"Mukhang kami ata ang nasurprise ah." pang-aasar ni Kuya Zayn. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Aish nagulat lang ako kaya napayapos ako. Kayo kasi!" nagtawanan silang lahat.
"Congrats Our Queen!" sabi ng aking very supportive family. Tapos nag-group hug kaming lahat. Hinila ni Kuya si Yohan at niyapos rin niya ito. Tawa ako ng tawa sa reaction ni Yohan.
"Awww sweet family!" pang-aasar ni Agnes. Lahat na nagsipuan at pumunta ako sa unahan para mag-speech.
"So lubos po akong nagpapasalamat sainyong lahat sa pagsuporta sakin kanina. Siguro po alam niyo naman ditong lahat na mahiyain ako, never pa akong sumali sa mga contest na involve ang panunuod ng maraming audience. Pero po kanina na boost yung confidence ko dahil sa pag-cheer niyo. So Thank You po sainyong lahat for that especially sa aking very supportive family, kay Mommy na mas excited pa sakin kanina at pumili ng mga gown na susuotin ko, kay Lolo at Lola na napapatalon nung may nakuha akong mga awards, kay Kuya na kasama ko sa talent portion kanina, salamat Kuya at pinagbigyan mo ang pretty sister mo haha! Tapos kay Frenny Agnes na number 1 supporter ko kanina sa sobrang lakas ng cheer rinig ko sa stage at sa aking bagong bestfriend na si Yohan na akala ko di na dadating kanina, thank you Yohan!" sabi ko at nagpalakpakan silang lahat.
"And one more thing, enjoy this night at kainan naaaaaa!" napasigaw naman ang lahat nung sinabi ko yun. Andaming tao dito, isang buong barangay ata ang inimbita ni Lolo.
Pagkababa ko ng stage andaming nagpapicture sakin, syempre kahit nagugutom na ako kailangan ko silang pagbigyan (kainis feeling sikat haha)
Nung napagbigyan ko na yung mga fans ko (charot!) pinuntahan ko yung table kung saan andun si Yohan. As usual, dami na naman nagpapapicture sakanya.
"Yohan!" tawag ko, di lang ang lumingon sa akin ay si Yohan kundi pati yung mga babae na kumukuyog kay Yohan.
"Ms. Zamille pwede po ba kayong magtabi ni Beigh Yohan? Magpapicture po kayong dalawa." sabi nung isang babae. Tiningnan ko si Yohan at naghihintay ng sagot ko.
"Uhmmm S-Sige." tapos pumunta na ako sa tabi ni Yohan tapos andaming nag-picture sa amin, nakakangalay ngumiti ah.
Tapos biglang pumunta sa amin yung mga babae at may nagka-camera sa unahan. I thought magpapapicture lang sila kaya todo ngiti kami ni Yohan pero bigla silang sumigaw sabay-sabay ng "We Support Team YoZam!" at ang kinalabasan ng video ay sabay kaming nagulat ni Yohan.
"Thank You po." sabay-sabay nilang sagot. "Wait. Teka!" pagpipigil ko sakanila, lumabas na kasi agad sila sa resto.
"Yohan, paano yun? Baka i-post nila yun? Yung reputasyon ko paano? Baka i-bash ako. Ang alam nila si Macy ang ka-loveteam mo at may movie pa kayo. Aish paano ito?" natawa si Yohan. Seriously? Anong nakakatawa sa sinabi ko?
"Hayaan mo sila. Ako ang bahala. Naalala mo yung sinabi ko sayo kanina? Okay lang na maissue ako sayo kaysa sa ibang babae. Wag kang mag-alala, ganyan ang kalakaran ng showbiz hindi mawawalan ng issue sayo pero chill ka lang, mawawala rin yan." wow ah may pa-chill chill pang nalalaman.
"Naku talaga Mr. Yohan Fabio tsk tsk" napa-smirk naman siya.
"Kulang. May nakakalimutan ka ata." sabi niya. Ha? Minsan talaga di ko alam ang pinagsasabi ng lalaking ito.
"Ano?!" pagsusungit ko.
"Diba nga I'm your Beigh?" kaya pala pati si Macy, Beigh tawag sakanya -,-
"Ewan ko sayo." pero may tiwala ako sakanya, alam kong di niya ako papabayaan.
Natapos na ang party at nagsiuwian na yung mga bisita. Ugh ang sakit ng katawan at paa ko, ikaw ba naman maghapon nakatayo sabay naka-heels pa.
"Tita, aalis na po ako may shooting pa po kami eh." paalam niya kay Mommy. "Ay oo nga pala, may bagong movie nga pala kayo ni Macy, sana ay sinama mo siya dito para makilala ko. Pinapanuod ko yung teleserye niyo tuwing hapon eh." aish di naman masyadong halata na fan ng MaYo si Mommy -,-
"Ayy maramang salamat tita!" sagot niya. "Oh Zamille Sophie Vuizon ihatid mo na si Yohan sa labas." utos ni Mommy. Aish di ko pa nga naipapahinga ang paa ko. Wala pa naman akong bitbit na sandals o kahit tsinelas man lang.
Kaya ang kinalabasan paika-ika ako maglakad. "Okay ka lang?" tanong ni Yohan habang naglalakad kami papunta sa parking lot. Natigil ako nung may nakita akong babae na napadaan, siguro naman kasya yung sandals niya sakin.
"Ate!" lumingon sa akin si Ate Girl at lumapit kami sakanya. Nagtaka naman bigla si Yohan.
"Can I have your sandals please." tanong ko. "Ha? Miss? Seryoso ka ba diyan? Mahal kaya nito." tiningnan ko yung sandals and it looks like galing divi.
"Really?! I will buy it nalang. How much ba?" tanong ko. "Edi para akong mangyan na walang tsinelas na naglalakad. Aba miss, ayaw kong pagtawanan ako." aish naman pakipot pa, babayaran ko na nga.
"Zamille!" tawag sakin ni Yohan tapos lumapit siya samin. Tiningnan ko si Ate Girl at gulat na gulat siya nung nakita niya si Yohan.
"O to the M to the G! Beigh Yohan!!!!" napatakip ako sa tenga sa lakas ng tili niya. "Myghad idol na idol ko po kayo, pwede pong magpapicture?" tanong niya. Hmmm I have a bright idea!
"Wait Ate! Bawal po. Pero if you'll give me your sandals then go ahead, pwede ka na magpapicture kay Yohan kahit ako pa ang magpicture sainyo eh." giit ko. Napangiti naman si Ate Girl at hinubad yung sandals niya at ibinigay sakin at sinuot ko na agad-agad. Salamat naman, mare-relax na yung paa kon Tapos kinuha niya yung cellphone niya at ibinigay sakin. Kailan pa ako naging photographer buti may utang na loob ako sayo Ate Girl kung wala nakuu
"1....2....3...Smile! Oh wacky naman! Oh isa pa! Oh last na...Last na talaga! Akbay naman diyan Yohan! Okay na! Maraming Salamat Ate!" tapos binigay ko na yung cellphone niya. Agad ko hinila si Yohan palayo.
Tawa ako ng tawa nung nakapunta na kami sa parking lot. Di ko akalain na ipagpapalit ni Ate Girl na magyapak kapalit ang picture nila ni Yohan na blurred.
"Why are you laughing?" tanong niya. "W-Wala naman!" natigil ang pag-uusap namin nung makita ko si Ate Girl na hinahanap ako at halatang galit na galit. Agad ako sumakay sa kotse ni Yohan at sumakay na rin siya.
"Bakit ba?" tanong niya. HAHAHA kasi naman baka bawiin sakin ni Ate Girl yung tsinelas kasi puro blurred yung kuha ko sakanila ni Yohan.
"I need to hide. Hindi ako pwedeng makita ni Ate Girl baka bawiin yung sandals niya." explain ko. "Ano kasing ginawa mo?" Tanong niya. "Kaya ko kasi siya napapayag kasi kapalit ng picture niyong dalawa. Kaso blurred yung kuha kaya siguro hinahanap niya ako ngayon kasi naloko ko siya." sabi ko habang natatawa.
"You're so rude, Zamille hays." napakaseryoso sa buhay itong lalaking ito, hindi ba pwedeng maging masaya? Hahaha
"Pftt kasi naman ansakit na ng paa ko and wala akong mahiraman man lang ng slippers or sandals. Ikaw kaya ang mag-high heels maghapon." pagtataray ko. Ini-start na ni Yohan kotse niya, magpapahatid na lang ako sakanya, sigurado naman na di kami kasya sa kotse ni Kuya kasi andun si Lolo, Lola at si Mommy.
"Pasalamat ka, gusto kita." sabi niya. Ano daw?!
BINABASA MO ANG
Perfect Two (Completed)
Novela Juvenil[Highest Rank: #3 in NamLee Fanfiction] Philophobia- the fear of falling in love or emotional attachment. Ganyan ang case ni Zamille. Well, hindi siya NBSB actually may naging boyfriend siya wayback nung highschool siya pero simula nun wala na. As...