga tatlong table ang layo sa kanila habang ipinantatakip sa mukha ang menu na nakalapag sa table na inuupuan 'ko. Tanging mata lang ang nilalabas 'ko para silipin sila.. Drn. I can't hear them! Makakahalata kaya sila kung lalapit ako ng kaonti?






Pasimple at maingat na maingat akong lumipat ng table. Tulad nila ay sa dulo na rin ako nakaupo kung saan tanaw 'ko ang view sa labas. Nakaupo ako sa likod ni Yildeen. Right, mas maingat itong inuupuan 'ko at mas maririnig 'ko pa silang magusap.






"Sorry, kung nagising pa kita.. May importante lang kasi talaga akong gustong sabihin."






"Ano 'yun?"






Nakatingin ako sa labas habang nakikinig sa kanilang paguusap.






"Yildeen.." Pagkarinig 'ko lang no'n ay maagang nagyukom ang kamay 'ko. Bakit parang sa tawag niya na 'yon ay parang nangaakit pa siya? "Do you have plans on liking me in the future?"






Nagpakawala ako ng buntong hininga sa sobrang inis. Oh My God! Rejected ka na, girl! Hindi siya nagpapaunlak ng mga love letters or kahit na anong love thingy kaya ready yourself dahil baka umiyak ka ng perlas oras na mareject ka.






Mas lalo 'ko pang ginilid ang tingin 'ko sa kanila kaya mas lalo 'kong nakikita ang pagbagsak ng malalakas na ulan sa labas, "Why'd you ask?"






"I need you to like me, Yildeen.. I'm sorry I just need.. I just need your love right now." She sniffed.






"I understand if you fell inlove with me dahil sa mga naging taping natin. Siguro masyado kang nadala sa acting natin kaya naging totohanan ang nararamdaman mo para sa akin.. I understand that, but.."






"Yildeen, just a simple yes or no. Magugustuhan mo ba ako kung patutunayan 'ko ang sarili 'ko sa'yo?"






Sa hindi inaasahan, biglang naulit. Nagzoom out ang buong paligid at bumagsak na naman ako sa lungga 'ko. Sa kama 'ko sa ICU. Nakita 'ko ang tahimik na si Thalia, hawak hawak ang walang malay 'kong kamay habang taimtim na tinititigan niya ako na para bang habang nakatingin siya sa akin ay marami na siyang sinasabi.






A Fangirl's FantasyWhere stories live. Discover now