Sinimulan na yung program kanina at ngayon ay isa-isa ng nagpapa-picture kay Yohan. Napansin kong pinapawisan na si Yohan at halatang pagod na pagod na. Wala pa sa kalahati ang mga fans na magpapa-picture sakanya.
Kumuha ako ng bottled water na dapat iaabot ko sakanya. Kaso napatigil ako, tama ba ito? Sabagay Zamille walang malisya ito. Diba nga sabi ni Mr. Choi, alagaan mo siya. Pero let me clarify na walang malisya ito.
"Oh, uminom ka muna." Sabi ko. Nagulat siya sa ginawa ko at napangiti, kung ano man ang iniisip ng lalaking ito pwes hindi ganon. "T-Thank You, my producer." Sabi niya. Psh. Aalis na sana ako kaso biglang nagsalita yung babae na nasa unahan namin. Teka, ito rin yung babae kanina ah.
"Producer? Producer mo talaga siya Beigh Yohan? Diba ito yung alleged girlfriend mo? How come na naging producer mo siya? Like OMG!" konti na lang talaga, papatulan ko na itong babaeng ito, malapit na ako mapuno. Baka matapos ng maaga itong meet and greet pag nagwala ako dito. Kinuyukom ko ang kamao ko, pero naramdaman ko na hinawakan ni Yohan kamay ko, at tumingin sakin tapos binigyan niya ako ng kalma-lang-look. Agad ko inialis yung kamay ko at bumalik na sa camera ko.
Nag-video ulit ako. Psh shut up na lang ako dito.
"Okay guys, you don't need to bash Producer Zamille. Yes, may issue kami dati pero kalimutan niyo na yun. Past is Past." Tama, past is past. Hindi mo na kailangang ungkatin yung nakaraan, Zamille. Nakalimutan ka na niya, dapat kalimutan mo na rin siya.
"And dapat magpa-thank you kayo sakanya. Kasi siya yung way para magkaroon tayo ng meet and greet. Siya rin ang gagawa ng documentary about sakin na airing na next month." Magiliw niyang tugon. Sabay-sabay silang napatingin sakin at lahat sila nagsabi ng thank you. Parang gumaan bigla ang pakiramdam ko at nabunutan ako ng tinik.
Napatingin ako kay Yohan at nakangiti siya sakin kaya napangiti na rin ako. Nung tapos na yung pagpapa-picture, isa-isa na binigay yung mga giveaways. Tapos itinutok ko kay Yohan yung camera dahil may konting Q&A na magaganap.
"So guys, Yohan will be receiving 2 questions galing sainyo. And ako dun sa isa so you may raise your hand and Yohan ikaw na pumili kung sino." Sabi ko. Umingay na naman ang buong hall dahil agaw-agawan sila at umaasa na sila ang pipiliin ni Yohan.
Then tinuro ni Yohan yung isang babae. "Uhmm Yohan, for you What Is Love?" napalunok ako saka itinutok ng maayos kay Yohan yung camera. Pinagpapawisan ako at nanginginig kamay ko sa sasabihin ni Yohan. Tumingin muna siya sakin bago niya sagutin yung tanong. So uhmm anong ibig sabihin nun.
"Okay What Is Love? For me, ang pag-ibig ay parang ulan. Kaya mong iwasan pero di mo kayang pigilan. And yun ang meaning ng Love." Tapos tumingin na naman siya sakin. Bakit ba? Kinuha ko yung panyo ko dahil tagaktak na ang pawis ko. Bakit ba ako natatamaan dun?
"O-Okay n-next q-question please." Bakit ba ako nauutal? Hays ano bang nangyayari sakin.
"Beigh Yohan. Yung totoo, kayo ba talaga ni Macy? Team Real nga ba talaga or ginagawa niyo lang yun para mas lalong sumikat yung tambalan niyong dalawa?" itinutok ko na kaagad yung camera kay Yohan. Halos lahat kami hinihintay ang sagot niya.
"Yup. Kami for real." Sabi ko nga. Sila nga. "Okay so ako naman magtatanong, so madali lang naman ito. Anong masasabi mo sa mga fans mo?" tanong ko. Mas mabuti ng matapos na kaagad ito, I'm tired na.
[Brain: Tired nga ba? Oh nagseselos lang?]
Ay taray! Pati utak ko nagsasalita. Loko, anong nagseselos? Ako magseselos. Kagaya nga ng sabi niya kanina, siya na mismo nagsabi na PAST IS PAST kaya hindi ako magseselos.
"Sa mga fans ko, thank you so much sainyo. Kasi kung wala kayo, wala rin ako dito sa buhay na ito. Mahirap pumasok sa showbiz, madaming problema at minsan iisipin mo na lang na sumuko na. Pero kayo ay nagsilbing inspirasyon ko para lumaban. Sabi ko, pag sumuko ako paano na lang yung mga nagmamahal at walang sawang sumusuporta sakin diba? Kaya lubos akong nagpapasalamat sainyo at para sainyo ang lahat ng mga achievements ko. I love you guys." Sabi ni Yohan. Maluha-luha naman yung mga fans sa speech ni Yohan.
Hay salamat natapos na rin ang Meet and Greet na ito. Nakakaloka! Haggard na haggard na ako.
Hindi na ako nagpaalam kay Yohan. Nag-pack up na ako saka umalis. Bakit pa ako magpapaalam, wala rin naman siyang pake sakin diba.
Yohan's POV
Inayos ko ang sarili ko at tumayo na sa kinauupuan ko. Nagpaalam na ako sakanilang lahat, bago ako umalis lumingon-lingon muna ako sa paligid. Pero wala si Zamille. Asan kaya yun? Pagkatapos ng interview di ko na siya nakita. Ni hindi man lang siya nagpaalam sakin.
Pumasok na ako sa loob ng sasakyan. On the way, sa bahay. Naalala ko yung, tagpo namin kanina ni Zamille. Ramdam na ramdam ko yung awkwardness siguro pati siya ramdam niya yun.
"Uhmm Yohan, for you What Is Love?" tanong sakin nung babae. Isa lang naman ibig sabihin ng Love sakin, ikaw, ikaw Zamille. Tiningnan ko muna si Zamille bago sumagot, nakita kong tagaktak na ang pawis niya. Teka, kinakabahan ba siya?
"Okay What Is Love? For me, ang pag-ibig ay parang ulan. Kaya mong iwasan pero di mo kayang pigilan. And yun ang meaning ng Love." Sagot ko. Katulad ko pinilit kong iwasan ka, kagaya nga ng sabi mo sakin nung huli nating pagkikita dati. Pero akala ko makakaya ko pero hindi, ikaw pa rin ang nasa puso't isipan ko. At nung makita kita ulit, isa lang ang na-realize ko, na hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko sayo.
Oh wait bigla akong napabalikwas sa kinauupuan ko.
"Okay lang po ba kayo Sir?" tanong ni Mang Tenong, driver ko.
"Uhmm opo naman hehe." Wait may naisip lang ako. Hindi kaya nagselos kanina si Zamille kaya siya nagalit at hindi na nagpaalam sakin na aalis siya. Hmmm...
Pero di muna ako maga-assume baka masaktan lang ako.
[Brain: Paano mo naman nasabi na nagseselos yun? Assuming mo rin boy ano!]
Loko itong brain na ito! Ipakain kita diyan sa Zombies eh. Zombies are coming! Paktay ka.
[Zombies: Brains! Brains! Rawr! Brains!]
Easy lang kayo mga Zombies haha. Pero paano ko nasabi? Kasi diba nga kanina may nagtanong sakin kung kami daw ni Macy for real?
"Yup. Kami for real." Pero ang totoo HINDI. Gusto ko lang makita reaction ni Zamille, kung magseselos ba siya or what. And I think nagtagumpay ako. Nagselos ata whahahaha.
Pagkarating ko sa bahay, binuksan ko ang cp ko at nag-search sa google.
Best Diving Spot in The Philippines
Pangarap ko talagang mag-scuba diving kasi it looks fun so yun ang 4th thing na nasa bucket list ko.
Ang unang lumabas ay Anilao, Batangas. So dito kami pupunta bukas and para malapit rin cause it's just two-hour drive from Manila, I texted Zamille and I told her na magkita kami sa Moon Magic tomorrow dala mga gamit niya kasi didiretso na rin kami sa Vigan for my 3rd thing in my bucket list so medyo excited ako. Parang vacation with work ang mangyayari.
BINABASA MO ANG
Perfect Two (Completed)
Fiksi Remaja[Highest Rank: #3 in NamLee Fanfiction] Philophobia- the fear of falling in love or emotional attachment. Ganyan ang case ni Zamille. Well, hindi siya NBSB actually may naging boyfriend siya wayback nung highschool siya pero simula nun wala na. As...