♥Chapter 26- A Vuizon?♥

322 10 0
                                    

(A/N: More on kay Zayn, Agnes at Stella itong chapter na ito 💜 Ayun nga 5 more chapters na lang ito.)

Zayn's POV (Special Chapter)

Meet me sa Agatha's Cafe. I need to talk to you.

I texted Stella, I want to know the truth kung bakit niya ako iniwan. Ilang araw na ako binabagabag ng isip ko, may gusto lang akong malaman.

Sure. I'll be there at 9:00 :)
-Stella

Ngayon na lang ulit kita makakausap. Miss na miss na kita. Naalala ko yung mga panahon na kasama kita, sobrang saya natin noon pero anong ginawa mo tinapon mo lang lahat ng pinagsamahan natin.

But hindi ko na mababalik yun, I'm happy now with Agnes. Siya ang nagbalik ng wasak kong puso ng dahil sayo, Stella. I owe my happiness sakanya. Kung wala siya, siguro maloko pa rin ako ngayon at walang patutunguhan sa buhay. Madami akong babae na nakikilala para lang makalimutan ka. Pero wala eh palagi pa rin kitang naaalala, pero nung dumating si Agnes sa buhay ko siya ang daan upang makalimutan ko na yung pang-iiwan ko sayo.

Pumunta na ako sa Agatha's Cafe, ito yung dating place namin noon. Ang sarap kasi ng coffee at yung cookies nila dito na parehas nating paborito.

Nag-order na ako ng frappe at cookies bago ka pa dumating. Then, at exactly 9:00 dumating na rin si Stella.

"Sorry, matagal ka na ba dito? Pinalitan ko pa ng diaper si Stayn eh. By the way, hello." sabi niya sabay ngiti. Napatulala ako sakanya, walang kupas pa rin yung ganda niya at yung ngiti niyang nakakaakit.

"Uhmm it's okay." sabi ko. Then umupo na siya, tatayo pa sana ako para alalayan siya kaso nakaupo na kaagad siya.

"So anong gusto mong pag-usapan pala?" tanong niya. Ito na ba ang tamang oras para itanong ito? Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, I need to find the truth.

"Dideretsuhin na kita, si Stayn anak ko Good morninga siya?" tanong ko na ikinabigla niya. Yumuko siya at kinuha yung tissue para ipunas sa mga mata niya, umiiyak ba siya? May mali ba sa tanong ko?

"S-Stella kung ayaw mo naman sagutin oka--" umupo siya ng maayos at tumingin sakin ng seryoso. Pulang-pula ang mata niya pero parang ipinapakita niya sakin na di siya iiyak, I know pinipigilan lang niya na umiyak. But why? I don't understand.

"Yes. Stayn is your son." biglang nag-mute ang paligid at paulit-ulit na umuulit sa utak ko yung binitawang mga salita ni Stella.

Yes. Stayn is your son.

Yes. Stayn is your son.

Yes. Stayn is your son.

Anak ko si Stayn? Pero bakit niya itinago sakin?

"Bakit di mo sinabi sakin? Akala mo di ko papanagutan yun? Bakit Stella? Bakit mo itinago sakin?" tanong ko. Mas lalong umiyak si Stella.

"It's not my choice na itago yun sayo! Si Daddy! Si Daddy ang may pakana ng lahat." sabi niya sabay hagulgol. Daddy niya?

"Nung malaman niyang buntis ako, ayaw niyang malaman ng iba so pinapunta niya ako sa Korea. Sabi pa niya, makipaghiwalay daw ako sayo at sabihing wag na ako guluhin dahil may ibang mahal na ako sa Korea. Kung hindi ko daw yun gagawin hindi daw nila tatanggapin yung anak ko. Natakot ako kaya sinunod ko na lang yung utos ni Dad. Iyak ako ng iyak nung nasa Korea ako, I know rin na muntik ka ng magpakamatay dahil sakin at sinisisi ko ang sarili ko dahil dun. Gusto kitang puntahan at yakapin. Pero ayaw kong maging miserable ang buhay ng anak natin." paliwanag niya. Lumapit ako sakanya at niyakap ko siya. Humagulgol siya sa braso ko. Hindi ko alam na mas masakit pa pala ang pinagdaanan niya, naging single mom siya dahil hindi ko alam. Dapat hati kami sa responsabilidad sa anak namin pero inako lang niya lahat.

Perfect Two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon