♥Chapter 3- Your Beigh♥

456 10 0
                                    

"Aminin mo nga Zamille? Do you like Yohan? Crush mo ba siya?"

"Ofcourse not." sabi ko kay Agnes. Kailanman di ako magkakagusto dun sa lalaking yun.

"Tara na sa next class natin." yaya ni Agnes sa akin habang inaayos niya yung hairclip niya.

"I don't like." napatingin siya bigla sa akin at nakapamewang pa.

"Wag mong sabihin na, magka-cutting classes ka na naman?!" tumpak na tumpak. Napangiti na lang ako sakanya at tinalikuran siya.

"Frienny!" tinatawag ako ni Agnes pero di ko siya nililingon at dire-diretso pa rin akong naglakad.

Well, lagi ko itong ginagawa kasi nga pag ayaw ko dun sa subject na yun nililikdangan ko na lang, usually kay Lolo ako tumatambay.

Pumunta na ako sa Dean's Office. Kumatok muna ako saka pumasok.

"Hi Lolo!" bati ko paglingon ko sa may couch nakita ko si Kuya Zayn.

Siya si Kuya Zayn Vuizon. Yup, he's my brother. Dito rin siya nag-aaral at same kami 4th year student. Why? Kasi lagi siyang di nakakapasa kaya naabutan ko pa siya at baka nga pag di pa siya nakapasa ngayon, mauunahan ko pa siya.

"Why are you here? Wag mong sabihin na nag-cutting class ka na naman. Zamille wag kang tumulad dito sa Kuya mo na puro panliligaw lang ang inaatupag, nanakit pa ng puso ng mga babae." napailing si Lolo. I know Kuya Zayn, wala siyang sineseryoso na babae. Araw-araw ata nakaka-lima siyang girlfriend. Well, di ko naman siya masisisi cause He's A VUIZON syempre habulin talaga kami.

"Lolo sila lumalapit sa akin, di ako. Tapos iiyak-iyak sila." katuwiran ni Kuya. Well, may mali nga rin naman yung mga babae bakit ba kasi nila pinipilit yung sarili nila sa taong di naman sila mahal hays.

"Ewan ko nga sainyo magkapatid. Magkapatid nga kayo. Well, back to you Zamille bakit di ka umattend sa class mo ngayon?" napatingin sila parehas sa akin. Nilapitan ko si Lolo.

"Lolo, nabo-bored ako and I don't want to see my next teacher she's creepy." kasi naman yung sunod naming teacher ang long hair tapos may kamukha siya si Sacred Riana, yung sa Asia's Got Talent.

"Hays wala akong magagawa kung bumagsak kayong dalawa, yes! We are the owner of this school pero it's unfair kung ipasa ko kayo na walang kahirap-hirap. How many times do I need to tell to you, Zamille and Zayn na Lahat ng bagay pinaghihirapan." sabi ni Lolo at napailing-iling pa siya.

"Yes Lolo, I know that naman pero I promise hindi kayo madi-dissapoint sa akin." I said while raising my right hand.

"Good. Okay so nalaman niyo na ba na andito sa school natin si Yohan Fabio?" tanong ni Lolo. Hanggang dito ba naman maririnig ko yung pangalan nung lalaking iyon.

"Who's that?!" tanong ni Kuya habang nakataas pa ang isang kilay. Actually, di talaga nanunuod ng tv si Kuya, more on Netflix kaya siguro di niya yun kilala. Well, Netflix is life rin naman ako pero di naman ako katulad ni Kuya na puro yun na lang.

"He's a celebrity, Kuya. And yes Lolo, alam na alam ko na. Psh bakit mo nilagay sa section namin yun, seatmate ko tuloy." nakatingin sila sa akin ngayon.

"I think he's a good boy naman at saka maganda na rin na nandito siya para diba maging sikat pa lalo ang school natin, para madaming mag-enroll." ginawa pang parang pang-akit si Yohan. Like WTFudge nakakainis kaya siya, tahimik ang buhay ko dito sa school pero ngayon hindi na.

"I don't like him. So may kaagaw na ako sa mga chics dito?" sinamaan namin siya ng tingin. Really kuya naisingit mo pa yang pagkababaero mo?

Natawa nalang si Kuya at sa tumayo.

"I'll go ahead na. I need to find some girls baka maubusan na ako dahil dun sa Yohan na yun. And you, Zamille. Sumabay ka sa akin mamaya. Hihintayin kita sa parking lot." sabi ni Kuya. Ano kayang nakain ni Kuya bakit niya ako susunduin?

"Oh Yes buti pinaalala mo. Later, nagyayaya si Mamita niyo na kumain sa labas so dapat andun kayo kung ayaw niyong magtampo na naman Lola niyo." sabi ni Lolo. Napa-thumbs up naman ako.

"I'll go ahead na rin, Lolo. Siguro naman tapos na yung boring subject na tinakasan ko ngayon." napailing ulit si Lolo, napatawa naman ako. Sumabay na ako kay Kuya palabas.

"Hi Zayn!"
"Hi Zayn of my life!"

Sa bawat daan namin sa hall, lahat nang babae na nadadaanan namin ay binabati si Kuya. Feel na feel naman ni Kuya at sinuot pa yung sunglasses niya.

Natigil kami parehas nang nasa room na ako at pinagmasdan ko si Kuya at nakakunot ang noo niya.

Nung tiningnan ko yung tinitingnan niya, nakita ko si Yohan na pinagkakaguluhan ng mga babae. So may karibal na siya ngayon sa mga babae. Kung siya dati ang hearthrob, mukhang may kalaban na siya ngayon. Poor Kuya Zayn.

"Is that Yohan Fabio?" tanong sa akin ni Kuya.

"Yes siya yun." napatawa siya bigla. Anong problema nang lalaking ito?

"Mas gwapo pa ako diyan eh." sabi niya habang inaayos pa ang buhok niya. Iba rin si Kuya eh.

"I'll go ahead na nga. Bye Kuys!" I said. Saka lumakad.

"Wait, Zamille. Don't you ever fall in love with him, ayokong makita ka na namang umiiyak at nasasaktan. Remember nung iniwan ka ni Rovie." protective si Kuya sa akin kaya ayaw niyang nakikita akong nasasaktan.

"Ofcourse Kuya. I don't have time for love. It's just a waste of time." sabi ko. Tapos tinalikuran ko na siya. Ngayon makikipag-sagupaan ako dito sa mga babaeng iritan ng iritan.

"Excuse me." iritado kong sigaw. Napalingon sa akin silang lahat at nagbigay ng daan saka nag-bow lahat. Sa wakas nakadaan na rin ako.

"Thank You." I said. Pumunta na ako sa loob at sumunod na si Yohan.

"Hello, mylabs." sabi niya. Pero di ko siya sinasagot. I don't have time for him.

"Hey, bakit wala ka kanina sa isang class natin? Saan ka pumunta? At saka bakit umalis ka kanina sa canteen? I'm just joking, unless sineryoso mo at gusto mong mangyari. At saka one more thing, sino yung lalaking kasama mo kanina?" daming tanong. Close ba kami? Talo pa nito si Agnes.

"I don't have time to answer those questions." sagot ko. Tapos binuksan ko na yung electric fan ko. Napayakap naman sa sarili si Yohan sa sobrang lamig.

"Kahit yung last question na lang please." pagpipilit niya.

"Are you jealous?" nanlaki ang mata ko at tinakpan ang bunganga ko sa sinabi ko. Minsan talaga kung ano-ano ang lumalabas sa bunganga ko. Argh!

"Bakit masama ba?" tanong niya. Nag-init ang pisngi ko at napaiwas ako ng tingin. Mali itong nararamdaman ko. Wala lang ito, Zamille. Artista siya kaya magaling siya sa mga ganyan.

"Mr. Bei~ Mr. Yohan Fabio. Let me clarify you na KUYA ko lang yung kasama ko at ano naman ang pake mo?" pagtataray ko, napatawa naman siya.

"Wala naman. Nga pala bakit ka nahihiya na tawagin akong Beigh?" ang awkward kaya kung tawagin ko siyang Beigh parang Bae kasi -,-

"Don't be shy I can be your Beigh naman." sabi niya sabay kindat.

"Hayaan mo pagbabawalan ko silang tawagin akong Beigh kasi ikaw lang ang may karapatan na tumawag sa akin nun. I'm Zamille's Beigh Only." ano bang ipinararating ng lalaking ito?

Perfect Two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon