♥Epilogue♥

563 14 4
                                    

Sabi nila, "A perfect marriage, is just two imperfect people who refuse to give up on each other."

Yes korek ka diyan sis! Napatunayan ko na yan habang kasama ko ang pinakapoging lalaki sa buhay ko, ang aking hubby na si Yohan.

We promised na hindi magbabago ang samahan naming dalawa, I mean dapat andun pa rin yung kilig parang nung mga panahon na mag-girlfriend at boyfriend pa kami.

Kasi I heard na yung iba daw na mag-asawa, hindi na katulad nung dati nilang gawi I mean wala na yung sweetness sa isa't isa porket may asawa na, yung hindi na nag-HHWW tapos hindi na nagde-date so ayaw kong mangyari yun samin ni Yohan.

I'm so happy na kahit may two kids na kami, yes boy and girl they're twins! Nagde-date pa rin kami ni Yohan tapos papaalagaan na lang namin kay na Mommy. Madami namang mag-aalaga eh.

Wait guys, maya tayo mag-kwentuhan ah umiiyak na yung dalawang baby. Actually 5 months old pa lang sila so very hands on kami sakanila.

"Honey, ako na. Timpla ka na lang ng gatas dun kasi sure ako na gutom na sila sa kakaiyak." nakita ko kasing papalitan na sana ni Yohan yung dalawa ng diapers dahil may pupu. Well, tinuruan ko dati si Yohan magpalit ng diapers, magpaligo at magtimpla ng gatas. Kasi nga nagpaturo siya para man lang daw may magawa siya.

Then tuwing gabi or madaling araw, hindi kami pinapatulog nina Baby dahil palagi silang umiiyak. Struggle is real talaga pero worth it naman kasi napapasaya nila kami ng Daddy nila.

"Hi Baby Zamielle and Baby Yuan! Yan fresh na ulit kayo." tinitigan ko silang dalawa, why naman ganun? Hmp bakit nagmana silang dalawa kay Yohan hahaha.

"Here's the milk, mga baby made with love from Daddy!" tapos ipinadede na niya sa twins.

Tinitigan ko si Yohan habang nilalaro yung mga twins, thank you lord dahil binigyan mo ako ng asawa na tulad ni Yohan na napakabuti at responsableng ama sa mga anak namin.

"Why are you smiling wife?" tanong ni Yohan.

"Wala lang, ang cute kasi niyo tingnan. Magkakamukha kayo." sabi ko. Tumawa siya.

"Pfft oh bakit nag-iba expression ng mukha mo nung binitawan mo yung mga salitang "magkakamukha kayo" any problem, wife." pigil pa ng tawa, Yohan. Hanggang ngayon ang hilig mo pa rin mang-asar!

"Wala naman. Eh kasi naman, bakit nagmana silang lahat sayo. I mean walang nakuha sakin." hahaha as in kuhang-kuha ang mata pati ilong.

"Ang cute mo wife!" sabi niya sabay pisil sa pisngi ko.

"I Know Right! Hehe alam ko na ang minana nila sakin, yung cuteness. Diba Baby Zamielle and Baby Yuan?" tanong ko dun sa dalawa at bigla silang umiyak. Hagalpak tuloy sa kakatawa si Yohan. Sige na hindi na kayo nagmana sakin hays.

"I Love You wife." minsan binibigla na lang ako nitong si Yohan.

"I Love You too honey!" sagot ko.

"Akalain mo yun honey ano? Kahit ipinaglayo tayo ng tadhana, tayo pa rin hanggang dulo." sabi ko kay Yohan.

"Syempre meant to be talaga tayo! Naniniwala kasi ako na kapag mag-meant to be ang dalawang tao sila yung madaming pagsubok ang nararanasan nila pero nanatili silang matatag at nagiging mas stronger pa yung relationship nila, tulad natin." tama siya. Yohan and me until the end because we're meant to be and we're the perfect two. I will make sure na walang makakapaghiwalay samin.

And then our story as a happy and complete family begins...

To Be Continued...

Perfect Two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon