♥Chapter 31- Double Wedding♥

414 8 0
                                    

(A/N This will be the last chapter. Thank You for reading this 😘💜)

***After 1 month***

1 month na bago magpropose sakin si Yohan, sobrang saya ko nung mga panahon na yun kasi sa wakas nahanap na namin ang kaligayahan ng aming mga puso.

Nga pala, naipalabas na yung documentary tungkol sa buhay ni Yohan. Nag-hit yung documentary kaya na-promote ako.

Naging busy rin kami ni Yohan sa pag-aayos ng kasal namin. From my wedding gown hanggang sa mga pagkain at mga giveaways lahat yan, inasikaso namin.

This is the day, wedding day na. Minsan lang dumating sa buhay ng isang babae ang kasal so this is the best day ever!

Pero ayun nga, gumising muna ako ng napakaaga. May pupuntahan kasi ako eh.

>>>>>
Andito na ako sa sementeryo. Pupunta kasi ako sa puntod ni Rovie.

"Hi mahal, ngayon na ang kasal ko. I miss you so much. Sana masaya ka sa naging desisyon ko. Wag kang mag-alala mahal, alam kong hindi ako sasaktan ni Yohan. Mabait yun at saka alam ko na mahal na mahal ako nun. Mahal, thank you very much sa lahat ng ginawa mo sakin nung nabubuhay ka pa. Lagi mong tandaan na hinding-hindi ka mawawala sa puso at isipan ko. I love you babe. Sige na bye na! Mag-aayos pa ako para sa kasal ko mamaya eh. Bye mahal!" sabi ko. I miss him so much. Tiningnan ko ang relo ko, hala 8:25 na, memake-upan pa ako. 10:30 ang kasal. Naku sana naman hindi traffic.

Umalis na ako sa sementeryo at pumunta sa isang hotel na malapit sa simbahan kung saan ako ikakasal.

Nakarating na ako sa hotel. Pagkadating ko nakabihis na si Ate Stella, sina Mommy at Mamita. Omg ako na lang hindi.

"Jusko Zamille. Ano ba? Akala namin hindi ka na sisipot. Saan ka ba pumunta? Tinawagan namin si Yohan, akala namin dumaan ka dun sakanila. Pero wala ka daw kaya ayun naga-alala." sabi ni Mommy.

Umupo na ako dun sa may vanity table, highblood na naman si Mommy. Sinumulan na ako make-upan. Halos 4 na make-up artist na ang magtutulong-tulong sa pag-aayos sakin.

"Sorry Ma! Hahaha galing lang po ako kay Rovie." paliwanag ko.

9:35 tapos na ako. Nakapag-ayos na ako. Bumaba na kami at naghihintay sa amin ang dalawang sasakyan. Yung isa para kay Ate Stella with her mom and dad. At yung isa para sakin, kasama ko rin si Mommy and Daddy.

I'm so happy kasi sila ang maghahatid sakin sa altar.

Nakarating na kami sa simbahan. Unang bumaba si Ate Stella at pumunta na sa may pintuan, maya-maya na lang daw ako bumaba.

Naisip naming double wedding na lang, so tuwang-tuwa sina Mommy kasi sabay ang kasal namin ni Kuya.

Kinakabahan ako na excited. Myghad mixed emotions ang nararamdaman ko. Nga pala, andaming fans ni Yohan ang nasa labas. They are very supportive na sakin. May mga ilang reporters rin ang nasa labas at hinihintay akong dumating. Siguro na-interview na nila kanina si Yohan.

May lumapit sa sasakyan namin at sabi ako na daw sunod.

So bumaba na si Daddy at inalalayan si Mommy at ako naman sunod. Puro flash ng camera ang nakikita ko, jusko sana naman hindi epic ang mukha ko. Baka gawin pa yang meme sa internet.

Di ko kasi alam itsura ko ngayon, kinakabahan kasi ako. Pawis na nga ako kaya pinupunasan ng todo ni Mommy yung noo ko kasi baka mahulas ang make-up. Hindi ko naman mapunasan kasi may dala akong boquet.

Unti-unting bumakas yung pinto ng simbahan. At naaninag ko na ang mga tao sa loob. Kasalukuyang naglalakad ngayon si Baby Minion, siya ang aming ringbearer pati rin nina Kuya. Tapos sunod si Cathalina, my sister. Yeah, bati na kami kasi diba bad sa magkapatid na nag-aaway. Siya naman ang aking bride's maid. Well, dapat talaga si Agnes kaso di daw siya makakapunta eh. Naiintindihan ko rin naman siya.

Perfect Two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon