03: Goosebumps

106 3 0
                                    







Dahan dahan akong sumandal sa headboard ng hinihigaan 'ko. Inalalayan ako no'ng babaeng mukhang diwata sa suot suot niya.






Nakaputi siyang bestida, mapilantik ang kaniyang mga pilik mata. Sky blue ang kulay ng kaniyang biluging mata (is she wearing contact lenses? Ang perfect ng mata niya!), Sobrang pula ng labi hindi niya siguro nagagawang bitawan ang lip tint niya. At ang eyebrows niya.. On fleak! At ang hawi ng kaniyang buhok? Sobrang straight at perfect curl sa bandang dulo! OMG. Nahiya naman ang split ends 'ko do'n!






Kumunot ang noo 'ko kasi kahit ang balat niya ay kulay porcelain. Hindi kaya.. "Ako si Elise."






Sobrang bagsak ng caramel hair niya, pero kapag tiningnan mo sa dulo ay parang nagcurls pa siya bago ako puntahan dito. Natural ba 'yan? Araw araw ba siyang nagsa-salon? Anong treatment ang gamit niya?






Tiningnan 'ko ang kamay niyang nakalahad sa akin. Hinihintay na magpakilala rin siguro ako?





Nakipagshake hands na rin ako sa kaniya pero hindi parin matanggal ang tingin 'ko sa kaniya. Kulang na lang ay lagyan siya ng bulaklak sa ulo at vuala! Mukha na nga talaga siyang diwata. Pero hindi rin naman siguro.. there's no such things as fairytales especially in real life!






"Melanie.. Nasaan ako?"






"Hi, Melanie. Kagigising mo lang after a week kaya sigurado akong hindi mo maaalala," aniya. "Anyway, naaksidente ka no'ng mabundol ka ng isang sasakyan na cooper. Buti nga at naagapan ka pa dahil delikado rin ang nanyari sa'yo. Muntik ng pumutok ang ugat mo sa utak -- "






"S-Si..Si Daddy? I'm sure he's worried. I failed him. I'm sure he's mad at me because I became stubborn these past few days!" I mourned noong maalala 'ko kung paano ako nagpapasaway sa kaniya.






Lagi kasi niya akong pinagbabawalang gumala kasama ang barkada 'ko. Pinapayagan niya lang ako kapag si Thalia at ako lang ang magkasama. Buo ang tiwala niya kay Thalia pero pagdating sa iba, kahit naipakilala 'ko na sa kaniya lahat ay hindi 'ko parin siya makumbinsi.





Naaalala 'ko kung paano ako tumakas sa bahay para lang makasama ako sa mga kaibigan 'ko na maggala kami alas otso y media ng gabi. Iyon ang pagkakatanda 'ko..






"Your parents went abroad simula no'ng mabalitaan nila ang nanyari sa'yo, but that doesn't mean ay dahil sa nadisappoint mo sila. Successful nga naman talaga ang pamilyang Raymundo.." 






Bahagyang nanlaki ang mata 'ko sa sinabi niya. Napansin niya iyon at medyo nailang siya sa titig 'ko, "May.. nasabi ba akong mali?"






"Hindi ka diwata?"






Mas lalo siyang naguluhan, "At bakit ako
naging diwata?"






"Madalas sa mga diwata sobrang lalim ng kanilang pagtataglog. 'yung tipong ang dami mo ng matututunang diyalekto dahil sa kakatagalog niya. O baka naman american fairy ka?"






Umirap siya sa akin at naupo sa paanan 'ko sa kama. Inikot 'ko ang paningin 'ko sa loob ng kwartong ito. Nasaan ako? Bakit parang wala naman ako sa hospital?






"Tao ako! Tsaka, mamaya ka na nga magbiro. Since magkakilala na rin naman tayo, sa akin ka na muna tutuloy." Nabaling tingin 'ko sa kaniya. "Sa akin ka ipinagbilin ng parents mo. Huwag kang magalala, tao talaga ako!"






A Fangirl's FantasyWhere stories live. Discover now