09: Every Fangirl

46 2 0
                                    






Magmula no'ng makaencounter ako ng nakakatakot na panyayari sa buhay 'ko, nagsimula na akong magingat. Kasi ayoko na. Ayoko na 'yong maulit pa. Hanggang ngayon nga ay hindi 'ko parin maipaliwanag kung ano 'yung nanyari, e. Kaya mas pinili 'kong sarilihin na lang muna.






Nagpasama ako kay Elise na mamasyal. Actually, may lakad ulit siya ngayon pero pinilit 'ko siya na sa akin sumama. Natatakot kasi ako na baka maulit na naman 'yong nanyari. Ayoko na, no. Baka sa Mall pa ako maglupasay sa takot.






Kapit na kapit ako sa braso ni Elise. Para na nga ako ditong batang naligaw, e. At siya 'yong tumutulong sa akin na hanapin ang magulang 'ko.






"Ano bang gagawin natin dito?" Bumaling ako sa kaniya, "Ano bang ginagawa sa Mall? Kumakain at namimili lang ba? Pwede rin namang magikot ikot, a?"





"Wala ng taong nakakatiis na magikot ikot sa Mall nang walang binibili."






Umirap ako. May point siya, okay. Pero bakit ba parang ang sungit sungit niya sa akin ngayon? Tss! Tumungo kami sa loob ng KPOP merch para mamili.  At napansin 'kong ang mamahal ng presyo dito. And i literally don't know since when did this mall appear, to tell you frankly.






It's my first time to be in here. Hindi pero sobrang daming tao. Mahihilo ka dahil sa dami nila. Bumaling ako kay Elise na naniningin ningin rin ng mga kpop merch. "Elise," she raised her eyebrow. "Kailan pa naipatayo 'tong Mall?"






Natigil siya sa pagtititingin but she didn't look at me. Instead, para lang siyang nanigas sa kinatatayuan niya. I bumped her shoulder. Do'n lang siya nagpatinag at tumingin sa akin.






"Ano ulit sabi mo?"





"Kailan naipatayo 'tong Mall? Isa pa, bakit no'ng papasok palang tayo dito, hindi 'ko nakitang may pangalan 'yung Mall. Anong Mall 'to?"






She gulped, like a couple of times  i guess? I arched my eyebrow. Waiting for her response.






"Mel, gumising ka naman na.. Please.." 
Natigilan ako. Napakapit ako bigla sa braso ni Elise. What was that? Naglingon lingon ako pero wala naman akong makitang may kilala sa akin dito para tawagin o kausapin ako. Was that from my mind? Pero sino naman ang kayang kumausap sa isip 'ko? Hindi nga totoo ang superpowers, diba?






Napahawak si Elise sa kamay 'kong nakahawak sa kaniya. Napapangiwi na rin sa diin ng pagkakakapit 'ko. I jumped out from shock when I saw Brianna near me and is actually interacting with us.






Why is she here? She's an actress, right? Ni wala nga siyang kasamang body guards. Huh! Baka hindi gaanong kasikat. Elise pulled me to her kaya nakaharap na kami kay Brianna.






"What a coincidence to see you here," she then turned to Elise. "Ate Elise! Magkasama pala kayo? Friends na kayo?"






"Hi." Tipid na sagot ni Elise na nakapagpatawa sa akin ng palihim. Ang sungit niya talaga ngayon. Elise held my wrist at hihilahin na sana palabas nang hatakin ni Brianna ang palapulsuhan 'ko rin palapit sa kaniya.






"How rude, ate Elise." Nilingon ako ni Brianna na may ngisi sa mukha. For the first time, nakaramdam ako ng matinding takot sa lapad ng ngisi niya. "Ate Elise, alam mo ba? Alam 'ko na kung paano gawin 'yung ginagawa mo.."






"Brianna." She called in a warning tone.






Dumiin ang hawak sa akin ni Brianna. Gusto 'ko pang tanggalin iyon dahil masakit at masyado siyang malakas. And everything zoomed out. While staring at Brianna's eyes, everything that's behind her is zooming out. Just like what happened the last time I was with my parents. It's happening again.






A Fangirl's FantasyWhere stories live. Discover now