♥Chapter 11- Winner♥

318 8 0
                                    

"Dumating ka!" sabi ko sabay hug sakanya. Di ko rin alam ang nararamdaman ko. Pero tuwang-tuwa ako na nakarating siya.

"Syempre naman My Darling Baby Boo, ako pa. Syempre hindi ko papalagpasin ito at sorry nga pala ah, alam ko nagalit ka." sabi niya. Nginitian ko na lang siya.

"So paano ka nakapunta dito? Diba may shooting ka?" tanong ko saka umupo ulit kasi ire-retouch pa make-up ko tapos pumunta sa unahan ko sa Yohan.

"Tinapos ko kaagad yung mga scenes ko hanggang madaling araw, di ko nga alam na hanggang 1:00 matatapos yun, so medyo late ako kasi you know namang traffic." explain niya. Na-touch naman ako. Biglang natigil ang pag-uusap namin nung tinawag na ang lahat ng candidates para sa Q&A. Gosh ito na.

"Sige kaya mo yan! Punta na ako dun sa may unahan okay?" sabi sakin ni Yohan. Nagpa-thank you naman ako ulit.

"Please welcome our lovely candidates." suot ko na ngayon yung black kong gown. Mala-Ivy Aguas ang design nito cause I'm indestructible charot haha

Isa-isa nang tinawag ang mga candidates. Tapos na si Candidate no. 1 at 2. It means na si bruhilda na. Ayun pautal-utal si Cathalina at ilang beses pa pinaulit yung question. Omg baka ganun rin ako mamaya, sige na nga shut up na lang ako baka karmahin ako.

"Thank You Candidate no. 3, now let's call Candidate no. 4" muling nag-ingay yung mga supporters ko tapos tinarayan ako ni Cathalina kaya niyapakan ko yung cheap niyang gown at yun nadapa siya buti na lang di nagreklamo hmp (omg lumalabas na naman pagka-bitchesa ko, sorry Rovie, sabi niya kasi bad daw yun, para tuloy akong bata pag pinapagalitan ni Rovie, immature kasi ako dati)

Iniabot na sakin yung fish bowl kung saan nakalagay ang mga questions, sana easy lang mabunot ko. Kumuha na ako ng one question at iniabot sa emcee.

"Okay so Candidate no. 4 here's your question. Since kakatapos lang ng Valentines Day, for sure in na in pa ito. Okay for you WHAT IS LOVE?" napatahimik ang lahat at hinihintay ang sagot ko. Ano nga ba ang Love, simula nung nawala si Rovie di ko na alam ang ibig sabihin nun. Nanginginig na ako, pero biglang nabuhayan ang loob ko nang may biglang sumigaw.

"Go Zamille! Kaya mo yan! Woohhh" sigaw ni Yohan na ikinagulat ng lahat at natawa naman ako at yung emcee. Medyo malayo siya sa stage pero dinig na dinig ko.

"Okay so What is Love? Love is about showing respect to a person, not only to one person. We have different kinds of love, love for your family for our friends, for everyone. Love is about having trust and LOVE IS EVERYTHING. We can't live in this world without it. Our life will be boring without love, cause I believe that our main purpose in this world is to spread love. That's all thank you." nagsitayuan yung mga supporters ko at pumalakpak. Napangiti naman ako lalong-lalo na kay Yohan. Without him, wala akong lakas na loob na sagutin yun.

"Thank You Candidate no. 4 for that wonderful answer." bumalik na ako sa kinatatayuan ko. Kahit hindi ako manalo okay lang, atleast alam kong natupad ko yung dream naming dalawa ni Rovie at napasaya ko ang family ko.

May isang intermission number at nagbihis muna ako, suot ko na yung white gown ko. Announcement na ng winners. Kinakabahan ako na masaya. Halo-halo na yung nararamdaman ko.

Pagkatapos ng intermission number isa-isa na kaming tinawag for the final walk. Tapos ang huling naglakad ay yung dating Ms. Logistica, ex-girlfriend ni Kuya. Ibinaling ko ang tingin ko kay Agnes na umuusok na ang ilong dahil nakita niya ang karibal niya dati haha

"Okay so I'll be announcing the 3rd runner up. And our 3rd Runner up is......Candidate no. 8" aish mas lalo akong kinakabahan.

"Next is our 2nd Runner up, so our 2nd Runner up is....Candidate no. 5" omg pinagpapawisan na ako dito, 2nd runner up na hindi pa ako natatawag so baka nga di ako panalo.

"Next is our 1st Runner up. Sino kaya ang first runner up natin? Any guess audience?" tanong nung emcee. Kanya-kanyang candidate ang isinisigaw ng mga audience.

"Our first runner up is no other than...Candidate no. 3!" tiningnan muna ako ni Cathalina bago siya pumunta sa unahan. Nawawalan na ako ng pag-asa. Sorry everyone kung binigo ko kayo. Pwede bang umalis na di ko na kaya eh baka mapahiya pa ako.

"Okay are you ready to find out who will be our new Ms. Logistica 2018? From 10 candidates na naglalaban isa lang talaga ang hihiranging panalo. So hindi ko na papatagalin pa." di talaga ako umaasa promise. Nakatingin ako kay na Mommy at magkakahawak ang kamay nila. Napapapikit na lang ako ng mata at hinihintay ang susunod na sasabihin ng emcee.

"So our Ms. Logistica 2018 is Candidate no. 4!" aww talo ako sorry--Nanlaki bigla ang mata ko, teka no. 4 daw?! Omg! Nakita kong nagsigawan na yung mga supporters ko at yung pamilya ko pati si Agnes at Yohan ay tumatalon rin. Omo ako nga. Tumulo na ang luha ko. Omg Rovie nanalo ako, omo Rovie thank you for being my inspiration. Natupad ko na yung pangarap mo para sakin.

Pumunta na ako sa unahan. Inilagay na sakin yung crown. Omo di ako makapaniwala, gusto kong magwala. Tiningnan ko si Cathalina at mukhang nalugi dahil ako ang nanalo hakhak

"Congratulations Ms. Zamille Vuizon, our new Ms. Logistica 2018!" nagpicture-picture muna ako with the judges, other candidates, teachers, kay Lolo na Dean at sumama na rin yung family ko.

Pumunta na ako sa backstage para magbihis paglabas ko nakita ko si Yohan na nakaupo sa may malapit sa mga gamit ko.

"Congrats Queen! You deserve it." niyapos ko siya bigla na ikinagulat niya.

"Sorry na-miss ko lang bigla si Rovie. Pangarap namin ito eh na sumali ako sa beauty pageant." explain ko. Napa-smile naman siya at niyapos ako.

"Okay lang. I know miss na miss mo na siya." sabi niya. Nung kumawala kami parehas sa pagkakayapos namin, hinila ko siya palabas. May mga fans na humarang saamin pero di namin pinansin, hanggang sa makarating kami sa parking lot.

"Asan kotse mo dito?" tanong ko. Tinuro naman niya kotse niya. Agad ko siya hinila papunta dun at sumakay.

"Saan tayo pupunta? At saka di ba kayo magce-celebrate ng family mo?" tanong niya. Nilabas ko ang phone ko at tinext si Mommy, sabi ko susunod na lang ako sa resto na kakainan namin.

"Okay na, nakapagpaalam na ako, so ngayon pupunta tayo kay Rovie. Diba may deal tayo? Sabi ko pag nanalo ako ipapakilala kita kay Rovie. So pupunta tayo sakanya." sagot ko.

"Hindi ba magagalit yun? I mean may ipapakilala ka sakanya na ibang lalaki. That's awkward you know." aish bakit naman magagalit si Rovie?

"Just drive. Ako bahala." giit ko at sinimulan na niyang paandarin kotse niya.

Ilang oras lang nakarating na kami sa pupuntahan namin, hays ang hirap turuan ng direction nitong si Yohan. Para tuloy ako naging human waze.

"Bakit andito tayo? Bakit sa sementeryo?" tanong niya. I smiled widely.

"Kasi he's here. Rovie is here." sagot ko. Natulala siya sa sinabi ko.

Perfect Two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon