Zamille's POV
(9:30 in the evening...)
Nakarating na kami sa hotel namin.
"Uhmm Miss 2 rooms please. May available room pa ba kayo?" tanong ko. Si Yohan ayun nakaupo at nakatingin samin. Argh ang sakit na ng likod ko, nangalay ako kanina sa haba ng byahe namin. Dapat pala dinala ko pillow neck ko, nakalimutan ko kasi eh.
"Ma'am isa na lang po available naming, pero with 2 beds naman po." Sabi ni Ate. Kahit pa 2 beds yan ayokong makasama sa iisang kwarto yang si Yohan.
"Yohan!" tawag ko. Napabalikwas naman siya sa kinauupuan niya at padabog na lumapit sakin. Pati yung mga staff tumawa. "Bakit ba?" tanong niya. Pffttt haha
"May alam ka bang ibang hotel. 1 room na lang daw ang available dito eh." Sabi ko. "Eh ano naman. Sige Ate kukunin namin." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Yohan, ang dami-daming hotel eh." Pagpipilit ko. "Look, Zamille gabi na oh tapos wala pa tayong kain. At sabi nila narinig ko kanina na punuan talaga daw ngayon lahat ng hotel kasi andami daw dito pumupunta tuwing summer. Okay?" hays wala rin naman akong magagawa. Kinuha ko na yung maleta ko at sumunod kay Yohan.
B12 room number namin. Hindi naman ako nahirapan sa pagbuhat ng maleta ko kasi nasa 1st floor lang naman ito.
Buti na lang may dalawang kama dito.
"Tara!" ha? Di pa nga ako nakakapahinga, gagala na kaagad tayo. Tapos gabi na oh. "Saan??" lumapit siya sakin habang nakapamewang. "Diba sabi mo kakain tayo?" ay oo nga pala. Napatayo kaagad ako sa kama ko at lumabas.
"Di ka naman yata masyadong excited." Pang-aasar niya. Gutom na gutom na kaya ako, MCDO lang pinakain mo sakin kanina eh, kulang na kulang.
Pumunta na kami sa Calle Crisologo.
"Pst. Yohan wait vi-videohan kita dito. Sabihin mo yung nakikita ng mata mo dito or kahit ano basta may masabi ka lang about sa Calle Crisologo." Utos ko saka kinuha yung camera, tumigil sa gitna si Yohan. Walang katao-tao na dito, merong konti yung ibang mga vendors pero ang tahimik ng lugar na ito.
"So we're currently here in Calle Crisologo or Crisologo Street, sobrang ganda dito guys kasi feeling ko nasa Spanish Period ako dahil sa mga ancestral house na nakapalibot. Tapos may mga kalesa rin dito kaya super cool. Andami rin ditong nagtitinda ng mga antique things kagaya ng mga furnitures so ang amazing non. Ngayon ay pupunta kami sa isang resto dito kaya samahan niyo kami." And cut! Buti na lang di ako masyadong nahihirapan sa lalaking ito, pag sinabi mong magsalita siya, siya na mismo nag-iisip ng sasabihin niya.
Andito na kami sa kakainan namin, nasa Calle Crisologo rin siya. Sabi kasi ni Yohan itong Lampong's Resto, magaganda daw feedbacks nito sa google. So kanina pa pala siya nagse-search ng mga pupuntahan niya dito sa Vigan.
Pagkatapos naming kumain, bumalik na kami sa hotel. Bukas na lang kami gagala, gabi na rin kasi eh.
Yohan's POV
Ayun plakda si Zamille. Pagkadating namin sa hotel, pagkahiga niya sa kami humihilik na kaagad.
Kinuha ko yung kumot sa may paanan niya at inilagay sakanya.
Natawa ako sa itsura niya ngayon. Haha, sinarado ko yung bibig niyang nakanganga. Baka mapasukan ng langaw eh.
Masaya ako na kasama ko siya ngayon. Nagpapasalamat ako kasi kahit trabaho lang ang dahilan kung bakit niya ako sinasamahan ay nakikisakay pa siya sa mga trip ko.
***Kinabukasan***
"Zamille! Gising na! Bangon na diyan!" sigaw ko haha. I'm so excited sa mangyayari ngayon, wooh.
"Ugh. Ang aga pa oh, di naman aalis diyan yung pupuntahan natin." hays KJ talaga ng babaeng ito. Nakaligo na ako at nakabihis pero siya, nakahiga pa rin.
"Zamilleeee dali na! Ako, artista dito diba. Ako ang ido-documentary mo, so kailangan MAS maaga kang gumising sakin." umupo siya at sinamaan ako ng tingin. Tingnan mo itong babaeng ito hays minsan di ko rin matantya ang ugali, pasalamat ka MAHAL KITA.
After 123456 hours...
Naka-ayos na si Zamille. Lumabas na kami sa hotel para pumunta ulit sa Calle Crisologo, para mag-almusal.
"Yohan, itaas mo plate mo sabihin mo kinakain mo." utos niya. Ofcourse para sa documentary kailangan gawin lahat ng inuutos ni Commander haha.
Itinaas ko yung plate ko. "So for my breakfast I ordered the famous Vigan food, longganisa and their empanada. And also guys I'm here pa rin sa Calle Crisologo kasi dito maraming resto." explain ko then he turned off the camera saka kinain yung food niya.
"May gusto ka pa ba?" umiling siya. Ako gusto mo ba? Teka nga, Yohan haha asa ka pa. Masasaktan ka lang </3
Lumabas na kami sa resto at nilibot namin ang kahabaan ng Calle Crisologo. Napahinto ako sa isang souvenir shop, si Zamille? Ayun patuloy na naglalakad haha di niya alam na wala na ako sa likod niya.
"Ate dalawa ngang Vigan Shirt." one for me and one for her.
"Diba, ikaw yung sikat na artista?" napatawa naman ako sa "sikat" di naman masyado haha.
"Ahhh hehe o-opo." nahihiya kong sagot. "Sige libre na lang yan, pa-picture na lang." haha ito ang gusto ko eh. Nagagamit ko ang pagiging pogi ko sa mga ganto.
"S-Sige po." nagpapapicture si Ate at nagpa-video greet pa. Pero okay lang naman, nilibre niya naman sakin itong dalawang shirt.
"Yohan! Akala ko kung nasan ka--" natigil siya sa pagsasalita nung ibigay ko sakanya yung t-shirt na may nakasulat na I Love VIGAN. Ganun rin yung design sakin.
"Anong gagawin ko dito??" tanong niya, hays malamang susuotin -,-
"Suotin mo. Para may couple shirt na tayo." ipinatong ko yung I Love Vigan Shirt sa damit ko. Si Zamille ayun namumula hahaha. Alam ko namang nakakakilig ang mga banat ko.
Gulat ako nung sinuot niya ngayon saka ngumiti sakin. Kanina lang inis na inis siya sakin at nakasimangot pero parang nag-iba ang ihip ng hangin bakit ngumiti yun? whahaha
"Yohan! Sakay tayo dun" sabi niya sabay turo dun sa kalesa. Well, your wish is my command. Sumakay nga kami sa kalesa.
"Yohan videohan kita, so anong masasabi mo sa kalesa ride na ito?" tanong niya. Ngumiti muna ako bago sumagot.
"Syempre masaya ako na nakasakay ako sa kalesa dahil feeling ko nasa panahon ako ng Kastila, parang nag-time travel ako eh. Kulang na lang naka-barong ako. Talagang I LOVE VIGAN." sabi ko sabay turo sa shirt ko and cut!
Bumaba na kami sa kalesa. At ngayon ang final destination namin ay sa Bantay Bell Tower.
Pagkarating namin dun, napamangha ako sa ganda ng Bantay Bell Tower. Pero mukhang mas napamangha yung kasama ko. Kitang-kita sa mata niya na excited siyang lapitan yun.
"Zamille, selfie tayo." sabi ko. Akala ko tatanggihan niya kaso ngumiti siya at click! Second photo together.
Well, yung unang picture namin ay yung sa cafeteria ng school dati, may chocolate pa nga siya nun sa ngipin eh. Lagi kaming magkasama dati pero never pa kaming nagkaroon ng picture.
Hinawakan ko ang kamay niya, akala ko pipiglas siya pero hinigpitan pa niya lalo ang hawak sa mga kamay ko. Nakangiti ako habang naglalakad kaming magkahawak kamay papunta sa Bantay Bell Tower.
Sana wag ng matapos ang araw na ito. Ang araw na ito kung saan naramdaman ko ang kasiyahan na matagal ko nang gustong maasam. Araw kung saan magkasama kami ng prinsesa ng aking puso.
BINABASA MO ANG
Perfect Two (Completed)
Novela Juvenil[Highest Rank: #3 in NamLee Fanfiction] Philophobia- the fear of falling in love or emotional attachment. Ganyan ang case ni Zamille. Well, hindi siya NBSB actually may naging boyfriend siya wayback nung highschool siya pero simula nun wala na. As...