156 missed calls. 125 texts.
Kung hindi pa pala ako nagpasok sa kwarto ni Elise, hindi 'ko malalamang may phone pala siya. At ang hawak hawak 'ko ngayon.. Dito 'ko na malalaman ang katauhan ng partner ni Elise.
Tatawagan 'ko na sana uli siya nang magring uli iyon. Nagaalangan ako kung sasagutin 'ko ba iyon o hindi. Pero sa tingin 'ko ay nagaalala na siya para sa kaniya at kailangan niya nang malaman ang tungkol sa kaniya.
"Hello?" Rinig 'ko ang buntong hininga no'ng lalaki sa kabilang linya. "Uhm.. Ikaw ba si.."
"Sino 'to? Hindi ka si Elise. SINO 'TO?!"
Napaatras ako sa teleponong hawak 'ko at tiningnan iyon. Grabe! Ang hysterical. Masyado yata talaga siyang nagaalala para sa kaniya. Tss, paano 'ko ngayon sasabihin sa kanya ang nanyari kay Elise kung ngayon palang ay naghi-hysterical na siya? Ka-stress.
Ibabalik 'ko na sana sa tainga iyong phone nang tumunog uli siya. Binaba niya na pala ang tawag at nagtext. Magkita tayo. Sa loob ng condo niyo. May cafe do'n, diba? Magkita tayo kung sino ka man.
Oh My God. Wala naman siguro siyang balak ipa-police ako, diba? I'm Elise's friend! I have no bad intentions to her personal stuffs. Tsaka, we're living on a same roof. Normal lang naman sigurong pakialamanan 'ko iyong gamit niya gayong wala na rin naman siya?
And one more thing, I need to know more about Elise that I need to see her personal stuffs. Baka sakaling may naiiwan siyang pinakatatago niyang gamit na makakatulong para sa pagbalik 'ko sa real world kung saan hindi 'ko na kailangang gawin pa ang misyon 'ko dito.
Nakapambahay akong nakipagkita duon sa lalaking nagngangalang Rusell. Sumilip ako sa loob no'ng cafe. Kaso ang daming lalaking nakaupo sa table nang magisa lang! Paano kami magkikita kung hindi naman namin alam ang mukha ng isa't isa?!
Tsk! Hindi na naman ako nakasama sa taping ni Yildeen dahil sa lalaking ito. Nakatadhana yatang paglayuin kami ni Yildeen at sila ni Brianna ang magkalapit. But i won't let that happen.. Knowing that he's the only way to bring me back to where I'm supposed to be.
Nakatanggap uli ako ng text galing kay Rusell. I'm wearing a black cap and black jacket.
Napairap ako. Tatlong lalaki ang nakikita 'kong nakasuot ng black cap and black jacket! Can he be more specific? 'Yung tipong isang description na tanging siya lang ang meron among these men?
I replied, Wave your hand if you're already here.
Nagangat ako ng tingin. Nanlalaki ang mata no'ng makita 'ko na siyang nagwe-wave. Nakatalikod siya pero alam 'kong siya na 'yon dahil sa pag-wave niya.
Breath in, Breathe out.
"You're safe, Melanie. You'll be safe with him.." Habang papalapit sa kaniya ay mas lalong bumibilis ang pintig ng puso 'ko. "As long as you don't do stupid things infront of him, he won't harm you, right?"
Nang makatayo na ako sa harapan niya ay bahagyang naglakihan ang mata 'ko. Tamo nga naman, o! Nagpapaulan ng kagwapuhan sa mundong 'to! This 'other side' of the world is somehing.
YOU ARE READING
A Fangirl's Fantasy
Fantasythe trailer on the first chapter says it all :) ___ STARTED: January 2, 2018 ENDED : September 8, 2018