17: The Main Reason

31 1 0
                                    








"May limit? Paano?"







She sighed and leaned forward resting her elbow to the table. "Remember, comatose tayo? May nabalitaan ka na ba na isang dekada ng natutulog sa hospital o kahit dalawang dekada pa 'yan? Wala, diba? Kasi imposibleng may gumawa no'n."







"Kalimitan kapag five years nang hindi pa nagigising, sinusuko na nila. Pinapapatay na nila 'yung makinang nagsisilbing buhay ng pasyente. In Elise's case, eight years na siyang comatose. Baka nga nilulumot na kwarto niya sa sobrang tagal niya ng nandon.. Kaya sa malamang ay malapit na rin siyang sukuan ng pamilya niya."







Napailing ako. Ang sabi sa akin ni Elise, noon pa niya nafulfill ang misyon niya. Kung nagawa niya na iyon dati pa, bakit hindi parin siya nagigising? Bakit parang hindi totoo ang sinasabi niya sa akin? Dahil sa tingin 'ko, hindi pa talaga niya natutupad ang misyon niya.







Ayokong magisip ng kung ano pero naiisip 'ko na talaga siya ngayon. Malapit na nga ba akong iwan ni Elise? Nakakasiguro akong may alam siya tungkol rito. Alam 'kong nakita niya 'yung pagbabago sa kamay niya. Mas pinili niya lang talagang ignore-in ako. Aish! Elise naman, e! Nakakainis ka!







Sa gulat 'ko ay napatayo dahil sa biglang sulpot ni Yildeen sa table namin. "Naguusap parin kayo?" Nagtama ang mata namin na madali 'kong iniwas.







"No. Tapos na kaming magusap," pinasadahan niya ako ng tingin. "Let's go? Saan ba location natin ngayon?"







Nauna na silang maglakad sa akin habang ako ay tulala lang na nakatayo pa dito. My mouth was half open dahil sa pagkagulat. I'm freakin' scared. What if I fail too? No. I can't let that happen.







But what about Elise? I haven't seen her. Alam 'kong masyado pang maaga at baka nga napuyat 'ko siya sa macarons pero dumoble lang rin ang takot 'ko.. Feeling 'ko, kailangan araw araw 'ko siyang nakikita. Kasi baka.. anytime..







"Mel." Napaangat tingin 'ko kay Yildeen na lumapit sa akin. "Are you coming?"






"Yeah! Tara na!" I tried to cheer up myself at ngumiti saka sumabay ng lakad sa kanila.







***







Mataman akong nakatitig sa kanilang dalawa na walang ginawa (si Bria at Yildeen) kundi gamiting dahilan ang script nila para makapaglandian! At ang mas nakakairita pa sa lahat ng nakakairita, pagkabaling niya sa akin ng tingin ay sabay pakita ng : 1-2.







Sarkastiko akong tumawa habang inaalis na ang tingin sa kanila. Duh, hindi ako nagpunta dito para manood lang. I came here to score.







Tumayo ako at lumapit sa direksyon nila. This time, Bria's the one who's glaring at me. Why? Dahil papalapit palang ako, tumalikod na si Yildeen paharap sa akin. Nilapitan niya ako pero hindi mo maiiwasang hindi makita sa kaniya ang labag sa loob na i-approach ako. No wonder bakit hindi niya agad ako nilapitan no'ng magtawag ng break ang director.







"Are you hungry?"







Tumango ako sabay tingin kay Bria. "May natitira ka pa bang macarons?"







Nagpamulsa siya, "Unfortunately, ubos na. May malapit na store dito samahan na kitang bumili -- "







"Pinamigay mo ba? Hindi ba masarap? Tsk. Next time talaga, gagalingan 'ko na! Promise!" Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "O.. Ayaw mo na? Sorry -- "







A Fangirl's FantasyWhere stories live. Discover now