Nakarating na kami sa bahay, almost 12:00 na. Hinatid na rin namin si Agnes sa bahay nila. At si Kuya ayun dumiretso sa kusina. Ano kayang gagawin nun?
Nagbihis muna ako saka sumunod kay Kuya. Sina Mommy dumiretso na sa kwarto nila, napagod na ata. Pagkadating ko sa kusina, wala dun si Kuya. Pero napansin kong bukas ang pinto papunta sa garden. Siguro andun yun.
Pagpunta ko dun, nakita ko nga si Kuya dun at umiinom ng beer. Kaya pala pumunta siya kanina sa kitchen kasi kumuha siya ng beer. Nilapitan ko siya at tinapik ko ang braso niya.
"Oh what are you doing here? Akala ko tulog ka na?" pagtataka niya. Hays Kuya di mo yata alam ang hidden talent ko ano? Kaya kong magpuyat hanggang madaling araw hakhak
"Bakit ka umiinom? May problema ka ano." pang-aasar ko. Kapag may problema si Kuya palagi niyang tinatago, ayaw niyang ipakita yun sa iba pero dahil nga kilalang-kilala ko na siya, alam ko kung may problema siyang dinadala.
"Kuya nakita mo yung anak ni Ate Stella? Ang cute ano. May pagka-chinito parang mata mo. Tapos matangos rin ilong katulad mo. Tapos amputi rin katulad mo." natigil siya sa pag-inom at tumingin sakin.
"Anong ipinaparating mo? Na anak ko yun?" sarcastic niyang tanong. Well, kanina nung tiningnan ko yung bata, kuhang-kuha ang mukha ni Kuya.
"Yes." sagot ko. "Hays sige aaminin ko, kanina feeling ko talaga anak ko si Stayn. The way Stella look at me when she introduce her son, parang may kakaiba. Dun na ako kinutuban na baka nga anak ko si Stayn." explain ni Kuya. Grabe yung ganap kanina. Alam mo yung ramdam na ramdam mo yung tensyon.
"So investigate. Kausapin mo si Ate Stella. Pero Kuya, I hope anak mo nga yun. Gusto ko na magkaroon ng baby dito sa bahay eh." sabi ko pero parang hindi natuwa si Kuya sa ideya ko. Sabi ko nga, shut up ka na lang Zamille •_•
"Yah I know magiging masaya ako kung malaman ko na anak ko nga si Stayn. Pero may masasaktan ako, ayaw kong masaktan si Agnes. Wala siyang ibang ginawa kundi pasayahin at ibigay ang lahat ng oras niya sakin, ayaw kong masaktan siya. Naguguluhan na ako Zamille. Bakit ganito?" may namumuong luha na sa mga mata ni Kuya. Masyadong complicated nga ang lagay ngayon ni Kuya. Dati gusto niyang bumalik na si Ate Stella pero ngayon na bumalik na huli na dahil may Agnes na sa buhay niya.
"Kuya hindi ako magaling magpayo pero gusto ko lang sabihin na Just Follow Your Heart. Alam kong nagtatalo ang isip at puso mo ngayon pero for me dapat ang sundin mo ay ang puso dahil siya ang sasagot kung ano talaga ang tunay mong nararamdaman, sakanya mo malalaman kung saan ka ba mas sasaya at sakanya mo malalaman kung sino ba ang mas nananaig sa puso mo?" niyapos ako ni Kuya. "Thank You, ZamilleLILING!" aish naalala pa pala niya yung tawag niya sakin para maasar ako nung mga bata kami (-,-)
"Ewan ko sayo Kuya. Sige na nga, matutulog na ako. Maghahanap ako bukas ng trabaho, maga-apply na ako sa Moon Magic bukas. Nightyyy!" paalam ko. "Sige na, matulog ka na. Liligpitan ko na lang ito." tapos umakyat na ako. Hays sana makapasok ako sa Moon Magic bukas. I need that job.
Kinabukasan, maaga akong nagising kasi naman nakalimutan kong gumawa ng resume. Takte naalala ko, maga-apply nga pala ako tapos wala man lang akong resume. Buti may printer si Lolo sa office niya so nakigamit muna ako. Madali lang naman gumawa ng resume and also may picture naman na ako dito so ready na.
Pagkatapos kong gawin yung on-the-spot resume ko. Bumaba na ako para mag-breakfast.
"Oh bakit ang aga mo yatang gumising ngayon, apo?" tanong ni Lolo habang hinihigop yung kape niya. "Kasi Lolo, maga-apply po ako ngayon sa Moon Magic." Explain ko.
BINABASA MO ANG
Perfect Two (Completed)
Teen Fiction[Highest Rank: #3 in NamLee Fanfiction] Philophobia- the fear of falling in love or emotional attachment. Ganyan ang case ni Zamille. Well, hindi siya NBSB actually may naging boyfriend siya wayback nung highschool siya pero simula nun wala na. As...