Argh! Feeling close yung katabi ko. Hindi ko alam pero naiinis ako sakanya siguro di lang ako sanay na may seatmate.
"Zam, kanina pa tayo magkausap pero name mo lang alam ko. Ano ba full name mo?" tanong niya. Ugh I hate the feeling na tinatawag niya akong Zam? Hindi naman kami close -,-
"I'm Zamille Sophie Vuizon and please stop calling me Zam!" ikinagulat naman niya ang pagtataray ko. Wala akong pake kung artista siya psh I hate this guy.
"Vuizon? Ibig sabihin anak ka ng may-ari ng school na ito, Zam?" tapos bigla siyang tumawa. Psh trip niya talagang inisin ako.
"No. He is my grandfather, my mom is his daughter." sabi ko. Teka nga bakit ko kailangang mag-explain sakanya?!
All of a sudden bigla niyang pinatay yung electric fan. Argh! Sumusobra na siya! Kaya binuhay ko ulit yung electric fan ng padabog.
"Zam di ka ba nilalamig? May aircon na nga tapos mage-electric fan ka pa?" tiningnan ko siya ng masama at may nalalaman pang ngisi.
"Pake mo ba?" napalakas yata ang sinabi ko. Kaya napalingon silang lahat sa akin. Nakita ko naman si Yohan na pinipigilan ang tawa niya.
"Yes Ms. Vuizon?" tanong ni Ma'am Ursula.
"Nothing Ma'am Ursu este Ma'am Untalan." aish mapapahamak pa ako sa lalaking ito.
"Mylabs wag ka masyadong highblood." sabi niya sabay kindat. Nakita ko naman yung kaklase kong babae na katapat ng table ko na nangingisay kasi nakita niya si Yohan na kumindat.
"Why are you blushing? Kinikilig ka ba sa sinabi kong mylabs o yung kinindatan kita or both?" hinawakan ko ang pisngi ko at dahilan ng pagngisi niya ulit.
"No. I'm not." sabi ko. Tapos pinatay niya ulit yung electric fan. Kaya sinamaan ko na naman siya ng tingin.
"I said don't patay-patay the electric fan. Grr!" natawa naman siya sa kinilos ko.
"Why so conyo mylabs? HAHA nanginginig na kasi ako. Feeling ko nasa northpole ako o di kaya sa loob ng refrigerator." sabi niya with matching acting. Artista nga siya -,- ang hilig umarte!
"Class dismiss!" buti naman. Mapapalayo na ako sa lalaking ito. Umuna na yung mga kaklase ko sa canteen at yung mga babae bago umalis nag-bye pa kay Yohan. Ano bang nagustuhan nila sa lalaking ito?
Binilisan ko mag-ayos ng gamit ko kasi kami na lang natitira sa room at ayaw kong makasabay sa paglabas itong lalaking ito.
"Wait mo ako Mylabs!" sabi niya habang habol-habol ako.
Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako kasi andaming tao. Oh alam ko na kung bakit. Dahil sa Yohan na yun.
Grabe andaming tao. Tapos may dala-dala pa silang mga banner na may nakasulat na We Love You Our Beigh Yohan!
Tinaasan ko na lang sila ng kilay at sabay-sabay silang nag-greet sa akin.
Umalis na ako at narinig ko na tinawag na naman ako ng mokong na yun.
"Wait for me, Zam!" sabi niya. Nilingon ko siya sandali at di siya makaalis sa mga fans niya. Picture dito, picture doon. Natatawa na lang ako sa itsura niya kasi gusto na talaga niyang umalis sa mga wild fans niya. Dapat may bodyguard itong lalaking ito eh.
Andito na ako sa canteen at hinihintay ko si Agnes. Nag-order na ako ng dalawang chocolate cake para pagdating ni Agnes kakain na lang kami.
"Frienyyyyy!" at dumating na nga siya. Umupo agad siya at excited na excited.
"Bakit?"
"Andito si Beigh Yohan Fabio sa school!!! Like OMG, makikita ko siya araw-araw!" hays pati ba naman bestfriend ko baliw sakanya. Ano bang meron sa lalaking iyon?
Well, si Beigh Yohan Fabio I know di ko naman matatangi na gwapo nga siya. Ang ganda ng eyes niya kulay brown, di ko alam kung naka-contact lens siya o natural basta ganun. Tapos ang tangos pa ng ilong. At may abs pa, paano ko nalaman? Syempre naman sa lahat ng dinadaanan kong street may billboard siya, billboard niyang naka-hubad. Eww I'm not interested.
"I know. He's my classmate and worse seatmate ko pa!" sabi ko sabay hampas ng mahina sa table.
"What the?! Seriously Zamille? Omg ang swerte mo! asdfghjkl! Sa sobrang bitter mo pati si Yohan di tumatalab sa taste mo? Aish pwede palit na lang tayo ng pwesto. Please lang? Sayang eh!" kung alam lang niya yung ugali ng lalaking yun. Aish nakakaqiqil.
"Alam mo naman diba kung sino lang nasa puso ko." sabi ko. Nawala naman ang ngiti sa mga labi niya.
"Yah. Si Rovie pa rin." sabi niya. Then napa-smile na lang ako sakanya at kumain na ng cake.
"Hi mylabs!" bigla akong napatalon sa upuan ko at muntikan na akong mabilaukan nang biglang may magsalita sa tabi ko. Paglingon ko si, Yohan!
"Omg! Yohan!!! I'm your fan. Omg! Pwede magpapicture?" agad nilabas ni Agnes yung phone niya at nag-selfie sila. Hays naman pati ba naman bestfriend ko?
"Frienyyy Zamille, sama ka! Dali!" sabi niya. Yoko nga ayaw kong magkaroon ng picture kasama itong lalaking ito.
"No thanks!" tapos nagpatuloy akong kumain ng chocolate cake pero bigla akong hinila ni Yohan at inakbayan. Tapos agad clinick ni Agnes yung phone niya kaya ang kinalabasan ng picture, may chocolate ako sa ngipin -,-
Agad tiningnan ni Agnes yung picture naming tatlo at tawang-tawa siya, di pa siya nakuntento ipinakita pa niya kay Yohan yung ngipin kong may chocolate.
"Don't upload it Agnes." sabi ko.
"Bakit naman mylabs, ang ganda mo kaya dun." sabi niya. Nang-init ang mukha ko sa sinabi niya.
"Look, your blushing again mylabs!" pang-aasar niya.
"M-Mylabs? Frieny may di ka ba sinasabi sakin?" that look? Parang may ginawa akong masama?
"Hindi kami! Eww" sabi ko. Napatingin naman ako kay Yohan at nilapit niya ang mukha niya sakin as in sobrang lapit. Kaya agad ko siyang tinulak, I hate that feeling!
"HAHA you're blushing again. Anong eww? Kinikilig ka nga sa gwapong tulad ko eh." sabi niya sabay kindat. Tiningnan ko si Agnes na nakangisi na ngayon.
Aish paano ba ako makakatakas sa lalaking ito? Grr napaka-fc!
"Yohan, pwedeng magpapic?" tanong nung isang babae na lumapit sa table na kinauupuan namin.
"Ask mo muna girlfriend ko kung pwede." sabi niya sabay turo sa akin. Nagulat naman lahat ng tao sa canteen at sari-saring mga bulungan ang namamayani na ingay. Kahit ako nagulat sa sinabi niya at nilakasan pa niya ah!
"Di niya ako girlfriend! Tsk." aish bakit niya kaya ginawa yun. Agad ako umalis at sinundan ako ni Agnes.
"Zamille! Wait for me!" sabi niya pero dinalian ko pa ang paglalakad ko pero nahabol pa rin niya ako at humawak siya sa braso ko at nang nilingon ko na siya, natawa ako kasi tagaktak ang pawis niya.
"Bakit ka nag-walk out? Dahil ba dun sa sinabi niya na girlfriend ka niya? Nakalimutan mo na yata na ikaw si Zamille Sophie Vuizon ang babaeng walang inuurungan na kahit sino man. Ang babaeng parang lawyer na ayaw magpatalo kapag may gustong ipaglaban. Bakit yata natitiklop ka kay Yohan?" tanong ni Agnes. Pinunasan ko ang noo ko na pinagpapawisan. Daig pa ni Agnes si Tito Boy sa mga questions niya.
"Aminin mo nga Zamille? Do you like Yohan? Crush mo ba siya?" sandali akong natigilan sa tanong niya.
BINABASA MO ANG
Perfect Two (Completed)
Подростковая литература[Highest Rank: #3 in NamLee Fanfiction] Philophobia- the fear of falling in love or emotional attachment. Ganyan ang case ni Zamille. Well, hindi siya NBSB actually may naging boyfriend siya wayback nung highschool siya pero simula nun wala na. As...